Chapter 19

329 2 0
                                    

RALPH:

Kahit ilang buwan na ang nakalipas, hindi ko pa rin magawang kalimutan si Janelle. Sadyang mahirap lang talaga kalimutan ang taong minsan naging malaking parte ng buhay mo.

Mahirap kalimutan ang taong maraming iniwang magagandang memories.

Si Leiz na lang din ang isa sa mga nasasandalan ko. Kasi, kung sina Ferry ang kakausapin ko, sasabihin lang naman nila na kalimutan ko si Janelle. Hindi nila kasi alam kung gaano kahirap.

Kelangan ko lang talaga ng isang taong makikinig at makakaintindi sakin. Kaya si Leiz ang naisipan kong sandalan.

Naalala ko kasi yung kwento niya dati na nioko siya ng bf niya. Kung sino man yung lalaking yun, isa siyang napakalaking tanga.

Hindi ba niya alam kung ano ang sinayang niya?

Malamang ngayon, pag alam niyang may ibang tao nang nagpapasaya kay Leiz, dun siya masasayangan. Dun siya magsisisi.

Oddysey of the Minds pala ngayon sa school. May practice kami sa Basketball. Bukas yung laban naman sa kung sino man ang mananalo sa mamayang game.

Pagdating sa school, pumunta na agad ako sa Gym. Dun yung practice namin. Kasi yung game, sa open court sila maglalaro kaya yung Gym ngayon, exclusive lang sa mga magpa-practice.

After ng practice namin, tinext ko si Leiz kung nasaan siya.

Alam ko naman kasing busy sina Ferry dahil may game sila ngayon. Kalaban nila si Lance. Tas si Kelvin naman, may soccer game.

"Dito sa Underground. Nagsho-shoot para sa film. Bakit?", reply ni Leiz.

"Tapos na practice namin eh. Puntahan na lang kita dyan. Dyan na rin natin antayin sina Ferry." text ko.

Tas dumiretso na ako dun sa lugar na pinagsho-shootan nila.

Pagdating ko, medyo patapos na rin yata sila kaya umupo ako sa sulok tas pinapanuod lang sila.

Pinuntahan ako ni Leiz.

"Huy, okay ka lang ba? Tulala ka na naman. Nako!"

Sabi niya habang papalapit sakin. Ni hindi ko siya nakitang lumalapit kanina kung hindi pa siya nagsalita. Si Janelle na naman kasi pumapasok sa isip ko.

"Hay nako, Rap. Narinig mo ba sinabi ko?"

Nagsnap siya ng fingers niya sa harap ko. Tas tumawa siya dahil mukha daw akong nagulat.

"Ah. Ha? Ano sabi mo?", tas pilit ako ngumisi habang nakakamot ng batok.

"Lumilipad na naman yang isip mo. Sabi ko, anong oras matatapos yung game nila Ferry?", sabi niya.

"Eh, hindi ko alam. Pero baka patapos na yun. Bakit, miss mo agad? Hahaha!", biro ko sa kanya.

"Alam niyo, kayo, issue talaga kayo. Haha!", tas tumawa siya tsaka hinampas ako.

Alam ko namang kinikilig yang si Leiz kapag ginaganyan siya namin ng tropa. Ibang klase. Ang galing niya lang minsan magtago. Pati si Ferry. Bagay nga sila.

Natutuwa talaga ako. Hindi ako makapaniwala na inlove na si Ferry eh pero nakakatuwa na masaya yung kaibigan ko dahil kay Leiz.

"Tapos na yung shoot?", tanong ko.

"Oo, bukas na magre-resume. Wala pa din kasi yung iba kaya konti lang muna ginawa namin."

Tumango lang ako tas natulala na naman.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now