Chapter 1

1.4K 16 0
                                    

Isang linggo na lang, pasukan na naman. 4th year na ako sa wakas! At next year, makakatapak na rin ako sa College. Akalain niyo yun? Ako rin nga gulat eh. Paano kaya ako naka-survive sa high school eh sobrang pilyo ko. Lalo na pag kasama ko sina Lance at yung buong tropa. Puro Dota, Basketball inaatupag namin. Kahit mga babaeng classmates namin sinasama namin sa kalokohan namin. Hahaha.

"Hoy, Ferry! Saan ka ngayon? Reply ASAP!", wow may load ang kupal!

"ASAP"

"Pucha ka! Tinatanong ng maayos eh! Asan ka? Kasama ko si Jethro ngayon. Tambay tayo!"

Kaya pala may load kasi maga-aya tumambay. Kapalmuks talaga. Kapag tinitext tungkol sa school hindi nagrereply. Pero kapag lakwatsa ang usapan, isang text lang reply agad.

"Gago ka ba? Wala kong pera. Next week pa'ko magkaka-allowance. Pati, ba't sinama mo si Jethro? Ogag ka talaga.", reply ko sa kanya.

Si Jethro kasi yung pinakamabait sa buong tropa. Ako sunod. Haha. Eh, active sa school eh tsaka siya lagi tanungan namin kung may mga kung ano-anong activities. Senator kasi sa Student Council. Pero ang kulit rin. Bale, parang binabagay niya lang sa sitwasyon, lugar tsaka mga taong kasama niya yung ugali niya. Syempre pag kami kasama niya, lumalabas ang kulit niyan. Kahit Senator lakas maka-bulakbol eh. Ogag rin eh. Hahaha.

"Eh nagkita kami dito sa SM eh. Tsaka dali na. Kahit piso wala ka talaga? Humingi ka muna sa ermat mo kahit pamasahe lang. Kami bahala sayo pagdating mo dito. Bilis!"

Sa totoo lang, tinatamad lang talaga ako umalis. May pera naman ako eh. Kaso ewan ko sobrang nakakatamad lang talaga ang araw na'to. Kahit alas dos na ng hapon nakahiga pa rin ako dito sa kama. Tss.

"Geh na nga. Kung maiintay niyo ko. Maliligo pa ko eh. Geh. Text na lang maya.", at agad na ko bumangon kahit parang feeling ko bigat ng katawan ko kahit wala naman akong sakit.

"Hoy, kumain ka na ba?", tanong ng Ate kong buwaya.

"Hindi. Bakit? Tsaka alam ko namang wala ka nang tinira sakin eh. Kain ka ng kain di ka naman tumataba."

2 years lang ang agwat ni Ate Nana sakin. Nana, kasi yan gusto ko tawag sa kanya. Hahaha. Joanna kasi totoong pangalan niya. Hindi ko siya ina-Ate most of the time. Pero pag may kailangan ako, yun. Dalawa lang kami magkapatid tsaka laking Yaya kaming pareho. Pero mas laking Yaya siya. Kasi basta. Wag niyo na alamin kasi hirap rin ako mag-explain. Palagi kasi wala parents namin. May negosyo sila sa States. Mas mahaba pa nga yung mga oras na kasama namin si Yaya kesa sa kanila eh. Mga selfish. Joke. Di naman sa hindi kami magkasundo pero ganito lang talaga kami. Parang walang respeto sa isa't-isa pero close kami niyan! Mahal ko yan kahit tanga minsan. Bakit tanga? Malalaman niyo na lang yun.

"Ungas ka talaga. May tinira si Yaya sa'yo na adobo dun sa mesa!", saka binalik niya yung tingin niya sa TV.

"Ewan ko sayo. Di ako kakain kasi aalis ako. Kita kami ni Lance.", tas pumasok na ko sa banyo para maligo.

Dali-dali na ako nagbihis. Syempre may hiya pa naman ako para pahintayin sila ng matagal dun noh. Kaya nag-Taxi na ako papunta dun. Tas tinext ko na rin si Lance na malapit na ako, kahit kakaalis ko lang ng bahay. Eh ba't ba. Ganyan din naman sila minsan ah. Kahit kakabangon lang sasabihin na papunta na. Talk shit.

Nakarating na ako ng SM. Tas tinext ko ulit si Lance. Tagal niya magreply. Eto ayoko sa lahat eh. Yung papupuntahin ako sa isang lugar tas pag tinext ko kung asan sila, di magrereply. Tss. Pero buti nagreply na siya bago ko pa masend ang wholesome kong text sa kanya na "Bwisit! Kung kelan andito na ako saka di magrereply amputa." Kaya tumungo na ako sa NBS. Mga langya sigurado ako nandun na naman sila sa mga libro ni Tito Bob Ong. Haha. May collection kasi yang si Lance ng mga libro ni Bob Ong eh. Pati, kinikwento niya pa samin eh hindi naman kami nagbabasa nun. Pantanga lang?

"Hoy ogag!", tawag ko agad sa kanya nung nakita ko siya.

Sabi na eh. Andito nga sila sa mga libro ni Bob Ong. Napatingin pa yung ibang tao sa loob nung sumigaw ako. Haha. Eh ano naman? Ganyan naman ang kabataan ngayon eh. Nakikiuso lang. Hihi.

"Bilis mo ah. Nag wisik ka na naman, noh?"

"Tarantado!", tas lumapit ako sa kanila tsaka nag fistbump. Eh sa ganyan kami magbatian eh. Pero wala naman kaming frat. Haha.

"Tara, libot-libot muna tayo, Brad", yaya ni Jethro samin kaya lumabas naman agad kami ng NBS.

Mga ilang oras rin kami naglibot sa loob ng SM saka pumunta ng tambayan. Nag-inuman kami pero konti lang naman kasi wala pa masyado budget dahil nga sa next week pa ang pasukan. Tas sa Sabado pa darating yung allowance namin. Badtrip.

"Pre, kamusta naman yung chicks mo?", tanong ni Lance tas tumawa siya.

"Chicks? Sino dun?"

"Edi si Cheska. Dba siya yung last na jowa mo?"

"Eh wala na kami. Kasawa eh. Parang Nanay! Tsaka ang ingay eh!", sagot ko sabay shot ng iniinom namin.

Tinawanan lang nila ako tas nagsalita ng kung ano-ano tungkol sa mga babaeng naging gf ko ng panandalian. Eh nakakasawa naman kasi talaga eh. Palibhasa si Lance, tinamaan ng magaling sa Ex niya kaya di na nag-gf ulit nung nagbreak sila. Hanggang ngayon yata, hindi pa rin naka-move on ang mokong. Si Jethro naman, forever friendzoned. Hahaha. Tapos ako..ewan. Gustuhin ko man tumagal sa isang relasyon eh di ko magawa. Bilis ko magsawa eh. Lalo na sa mga maingay. Yung puro away. Tss. Pati, lagi naman laro-laro yung sakin. Tsaka bata pa ako noh. Saka na ako magseryoso pag may trabaho na ako. Baka mamaya sa sobrang seryoso ko sa babae habang nag-aaral maging Tatay agad ako. Ayoko matulad kay Angelito. Haha.

"Uwi na tayo, nagtext na si ermat.", hirit ni Jethro.

"Onga, medyo gumagabi na rin eh. Kita na lang sa school sa Monday!", tas umuwi na kami.

Buti na lang talaga at first come, first served yung enrollment sa 4th year. Kaya magkakasama pa rin kami nila Lance sa iisang section. Walang makakabuwag samin. Kung meron man..deh, wala talaga kasi malakas kapit namin eh.

Pagdating sa bahay, mukha agad na nakakairita yung nakita ko. -_- Sino pa ba?

"Ayan, uminom na naman kayo noh? Mukha kang kamatis na bulok!"

"Pakialam mo ba? Eh sa tisoy ang kapatid mo eh. Tsaka pwede ba, wag ka magpakita sakin pag nakainom ako. I might throw up! Bwuuuuhhh!!", tas pabiro akong nagsuka.

Ayun. Nabatukan na naman ako. Lagi na lang niya ginagawa sakin yan! Amp! Ako din naman nagpauso ng batukan session namin palagi eh. Haha. Ang saya kaya kulitin ni Nana. Masaya ako pag may napipikon sakin eh. Lalo na yung may umiiyak dahil sa pagkainis. Namiss ko tuloy mga kaklase kong babae.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now