Chapter 21

323 4 0
                                    

RALPH:

Halos ilang araw na nakalipas mula nung nalaman ko yung tungkol sa bagong boyfriend ni Janelle. May mga alam pa kaya si Ferry na hindi niya nasabi sa amin? Hindi ko alam pero may kung anong tumutulak sa akin na makialam na naman kay Janelle.

Sa Monday, may game kami sa hapon kaya practice na naman buong umaga.

Ang boring talaga ngayong Sabado. Wala na naman ako magawa. Si Kuya Patrick nasa Cebu ngayon nila Tita eh. Wala akong mayaya uminom.

"Haaaay.."

Humiga ako sa kama ko.

Bigla nag vibrate yung cellphone ko mula sa ilalim ng unan ko. Hinugot ko ito at tiningnan.

May message mula kay...

"Janelle?!", napalakas ang pagsabi ko.

Hindi ko lang talaga in-expect.

Mula kasi nung breakup namin, halos isang buwan rin akong nagmamakaawa sa kanya. Halos isang buwan akong text ng text sa kanya. Kahit alam kong hindi siya magrereply ni isa, text pa rin ako ng text hanggang sa napagod ako at nasanay nang hindi magtext sa kanya.

Tapos ngayon...

"Ralph, can we talk?", text niya.

"Bakit?", reply ko sa kanya.

Sabi nila Ferry, dapat wag ko na daw kausapin si Janelle. Masasaktan lang daw ako. Ako lang daw nagpapahirap sa sarili ko. Pero..

Mahal ko pa si Janelle. Kahit galit ako sa kanya.

Half of me, may pagmamahal pa rin sa kanya.

"Pwede ba tayo magkita mamaya?"

Hindi ko alam pero may kung ano talaga kay Janelle na mapapa-oo talaga ako.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate nila.

Nag doorbell na ako, di na ako nagdalawang isip.

Pagbukas ng gate, si Janelle agad ang nakita ko.

Niyakap niya ako bigla.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko pero parang lahat ng galit, biglang nawala. Lahat ng sakit, biglang humupa. Ganito ba talaga dapat ka complicated ang love?

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko sa mga oras na yun.

Naramdaman ko rin yung mga luha niya na bumubuhos sa balikat ko habang pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sakin.

"I'm sorry... I'm really sorry.", paulit-ulit niyang sinasabi sakin.

Pinabayaan ko lang muna siya hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak.

Ako naman, eto. Di ko namalayan na niyayakap ko na rin siya.

"Ssshhh...", yun na lang ang nasabi ko habang hinihimas yung likod niya.

Iyak pa rin siya ng iyak. Tas bigla tumigil sa pagyakap sakin. Tinitigan niya ako sa mga mata ko na para bang may gusto siyang sabihin.

"Mapapatawad mo pa ba ako? Maniniwala ka pa ba sakin pag sinabi kong mahal pa rin kita? Pagkakatiwalaan mo pa rin ba ulit ako pagkatapos ng ginawa ko?"

Parang sinuntok ako sa mukha nung mga oras na narinig ko yung mga sinabi niyang yun.

Mapapatawad ko pa ba siya? Maniniwala pa ba ako sa kanya? Pagkakatiwalaan ko pa ba siya pagkatapos ng mga ginawa niya at mga nangyari?

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now