Chapter 7

372 4 1
                                    

"Good morning, Nana!", sigaw ko agad pagkababa ko mula sa kwarto.

"Good mood?", nang-aasar na tanong niya tas tumawa siya. "Bakit ang aga mo?", dagdag niya.

"Eh naamoy kita eh. Akala ko nanaginip ako na kumakain ako ng Durian. Amoy Durian ka kasi.", tas tinawanan ko siya kasi tinignan niya ko ng masama.

"Yabang mo. Ikaw nga, amoy tuyo na bulok!"

"Gwapo naman. Kaya wala rin silbi kahit mag-amoy tuyo pa ako. Eh ikaw?"

"Alas singko nag-aaway na naman kayo. Mag-hilamos ka nga muna, Ferry at kumain ka na. Sabayan mo na kami ng Ate mo.", sabat ni Yaya habang hawak yung dalawang pinggan ng bacon tsaka itlog.

"Ate?! Psh.", tas dumiretso na ako sa banyo at naghilamos.

Pagkatapos ko maghilamos umupo na ako at sumabay kina Yaya kumain tas naunang tumayo si Nana kasi tapos na siya kumain kaya naligo na rin siya. Kasi baka mag-away na naman kami kung sino mauuna samin sa pagligo. May mga banyo kami sa sarili naming kwarto pero mas gusto namin maligo sa baba kasi mahina yung tubig dun. Ewan ko kung bakit. Pagkatapos ko kumain tumayo na rin ako tas kumuha ng tuwalya sa kwarto. Sakto pagkababa ko nakasalubong ko si Nana na bagong labas sa banyo.

"Wow ganda mo pag bagong ligo ah. Mas kamukha mo na yung Undin!" tinawanan ko siya tas nabatukan na naman ako. Ugh!

Sabay na rin kami pumunta ng school. Dating gawi. Pinauna muna niya ko papasukin bago siya para makasiguro. Tss. Nung 2nd year at 3rd year kasi lagi pinapatawag yung Tita/Guardian ko kasi palagi ako absent pero di na ngayon noh. Last year ko na sa High School ayoko mapagiwanan ng barkada.

Pagkapasok ko sa gate, nakita ko si Cheska. May kinakausap na babae. Teka...si Leiz yung kausap niya ah?! Magkakilala sila? Patay! Baka kung ano yung sinabi ni Cheska sa kanya. Kaya nagdali-dali ako maglakad para maabutan sila pero nakita ako ni Cheska tas umalis na agad siya. Pagkalingon ni Leiz, nagsmile ako sa kanya.

"Hi, Classmate!", bati ko sa kanya.

Nagsmile lang siya. "Alam mo naman pangalan ko eh. Bakit classmate?", tanong niya.

"Eh, wala lang. Gusto ko lang ganun."

Gusto ko sana itanong sa kanya kung magkakilala sila ni Cheska. Pero naisip ko na tinanong niya rin ako kahapon kung magkakilala kami. So ibig sabihin, hindi sila magkakilala. At tsaka baka naman may tinanong lang siya kay Cheska o siya yung may natanong. Ewan. Kaya patuloy kami sa paglalakad. Pagpasok sa room, late na pala kami ng mga 15 minutes. Si Nana kasi eh inantay ko pa kasi hinanap pa niya yung pin niya. Napakaburara tas medyo traffic pa kanina.

"Ayan na sila!"

"Wooo!"

"Hahaha. Sila yan, Miss!"

Ha?! Anong kami? May ginawa ba kami? Wala naman sa pagkakatanda ko eh. Tas napatingin kami ni Leiz sa isa't-isa. Clueless kami pareho. Tas tumngin ako kay Miss. Nagssmile siya samin tas nakita ko si Jethro at si Ralph sa may likod ni Miss. Nakatuntong din sila pareho sa platform. Si Ralph, may hawak ng eraser tsaka white board marker. Si Jet naman nakatayo lang sa may harap ng table ni Miss. PATAY! Parang alam ko na 'to ah.

"Go to your seats now.", sabi ni Miss tas dali-dali naman kami umupo.

Pagkadating ko sa row namin tumabi ako kay Lance tas tawa siya ng tawa. Tinatanong ko siya kung ba't siya tumatawa, di naman siya sumasagot pero tawa pa rin siya ng tawa.

"Those who are in favor for Ferry as Escort of our section, raise your hands!", pasigaw na sabi ni Jethro.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Sabi na eh! Punyeta. Mula 1st year hanggang 4th year, lagi na lang ako yung Escort. Kung hindi pinakamaganda yung muse namin, yung pinakapanget naman. Jusko. Ano ba nangyayari sa mundo? Si Jethro yung Class Chairman namin ngayon tas si Ralph yung Secretary. Sabagay, maganda kasi penmanship niya, pambabae. Haha.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now