Chapter 18

352 4 0
                                    

"Go, Citadels!"

Rinig na rinig namin ni Jethro yung sigawan nung teammates namin habang naglalaro kami ng Basketball. Kalaban namin sila Lance.

Ito yung isa sa mga pinakamalaking activities sa school namin every September. Ang Odyssey of the Minds.

Bale, lahat ng students mula 1st year-4th year; Regular Class, Special Science Class, Special Program for the Arts, School of the Future, Sports Class ay pinag-sama sama sa iisang team.

May 15 teams lahat-lahat at ramdom ang groupings. Nakasama ako sa Citadels, yung Champion last year. Kasama ko si Jethro at Leiz. Tapos sina Lance, iba yung team nila. 2-3 weeks ang itinatgal ng activity na ito, kasama na ang awarding.

Madami kang pagpipilian na games/contests kung saan mo gusto sumali. Tig dalawang contest lang pwedeng salihan ng bawat estudyante. Nandyan ang sports; basketball, volleyball, swimming, baseball, soccer, etc.

Meron ding mga Quiz bee, treasure hunting, amazing race, etc. Lahat ng ito, present ang MATH. Hehe.

Meron ding dance contests, singing contests, verse choir, puppet shows, film making, pep squad, etc.

Natapos na yung game, panalo kami. Napagrin kami kay Lance at inaasar siya namin ni Jethro.

"Chumamba ang mga mokong!"

Sigaw ni Lance habang papalapit samin ni Jethro.

"Chamba na pala ngayon 35 points na agwat sa score?", tas nagtawanan kami at umalis na sa court.

Bukas, Liberators naman ang kalaban namin. Ewan kung sumali si Ralph sa Basketball. Liberators siya eh. Kung oo, makakalaban siya namin.

"Asan na sila? Mag lunch na tayo!", yaya ni Lance.

Ay oo nga pala, okay na si Ralph. Pinagsabihan na siya namin lahat-lahat. Napuno na yung tenga niya sa mga sermon namin. Naintindihan na niya daw. Pero parang hindi naman. Halos dalawang buwan na rin silang break ni Janelle.

Pero alam namin, meron pa rin talaga. Naiintindihan na daw ni Ralph lahat at tanggap na daw niya. Sana.

Kami na ni Leiz? Nope. Hindi pa. Nanliligaw pa lang ako sa kanya. Mahigit isang buwan na rin nung umamin ako sa kanya na gusto ko siya. Sa tulong na rin ng mga mokong.

"Nasa may underground pa sina Leiz eh. Nagsho-shoot pa para sa film na ginagawa nila.", sagot ko tas tumango lang sila.

Yung underground, literal na underground siya. Nasa may ilalim siya ng Main Building ng school namin. May mga classrooms din doon. Lungga daw ng mga multo yun sabi ng ibang alumni, base sa experience nila.

Pero sa ngayon siguro wala nang multo dun. Kasi lungga na rin siya ng mga lovers. Alam na! Madilim kasi talaga dun sa mga hallways nung underground.

Dun kami nagkaklase sa PE at dun kami nagha-hands on sa activity period namin sa computer class.

"Tara, puntahan natin.", yaya ni Jet.

Tumungo kaming underground. Tinext ko na rin si Kelvin at Ralph na sumunod samin sa underground ng school.

"Sige, Pre. Kakatapos lang din ng Soccer eh.", reply ni Kelvin.

Asan kaya si Ralph?

Malayo pa lang, nakita na namin yung mga kasamahan ni Leiz kaya diri-diresto kami sa paglalakad.

Nakita ko si Ralph kausap si Leiz sa may sulok.

Wow, kaya pala di nagreply. Tss.

Parang ang saya ng usapan nila. Hay. Ito na naman yung weird feeling ko. Yep. Nagseselos ako.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now