Chapter 28

287 4 0
                                    

8am pa lang nagising na ako. Yea, ang aga. Pero okay na yun kesa ma-late ako sa date namin ni Leiz.

Bumangon na ako at agad dumiretso ng banyo para maligo at nag-prepare na. Kahit na 10:30 ang sabi ko sa kanya na pupunta ako sa kanila, aagahan ko na lang kasi siguradong nagre-ready na rin yun. Excited na rin daw kasi siya para sa araw na ito. Ako din naman.

Ayan naka-ready na ako't lahat-lahat! Pero teka! 9 pa lang?! Hmm. Makasilip nga muna ng Facebook ko sandali.

Pagkabukas ko ng FB ko, may unread message ako. Nung tiningnan ko kung kanino nanggaling, kay Cheska pala.

"Aynako. Akala ko pa naman nagbago ka na talaga. Paniwalang-paniwala na sana ako eh. Once a player, always a player!"

Ano na namang kadramahan kaya ito ni Cheska? O baka naman na wrong-send lang siya? Kaloka! FB, wrong send? PBB Teens?! HAHAHA! Pero malay ko naman. Baka namali lang talaga siya. Pinuntahan ko yung profile ng tropa. Basa-basa rin. Aba! Si Lance mukhang may nilalandi ah. Haha. May pa-tag tag pa ang mokong sa status niya.

"Salamat sa time mo kagabi Kimpay Feliciana! Worth the puyat! :">"

Hahaha! Taraaaay! Kumo-conyo si Lancelot! :)) Luma-lovelife na rin yata.

Pati syempre pinuntahan ko rin ang page ni Leiz. Sigurado akong marami na namang makakating betlog ang nagpo-post sa wall niya. Psh.

Aba! Tingnan mo nga naman at hindi ako nagkamali. Mga unggoy na to! Akala mo naman mga gwapo eh mas gwapo pa si Maxi, yung aso ni Janelle. Haha!

"Hi, Leiz! Saw u sa skol kanina! Ganda u talaga"

Skol talaga? Parang miskol lang? Sapak u want?

"Hello idol!"

Idol? Singer ba ang gf ko? Artista? Model? Nakakaloka!

Sarap sana pagbabarahin eh. Kaso wag na lang. Tsaka sino ba naman kasi ang hindi hahanga sa girlfriend ko? Bukod sa mabait at matalino, may bonus pang kagandahan. Jusko, salamat po talaga. Heehee!

At oo nga pala. Hindi kami nagbibigayan ng password sa Facebook. Unang-una kasi, may sari-sarili din naman kaming privacy kahit na kami na noh. At tsaka wala siyang dapat ipag-alala dahil hindi ako nagloloko. At higit sa lahat, malaki rin ang tiwala ko sa kanya.

Pero in case na gusto niyang malaman yung password ko, ibibigay ko naman sa kanya. Wala naman kasi akong tinatago kaya okay lang. ^_^ Narinig kong nagbukas yung pinto ng kwarto ni Nana. Kaya napatingin ako sa labas ng nakatiwangwang kong pintuan ng kwarto at napatingin sa orasan.

Aba, shutangena! 9:30 na pala! Parang 5 minutes pa nga lang ako nagbababad sa Facebook ah.

Kaya pagkababa ko nagpaalam na ako kay Nana at sinabing lalabas kami ni Leiz. Hindi na siya sumabat. Malamang mabaho hininga niya. Kakagising niya lang eh. Haha!

Pagkarating ko sa bahay nila Leiz, saktong papalabas ng gate si Kuya Chris kaya pinapasok na niya ako sa loob. Malamang. Alangan naman pumasok ako sa labas, dba? So, binara ko sarili ko, ganon? :))

Dumiretso ako sa sala nila at tsaka nakita ang Mom niyang nagbabasa ng Reader's Digest.

"Hijo!", bati niya.

"Tita, good morning po! Pinapasok na po ako ni Kuya Chris. Hehe."

"Ito naman, parang ibang tao. Di mo naman kelangan na magpaalam pag pumasok ka ng bahay eh."

Buti na lang pala at hindi ako akyat-bahay. Kung hindi, kalbo tong bahay niyo sakin. Hahaha!

"Lalabas po kami ni Leiz ngayon, Tita. Hiramin ko po muna siya ah? LOL!", yan. Kunyari sinabi ko talaga ang 'LOL'

Natawa siya sa sinabi ko.

"Sure! Basta ba magi-ingat kayong dalawa. Maupo ka muna at nagbibihis na yun sa kwarto niya. LOL din!" =))))))

Umupo na ako sa tabi niya at naupuan ko yung kinakain niyang Otap.

"Krrrrrrk!", sabi ng Otap. Oha. Nagsasalita ang Otap.

"Yung Otap ko naupuan mo!", sabay tawa si Tita.

"Nako, sorry po Tita. Hindi ko nakita."

Bumalik na siya ng pagbabasa.

"Mahilig po pala kayo magbasa ng Otap? Este, Reader's Digest? Si Mommy rin po."

"Ah oo. Napaka-informative kasi nito eh."

Mas informative pa ba yan kesa sa mga chismosa dyan sa kanto? Hehe.

"Oo nga po.", sakay ko.

"Ferry, Hijo! Andito ka pala!"

"Ay hindi, hindi. Picture ko lang to. Haha! Ay. Good morning po, Tito. Eh, oho. Aalis po sana kami ni Leiz eh.", sagot ko.

"Ah ganun ba. Kaya pala ang agang naligo nun. Akala ko nga may klase kayo pag Saturday eh."

Mga ilang minuto pa eh tumayo na yung parents ni Leiz at lumabas dahil mag-grocery daw muna sila.

Swerte ko talaga sana kung akyat bahay ako. Nako. Haha.

Maya-maya pa eh bumaba na si Leiz. Agad ko naman siya sinalubong at napangiti ako ng abot tenga.

Then I kissed her. Sa lips. Smack lang.

Nagulat din ako sa ginawa ko. Yea, so first time ko siyang nakiss sa lips.

Napatingin lang siya sakin na mukhang nagtataka. Siguradong gulat din siya sa ginawa ko.

Hay. Miss ko nga talaga siya.

"I miss you, baby!", di ko na siya inantay magsalita.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at matagal.

"Mas miss kita. Kung alam mo lang.", sagot niya habang yakap-yakap ko pa rin siya.

Lumabas na kami ng bahay nila na magkahawak ang kamay saka dumiretso ng mall. Nanuod kami ng sine. "Date Night" yung pinanuod namin. Siya yung pumili kaya go lang ako.

Pagkatapos ng movie, kumain muna kami bago maglibot-libot.

"Namiss ko to!", sabi niya habang nakahawak sa aking braso at naglilibot-libot kami.

"Ako rin.", sagot ko naman.

Sa totoo lang, di ko alam pero sobrang saya ko lang ngayong araw. Nakapag-spend ako ng oras kay Leiz.

Gusto ko kasing iparamdam sa kanya na kelanman, hindi ako mawawalan ng oras sa kanya. Gusto kong maramdaman niya pa rin ako kahit na lagi ako pawala-wala nung mga nakaraang linggo.

Sa may malayo, may masilayan akong pamilyar na mukha. Nung palapit na, aba! Si Robert to ah!

Naramdaman kong medyo humigpit yung kapit ni Leiz sa braso ko. Siguro nakita niya na rin na papalapit si Robert.

"Wag mo na pansinin.", mahina niyang sinabi. Ngumiti lang ako.

Nung nakasalubong na namin si Robert, humarang siya sa harap namin kaya hinugot ko bigla ang kamay ni Leiz mula sa pagkakahawak sa braso ko. Just in case magkagulo, makasuntok lang ako, okay na.

Pero hindi nangyari ang iniisip ko. Ngumiti siya sa amin.

"Kamusta na kayo?", tanong niya na walang bahid ng kaplastikan sa kanyang mukha.

"Ito, okay lang. Masaya.", tipid na sagot ni Leiz.

"Ah buti naman. Sige, una na ako.", paalam niya.

Pero bago pa siya tuluyang umalis, tinap niya ako sa balikat at sinabi.

"Magi-ingat ka.", bulong niya sakin.

Tas nung napatingin ako sa kanya, nagsmirk siya at saka umalis na.

Ano kaya ibig sabihin nun? Pagbabanta ba yun?

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now