Chapter 5

418 3 0
                                    

LEIZ:

2nd day of school..

I woke up 5:30 so I guess, saktong 7am nasa school na ako siguro or earlier.

Pagpasok sa school dumiretso na ako sa room since medyo na-familiarize ko na yung mga rooms namin. Hindi pa rin ako naka-uniform. Ako na lang yata di naka-uniform sa class namin eh. Bukas ko na lang siguro susuotin yun. I saw Olga papasok ng room but I didn't bother to call her or what dahil medyo malayo siya at baka sabihin niya feeeling close ako.

Pagkapasok ko sa room, I saw her talking with that annoying guy. Ugh. Is she friends with him? Gawd! Tas napatingin sila pareho sakin. Pinuntahan ako ni Olga. There, I won! She left him just to approach me. Boo-hoo! I smiled at her while papunta siya sakin tas sinabihan niya ako na seatmates na daw kami. Tinuro niya yung row kung saan kami uupo. Ang friendly talaga ni Olga. No wonder, kahit yung bwisit na lalaking yun mabait siya. Bago ko umupo nakita ko siyang nag grin sakin so tinitigan ko na naman siya ng masama. Tee-hee!

After ng ilang minutes, may pumasok na dalawang guy. Uhm, I think friends sila nung mayabang na yun. Binati nila si Olga, and of course me. Olga introduced me to them. Lance and Kelvin. They're both gwapo and gentlemen sila di tulad ng friend nila. I wonder ba't isinama nila yun sa barkada nila. Then minutes after, pumasok na yung teacher namin. God. She's pretty at ang bata pa niya ha. I'm starting to like this school na. Di tulad nung sa pinanggalingan kong school. Puro oldies yung teachers tas all you can see are nuns in every corner.

So yeah, the Kelvin guy went straight sa likod. Tas si Lance, umupo sa tabi ni Olga, iisa lang row namin. Tas nagsimula na rin magsidatingan yung ibang classmates namin and nagdiscuss lang konti si Miss. After ng class, nagpasama muna si Lance kasi mali daw yung spelling ng surname niya sa class record. Haha. Then I saw Kelvin at si Mr. Mayabang lumabas ng room. I wonder saan sila pupunta eh ang aga pa naman for the next class.

"Tara na. Daanan muna natin si Jethro sa SC Office. Okay lang ba?", yaya samin ni Lance.

"Sure!", I answered with a smile. Ang cute kaya ni Lance! Hihi.

"Tas sama ka na rin samin dun sa band stand ah.", pinoke niya si Olga tas tumango lang siya.

So there. We went to the Student Council Office and fetched Jethro. He's cute too though mas cute si Lance. Habang naglalakad, they were asking me the reasons why I transferred. Of course, sabi ko dahil boring yung school. Puro madre and dahil sa Ex kong walang kwenta.

"Grabe ka naman, Leiz! Walang kwenta talaga?", sabi ni Lance tapos nagtawanan kami.

Tapos napatingin ako sa harapan namin nakita ko si Kelvin nagwa-wave samin habang papalapit kami sa kanila. I smiled at him tas biglang lumingon si mayabang. So I gave him a blunt expression. Hahaha.

"Sensya na kayo natagalan. Ito kasing si Vice President eh dinaanan pa namin sa SC Office eh.", tas binatukan niya si Jethro.

Haha. Normal lang ba sa kanila magsakitan? Geez! Tas nagtawanan lang sila. So okay, normal nga.

"Uy, Ferry! Magkakilala na ba kayo ni Leiz?", biglang inopen up ni Jethro.

So Ferry pala name niya? K. Wtv. Mayabang pa rin siya. Tas I saw Kelvin nag 'ok sign' kay Jethro. And what's that for?! These guys are weird in some ways ah.

"Hindi eh. Di pa nga kami magkakilala eh tinarayan na ako niyan eh. Dba, Leiz?", tas nag-grin siya. My God! Yung mukha niya nakakainis!

"Tinarayan? Kelan? Tsaka bakit?", tanong naman ni Olga.

"Ah wala. Nagsorry naman na ako sa kanya kahapon eh. Nung naapakan ko yung paa niya.", sabi niya ulit.

Ugh! Nakakainis. Isang hirit na lang talaga niya baka di ko mapigilan sarili at sasabog ako dito! Pero buti medyo hindi ako ganyan ka badtrip kaya okay lang. Tsaka duh?! Ba't ko siya papatulan? He's not even worth it. Tapos nakita si Lance pinuntahan si Kelvin at parang may sinasabi tas nagtawanan sila. Ako kaya pinagtatawanan nila? Sana hindi. Wag ka ngang paranoid, Leiz! Sabi ko sa isip ko.

"Ah yun ba? Ikaw pala yun?", bigla kong nasabi. I wasn't supposed to speak pero wala lang. Para mabawasan lang inis ko.

"Oo, tiningnan mo pa nga ko ng masama after ko magsorry eh dba?", bigla na naman siya nagsalita. Ugh.

Inis na inis na sana ako eh. Pero buti na lang nagyaya si Olga pumunta ng canteen. Tas kinalabit niya ako at nauna na kami maglakad.

"Pagpasensyahan mo na yang si Ferry. Ganyan lang talaga yan! Mahilig mang-inis lalo na sa mga babae.", paliwanag niya sakin. Tumango lang ako.

"Tsaka pag naging friend mo yan at makilala mo ng lubusan yang pinsan ko, magiging close mo yan tsaka masaya kasama yan!", she added.

"Pinsan?! You mean.."

"Yup!"

Buti na lang pala di ako nakapagkwento sa kanya about sa inis ko sa pinsan niya. Wew! Tas pagdating namin ng canteen, nagkwentuhan muna kami dun. Joker pala tong si Jethro eh. As in tawa ko ng tawa sa mga kwento niya. Sarap siguro sila kabarkada. Well, except for Ferry. Mukha siyang KJ.

Math class. Ugh. Makakatabi ko na naman siya pero di ko siya papansinin. Parang pinahiya niya kaya ko kanina the way siya magsalita. Kahit kami-kami lang yung nandun kanina may hiya pa rin naman ako noh!

Lumabas si Miss sandali. Pinatawag yata ng Department Head? IDK if I heard it right. So nagligpit at nag ayos na ako ng gamit ko at nilagay sa bag. And na feel ko na naman na may tumitingin sakin so tiningnan ko siya.

"May kailangan ka ba?!", tinanong ko siya ng pataray.

"Wala. Bakit?"

"Wala."

Haha! Yung mukha niya gulat na gulat eh. Nakakatawa lang nung nakita ko siyang nakatingin sakin. Ang weird ng feeling. Yuck!

"Anyway, yung tungkol kahapon, okay lang yung pagkakaapak mo ng paa ko tsaka nagsorry ka naman na eh so okay lang.", I opened up.

"Eh bakit ang sama ng tingin mo sakin kahapon? Mukhang kakainin mo na nga ako eh."

"Wala."

Hay nako, gusto ko man sabihin sayo ang dahilan, siguradong pagtatawanan mo lang ako so I better keep it to myself. At alam ko kasi ang babaw ng dahilan ko eh. Dahil kamukha mo yung Ex ko kaya naiirita ako sayo. Yeah, mababaw nga. Pero bakit ba? Eh sa yan ang nafe-feel ko eh! Di ko naman mapigilan yung nararamdaman kong inis eh so wala rin kwenta. At tsaka oo nga pala, isa rin sa mga reason yung sinabihan mo akong MATARAY at OA! God! Magkakilala ba tayo para sabihan mo akong ng ganyan? You don't even know my name in the first place! You judgemental, annoying..ano pa ba. Lahat na. K. Wtv.

Dumating na si Miss pero she dismissed us na agad dahil may meeting daw. Kaya lumabas na kami. Kinalabit ako ni Jethro kaya sumama na ako sa kanila nung lunch. Ewan ko pero may something talaga kay Jethro kasi kahit korni yung jokes niya nakakatawa pa rin. Siguro dahil sa way niya i-deliver yung joke. Pati, nauuna pa yung tawa niya sa mismong joke. Haha. Weirdo.

Tapos sa mga remaining subjects namin kasama ko pa rin sila sa iisang row kasi di naman ako makatanggi kay Jethro pati kay Lance at pinipilit nila ko. Sabagay, mas okay na yun kesa naman sa wala akong kasama noh. Tsaka okay lang sakin kasi one of the boys din naman ako. Pero di ako tomboy! I just feel comfortable being friends with the guys kasi less drama, hindi maarte and hindi sila plastic. Parang I feel well-protected pa pag ganun.

After nung class, nagpaalam na ako sa kanila nung nakita kong paparating yung kotse. Nasa loob na ko pero nakikita ko pa rin si Kelvin nagwa-wave sakin so I just smiled though alam kong di na niya makikita. Tas andun rin si Ferry nakatayo lang. Pokerface. Ang gwapo rin pala ng ungas na yun noh. Mas gwapo pa siya kesa kay Robert. Mukhang mabait kaso nakakainis lang talaga ugali. Sabi nga daw ni Olga ganun daw talaga siya. Makulit. Lalo na daw sa mga babae. Uck. Pero kahapon may narinig akong isang group ng mga babae nag-uusap sa mga crush nila eh tas parang narinig ko pangalan ni Ferry. Di ko lang sure.

Sabagay. Kahit isa, may nagkaka-crush din naman siguro dun. Pretty boy eh. Kung wala, edi malas niya.

All in all, today's better than yesterday. I familiriazed the campus, I met new friends, I'm comfortable being friends with them, I'm excited for the coming school activities! :3

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now