Chapter 3

491 3 0
                                    

Naghiwa-hiwalay na kami ng tropa, pero magkasama kami ni Kelvin kasi iisang Village lang kami. Bago umuwi, nagpasama muna ko sa kanya para magpagupit kasi ayokong masita pa ulit ni Manong Guard noh. Badtrip yun eh. Kung hindi ID, uniform at sapatos, buhok naman ang papansinin. Tss.

Pagdating sa bahay, si Nana na naman makikita't makakasama ko. Ugh. Lord, ba't niyo ko binigyan ng nakakabadtrip na kapatid? Nasa may pintuan pa lang ako rinig ko na yung ingay ng TV.

"Bingi ka ba?! Pakihinaan mo nga yang volume! Pati mag-isa ka lang tas ang ingay pa ng TV", sabi ko agad pagka pasok ko.

"Good evening din, brother!" Tas nag-grin siya. Mukhang demonyo lang eh.

Di ko na siya pinansin. Nilapag ko na yung bag ko sa sofa tas naligo na ako at kumain. Tumambay pa muna ko sa terrace bago naisipan matulog. Naalala ko na naman si taray. Jusko, ano ba itong pinasok ko? Pati, okay lang naman sakin mag speech ako sa Graduation. Katuwaan ba. Pero nakakainis lang si taray eh. Dahil sa kanya pinagtatawanan ako ng tropa. Ayoko pa man din na pinagtatawanan ako. Humanda sakin yang taray na yan.

Kinabukasan..

Maaga akong nagising ngayon. Mas mabuti na'to kesa marinig ko na naman ang nakakairitang boses ni Nana. Tulog pa siguro yun ngayon. Kaya naligo na ako at nag-ready para sa school. At dahil sa medyo maaga pa naman eh inantay ko na ang breakfast. Ayoko rin gutumin habang nagka-klase. Wala na nga pumapasok sa ulo ko pag busog eh, paano pa kaya pag gutom?

Nag pedicab ako palabas ng Village. Nakakatamad maglakad eh. Tas sakto pagkababa ko eh may naka-abang na jeep na sa labasan kaya sumakay na agad ako. Mga 6:50 pa ang nasa school na'ko tas andun na rin si Jethro. Sipag eh. Di pwedeng ma late yun dahil may plano pa yata siya tumakbo as Vice President ng Student Council.

Pumunta na ako sa upuan ko tsaka umupo sa may armchair. Wala pa naman teacher eh tsaka konti pa lang kami. Tas nakita ko pumasok si Olga kaya tinawag ko siya.

"Cous!", sabay wave sa kanya.

Nagsmile naman siya tsaka lumapit sa akin.

"Oh, bakit?"

"Friends kayo nung bagong classmate natin?"

"Si Leiz ba?", malamang. Siya lang naman yung transferee eh. -_-

"Oo."

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang.", tas napalingon kami sa may pumasok sa classroom.

Leiz pala pangalan niya. Bumalik na rin si Olga sa upuan niya tas nakita kong inalok niya si taray na maupo sa tabi niya. Psh. Uupo na lang, tititigan pa ako ng masama. Easy ka lang, may oras ka sakin. Tas nag smile ako sa kanya na parang nang-aasar.

Maya-maya pa eh nakita ko nang pumasok si Lance kasama si Kelvin. Tas nakita kong binati nila si insan. Pati, syempre si taray. Mga ungas talaga. Kinausap pa nila. Ito namang si Lance umupo pa sa tabi niya.

"Kelv!", sigaw ko sa kanya tas sumenyas ako sa kanya na lumapit sakin at lumapit naman agad siya.

"Ba't niyo kinausap yun?", tas napatingin siya sakin.

"Ano ka ba? Nakalimutan mo ba yung deal kahapon? Tsaka papa-good shot lang kami noh. Malay mo, makuha namin loob niya edi mas madali plano mo. Ungas ka talaga.", Tas tinap niya ko sa may balikat at bumalik dun kina Olga.

Onga noh. Sige, hahayaan ko na lang sila makipagfriends sa kanya. Tsaka ganyan din naman gagawin ko eh. Hahanap lang ako ng tyempo. Pati, magkatabi kami mamaya sa Math class kaya baka makausap ko siya mamaya. Sana.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now