Chapter 16

315 2 1
                                    

ROBERT:

Ang weird lang ng feeling ko ngayon. Mahal ko pa nga talaga si Leiz. Nung nakita ko siyang kasama yung boyfriend niya. May kung anong tumusok sa puso ko. Ang sakit pala makitang may kasama siyang iba.

'Oo, sobra'...

Onga naman. Mukha ngang masaya siya dun sa boyfriend niya. Ba't ko pa kasi tinanong? Nasaktan pa tuloy ako.

"Babe, okay ka lang ba? Ba't parang tulala ka?", nagulat ako sa boses ni Janelle.

"Ha? Uhm..oo. O..o-okay lang ako.", tas pilit akong ngumiti.

Hindi ko alam pero parang naging cold ako bigla kay Janelle. Parang gusto ko na siyang pauwiin. Kaso baka kung ano naman isipin niya at mag-away na naman kami.

"Ano ba?! Kanina pa ako nagsasalita dito, parang di ka naman nakikinig.", bigla siya tumayo.

Tiningnan ko lang siya habang nakatayo sa harap ko at nakalagay pa yung dalawa niyang kamay sa waist niya.

"Nakikinig ka ba sakin?!", tumaas na yung boses niya.

"Babe..", umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Medyo masama kasi pakiramdam ko eh. Bigla akong na-migraine.", dagdag ko sabay arte at hinawakan ko ulo ko.

Sa totoo lang, gusto ko lang siya talaga pauwiin na. Gusto ko muna makapag-isip. Hindi ba mali yung ginawa kong pag-iwan kay Leiz nuon?

Tama ba yung desisyon na si Janelle yung pinili ko kahit alam kong nasaktan ko ng sobra si Leiz? Kahit alam kong mahal na mahal niya ako nun?

"Ayan ka na naman, hindi ka na naman sumasagot sakin. Sige na nga. Magpahinga ka na at uminom ng gamot. Uuwi na ako."

Alam ko nagtatampo siya pero hinayaan ko na lang siya umalis. Ni hindi na nga siya nagkiss sakin. Yun lagi niya ginagawa bago kami maghiwalay eh.

Kaya sure akong galit siya sakin pero bahala na. Magkakaayos rin naman kami. Siya pa rin naman ang unang maga-approach sakin.

Kelangan ko makausap si Leiz ngayon.

Bigla akong naguluhan eh.

Mula nung nakita kong may boyfriend na siya. Baka naman nag boyfriend lang siya ulit para gawing panakip butas yung lalaki? Para makalimutan niya ako?

Mahal pa kaya niya ako? Kasi sa nararamdaman ko ngayon, alam kong mahal ko pa rin yata siya...

..Meron pa rin talaga.

Itry kong tawagan yung number niya dito sa phone ko. Baka naman hindi siya nagbago ng sim.

Nagri-ring yung phone niya..

Sana sagutin niya.

"Hello?", sinagot nga niya.

"Leiz...", nag-aalinlangan pa ako magsalita.

"Sino to?", grabe hindi na niya kilala boses ko?

O baka naman nare-recognize niya boses ko pero nagtatanong pa rin siya para makasigurado. Nagbago kasi ako ng sim eh.

"Si Robert 'to"

"Ahh..ano kelangan mo?"

Galit ba siya? Sa tono ng boses niya parang galit siya eh.

"Pwede ba kita makausap?", tanong ko.

"Nag-uusap naman na tayo eh."

Psh. Oo nga naman. Pilosopo.

"Galit ka pa ba?"

"Galit saan?"

"Sa akin..pati sa lahat?"

"Ewan ko...dapat ba?"

"Ewan. Ikaw naman nakakaramdam nun eh. Galit ka pa ba, Leiz?"

Bigla siya hindi nagsalita.

"Ano ba kailangan mo? Pwede diretsahin mo na? Kasi may inaantay akong tawag eh. Baka di ako macontact nun.", sabi niya.

Huminga ko ng malalim. Nagda-dalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Pero ayoko na sayangin ang pagkakataon. Baka kasi hindi na niya ako kausapin pa next time.

"Mahal pa rin kita."

"Tigil-tigilan mo nga ako. Tsaka wag mo na ako guluhin pwede? Hindi na ako papaloko ulit. Lalo na sayo. Kaya, pwede ba?"

"Pero totoo naman kasi Leiz. Mahal pa din kita. Nasaktan ako nung nakita kong masaya ka sa bago mo. Sana naman this time paniwalaan mo ako."

"Wag mo na ako guluhin. Masaya na ako ngayon. Maging masaya ka na rin sana. Sige, bye.", binaba na niya.

Wow. Parang ang dali lang sa kanyang sabihin lahat ng yun. Siguro nga masaya na siya talaga. Pero paano naman ako?

'Wag mo na ako guluhin'

Hindi naman kita ginugulo eh. Sinabi ko lang naman yung bumabagabag sakin ngayon.

Mahal pa din kita, Leiz.

Sana maniwala ka naman na sakin ngayon. Alam kong mahirap nang ibalik yung tiwala pero sana...

Kung kelangan hiwalayan ko si Janelle para lang malaman mo at ma-prove ko sayo na totoo yung mga sinasabi ko, gagawin ko. Ano ba naman panlaban ni Janelle sayo?

Ano ba panlaban ng 4 months namin sa 2 years natin?

Naguguluhan na talaga ako. Di ko alam yung gagawin ko.

Kung kelangan makipag-agawan ako sa boyfriend mo, gagawin ko. Makuha lang ulit kita.

Alam ko, Leiz. May natitira pa ring pagmamahal para sakin.

"Babe, sorry kanina medyo nagtampo lang ako kaya di na ako nakapagpaalam ng maayos. Pagaling ka ha? I love you.", text ni Janelle.

"Okay lang babe."

Ni hindi ko na magawang mag I love you too sa kanya. Nagsisimula na yata akong maging cold sa kanya.

Nagsisimula na rin yatang bumalik yung pagmamahal ko kay Leiz.

'Masaya ka ba ngayon Leiz?'... 'Oo, sobra'

Paulit-ulit sa isip ko. Hindi kaya sinabi niya lang yun para saktan ako?

Pupuntahan ko siya sa school nila sa Monday.

Gusto ko siya makausap ng personal. Para malaman niya na totoo yung sinabi ko sa kanya kanina.

Para rin makita niya na sincere ako.

Bumalik ka na sa akin, Leiz.

Pangako, pag naging maayos na tayo, hindi na kita lolokohin. Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na ipinaramdam ko sayo nuon. Sobra-sobra pa. Dahil alam kong hindi ka deserving para sa iba. Kundi sa akin lang.

Tayo ang magkakatuluyan.

Hindi ka pwedeng magmahal ng iba.

Kung kelangan kong makipag-agawan, gagawin ko.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now