Chapter 17

394 3 2
                                    

FERRY:

Excited ako pumasok ngayong Lunes. Di ko alam kung bakit. Hehe. Siguro dahil sa gusto ko na makasama sina Lance. Pati si Leiz.

Late na ako dumating sa school pero buti at wala kaming quiz. Hilig pa naman ni Miss magbigay ng surprise quiz. Tss.

Nung umupo na ako sa row namin, bigla ako kinausap ni Jethro.

"May sasabihin ka daw sa amin?", bulong niya.

"Ha? Anong sasabihin?", tanong ko. Wala kasi talaga ko idea.

"Sabi ni Lance.", tas nagwink siya sakin. "Mamaya ha.", tas nakinig na ulit siya kay Miss.

Okay, gets ko na agad nung sinabi niya yun. Pero parang bigla ko kinabahan. Ni hindi na ako nakikinig sa discussion ni Miss.

Pagka breaktime namin, inakbayan agad ni Jethro palabas ng room.

"Totoo bang inlove ka na kay Leiz?", bulong niya tas lumingon siya kay Leiz na kasama ni Kelvin at Lance naglalakad din sa likuran namin.

"Wag ka nga maingay. Baka marinig ka.", bulong ko sa kanya.

Tumawa lang siya.

Pagdating namin ng canteen, naghiwalay kami ng table nila Leiz. Kasi dun sila umupo sa pang apatan na table. Kasama ni Leiz si Lance at Kelvin tas ako naman at si Jethro.

"Ano na? May 15 minutes ka pa para magkwento oh.", atat na tanong niya.

Tumingin pa muna ako sa kinauupuan nila Leiz. Nagtatawanan silang tatlo. Ano kaya pinag-uusapan nila?

"Huy dali na! Parang bakla 'to!", napalakas yung sabi niya.

Tas napatingin samin yung ibang schoolmates namin.

"Nakakatuwa talaga yung barkada nila Ferry noh.", narinig kong sabi ng isang babae.

"Gusto ko na yata si Leiz, Pre. Hehe.", sabi ko sa kanya. Hininaan ko yung boses ko.

"Sigurado ka ba dyan? Baka naman katulad lang yan ng dati.", sabi niya.

Psh. Parang nagdududa pa itong mokong.

"Gags. Hindi. Sigurado ako. Gusto ko na talaga siya.", tas huminga ko ng malalim.

Tas tumayo siya at tumabi sakin.

"Ano plano mo? Liligawan mo na ba?", tas siniko niya ako.

Tumingin ulit ako kina Lance. Medyo ang seryoso ng mukha nila. Ano na kaya pinag-uusapan nila? Parang bigla bumilis yung heartbeat ko nung napasulyap sakin si Leiz habang nakatingin ako sa kanya. Bigla ko umiwas ng tingin.

Alam na kaya niya? T_T

"Tingin mo? Liligawan ko na ba? Hindi ba masyadong mabilis?", tanong ko kay Jet.

"Nu ka ba? Eh kung gusto mo talaga siya? Wala sa pabagalan o pabilisan yan. Sige ka, baka maunahan ka pa ng iba. Nako. Alam naman natin lahat na madami nagkakagusto diyan sa 'girlfriend' mo"

Tas sumenyas pa siya ng ganito "(^_^)" basta. Haha. Yung parang ni-quote niya habang sinasabi niya yung GIRLFRIEND.

Tumawa lang siya.

Oo nga noh. Baka maunahan pa ako. Kawawa naman ako pag nangyari yun.

Nung uwian na, magkakasama kami nila Leiz lumabas ng school. Tas may bumangga saming lalaki.

Namumukhaan ko siya. Tekaaaaa...

Siya nga yun. Yung nakasalubong namin ni Leiz sa Park. Yung boyfriend ni Janelle.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now