Chapter 11

302 0 0
                                    

LIEZ:

Mahigit isang buwan na rin pala ako sa bago kong school. Di ko napansin. Parang ang bilis lang ng lahat ng pangyayari. Hindi ko na rin namalayan na sobrang saya ko kasama si Ferry pati yung ibang friends namin sa school. Ang bilis rin kumalat ng chismis sa school na kami daw ni Ferry kahit hindi naman talaga. Siguro ganyan lang talaga siya kakilala sa school namin kaya halos lahat ng ginagawa ko na may kinalaman sa kanya eh nagiging instant issue kaagad. Madami na rin akong mga naging friends kahit sa ibang year level tsaka sections. Kahit ano pa man yang mga chismis na yan, alam ko naman sa sarili ko yung totoo at tsaka ang labo yata na magkakagusto sakin si Ferry. Mga tulad ni Cheska type niya eh. Oh well.

Medyo malapit na mag 12 kaya bumangon na ako tapos nag-lunch. Eh sa sobrang boring ba naman ng Saturday, nag-internet na lang ako. Para rin ma check ko yung pictures nung nakaraang Outreach. Sana na-upload na ni Ferry.

Pagkaopen ko ng Facebook, madaming friend requests. Mostly, mga schoolmates namin kaya inaccept ko na lahat. Nakita ko rin si Cheska dun sa isa sa mga friend requests but I didn't mind na tingnan yung profile niya. Besides, hindi naman kami magkakilala masyado. Yung casual lang like, Hi-Hello.

Pinuntahan ko yung profile ni Ferry to check out the pictures. The hell?! Di pa rin niya naa-upload. Ang tamad talaga. 1 week na nakalipas ni isa wala man lang siya na upload. Tss. Makapagsulat nga sa wall nitong tamad na to.

"Hoy! Di mo pa rin na-upload yung pics nung Outreach!"

Tapos ni-scan ko yung wall niya. Daming nagco-comment at like sa mga status niya. Grabe tapos ni isa wala man lang siyang nireplyan. Celebrity lang? Next ko tiningnan yung pics niya. Grabe ang vain nitong taong to. Andaming albums. Mostly, kasama niya sila Lance. Tapos may isa siyang album na magaganda lahat ng kuha niya. Sabagay, maganda kasi yung camera niya. Ito rin yata yung nasabi sakin ni Ralph na pangarap ni Ferry maging isang photographer.

Pagkatapos ko maghukay sa profile niya, inopen ko yung chat ko. Grabe, andami agad nagpop-up na chatboxes. Hindi ko naman kilala yung iba. Puro "Hi, Leiz!"

Hindi ko naman nireplyan kasi tinatamad ako makipagchat lalo na pag di ko kakilala. Tas nakita ko online yung bestfriend ko. Kaya ni-chat ko siya.

"Beeeee effffff!!!!!"

"Huy bf, kamusta ka na? Grabe tagal natin di nakapagusap."

"Oo nga eh. Okay naman ako. Masaya naman ako sa new school ko and I've met new friends!"

"Wow, I'm happy to know that. When kayo bibisita ulit dito sa States? I really miss you!"

"Hay nako, wag ka mainip. Kasi after high school, for sure, bibisitahin kita dyan. I miss you too like, oh my god!! Hahaha"

Mga one hour rin yata yung chat ko kay Pauleen. Yung besfriend ko na nasa States na ngayon nagstay for good. Parang kapatid ko na yan. Magkabarkada kasi yung parents namin nung kabataan nila. Tapos sa sobrang close, halos lahat ng ginagawa or pinupuntahan ng parents niya, sumasama din parents namin pati kami syempre. Haha. Ilang beses ko na rin siya binisita doon. Since, iisang lugar lang sila ng tinitirhan nila Daddy doon sa States. Hay, nami-miss ko na talaga ang lokang yun!

Mga ilang oras pa, nakita ko na inupload ni Ferry yung pictures! Wee. I'm so happy. Haha. Grabe, ilang araw ko inantay yun noh. May mga solo akong kuha dun at sobrang atat na ako palitan yung nilulumot kong DP. Tas ni-like ko yung album. Pati, nagstart na akong magscan ng pics tas nakita ko yung picture namin na magkasama. Napangiti ako.

Yung nasa likuran niya ko tas nilalagyan ko siya ng dimples sa dalawang pisngi niya gamit ang daliri ko. Haha. Ang cute niya lang dun. Parang bata. Kaya sabi ko yun na lang ang gagawin kong DP kasi ang ganda ko dun. Hehe.

"Pogi naman ng kasama mo.", grabe bilis ng mata nito. Napansin agad niya yung pagpalit ko ng DP.

"Pag daw kasi maganda yung katabi mo sa pic, nagiging pogi ang panget. Hahaha."

"Sus. Baliktad yata? Tsaka wag ka. Baka mainlove ka sakin. Ayiiiieee!"

Di na ako nakapagcomment ulit kasi dinagsa na rin ng likes at comments ng iba yung picture. Ayoko na rin sumabat kasi baka mas maging issue na naman yun noh.

Tinext ako ni Ralph kung gusto ko daw sumama sa kanila mamaya. Kaso hindi ako pumayag kasi unang-una, tinatamad talaga ako at tsaka sumasama lang ako sa kanila tumambay at inuman pag kasama rin si Olga o kaya yung ibang classmates namin na babae. Ayokong ako lang yung babae na kasama nila noh. Baka ano pa isipin ng mga tao. Lalo na ngayon, pagka nakitang madaming kasama ang babae sinasabihan agad ng malandi. Psh.

Nung gabi naman bago ako natulog, tinext ko si Ferry. Magsisimba ulit kami. Yung loko na yun, hindi kasi nagsisimba kaya kailangan niya magbalik loob sa Diyos. Haha. Buti nga at napilit kong sumama yun sa pagsimba. Mabuti na rin yun at hindi puro Dota, Basketball, at inom yung ginagawa niya. Sina Lance rin niyaya ko magsimba pero ayaw nila. Andaming rason eh alam ko namang tinatamad sila. Sus.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now