Chapter 6

417 2 2
                                    

FERRY:

Wednesday. Start na rin ng pasok ni Nana. 2nd year na siya. Bale, iisang school lang kami pero iba yung building ng College sa High School. Magkatapat lang yung gate namin. And syempre mas malaki yung school nila.

Pagka may pasok siya sa umaga, sabay kami umaalis kasi nililibre niya ko ng pamasahe. Tapos para may mainis rin ako habang nasa jeep. Tas nakarating na kami ng school. Pagkababa ng jeep, inantay pa muna niya ko pumasok ng gate bago siya pumasok sa gate nila. Panigurado daw kasi na papasok talaga ko. Psh.

"Bye, panget! Ingat ka dyan kahit wala ka naman dapat ingatan!", paalam ko sa kanya tsaka tumawid na ako papunta sa school.

Kahit malakas ako mang-asar dyan, mahal ko yan. Alam niya yun. Kahit nung niloko nga siya ng boyfriend niya nun, binanatan namin nila Lance nung nakita namin siya sa bar. Gagong yun! Kapanget-panget na tao may gana pang magloko. Mahal na mahal ko yang si Nana kasi sila lang naman ni Yaya ang kasama ko sa bahay pati, close kami kahit nung maliliit pa kami. Yung tipong parang bestfriends rin kami. Di kami nag-iilangan magsabihan ng problema. Kasi wala na rin naman magdadamayan kundi kami-kami lang rin naman. Moving on...

*1 message received

From: Rachel

"4-3, no class in English today! Please spread this message! Good morning! :)"

Good morning?! Anong good sa morning eh ngayon lang siya nagtext tas nasa school na ako! Langya naman oh! Ba't pa kasi siya pa naging Class Chairman last year. Sana si Jethro na lang mas okay pa eh. Tinuloy ko pa rin ang paglalakad habang hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko. Tas napatingin ako sa harapan ko. Si Leiz. Naka-unifrom na siya. Dali-dali ako naglakad para maabutan ko siya at nung malapit na ako sa kanya, I poked her. Napatingin siya sakin.

"Hi, classmate!", tas ngumiti ako sa kanya.

"Hi.", sagot niya tas ngumiti rin siya sakin.

"Wow. Maganda ba gising mo?", tas tumawa ako ng mahina.

"Bakit?", tanong niya na nagsasalubong na naman ang kilay. Trademark na yata niya yung ganyang expression.

"Eh kasi ngumiti ka kanina sakin eh.", tas tumawa ako. Di ko napigilan eh. Haha.

"Ahh.", tas tumigin siya sa dinadaanan namin.

Hay. Hirap naman kunin ng loob nitong babae to. Kung hindi lang dahil sa pustahan, di ko 'to papansinin eh. Malapit na kami sa lobby pero di pa rin ako makapag-isip ng pwede naming mapag-usapan. Paano ba naman kasi, isang tanong, isang sagot. Tsaka baka mabadtrip to sakin. Ang aga-aga pa man din.

"Onga pala.  Nagtext yung isang classmate natin. Wala daw pasok sa English.", sabi ko.

"Ngayon?", tanong niya.

"Ay hindi. Baka bukas. Malamang ngayon dba?", I joked.

"Fine.", Tss. Ngayon parang galit na naman siya.

Leche naman kasi. Bakit ba ang bigat ng loob niya sakin samantala kina Jerthro ang saya-saya niya o kaya naman tawa siya ng tawa sa mga korni jokes ni Jet. Tss.

"Uy, joke lang. Aga-aga kasi nakasimangot ka lagi.", tinap ko siya sa balikat tas nagsmile sa kanya nung tumignin siya sakin.

"Okay lang.", then she smiled back.

"Yan. Gumaganda ka pag naka-smile.", bwuuh! Ba't ko sinabi yun? Baka mamaya isipin niya crush ko siya.

"Loko.", nagsmile ulit siya tas hinampas ako sa braso ng mahina.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now