LEIZ:
SUNDAY. Pagkatapos ng mass, lumabas na agad kami at pumunta sa park. Naglibot-libot muna kasi ang boring naman kapag umuwi agad kami. Andaming tinitinda dun tas nakita ko yung manong na nagtitinda ng shades kaya lumapit kami dun ni Ferry. Ang gaganda nung binibenta kahit fake siya.
May nakita akong Wayfarer na Ray Ban na black. Syempre fake. Kinuha ko tas hinila ko si Ferry at sinuot sa kanya. Kasi alam kong bagay sa kanya yung mga ganitong shades. Kahit di ko pa siya nakikitang sumusuot nun.
"Bagay sa'yo to oh!", tas sinuot ko sa kanya.
"Di ako mahilig sa shades eh."
"Nu ka ba, ang pogi mo kaya sa shades na 'to."
OMG. Did I just tell him na pogi siya? Patay. Baka mamaya mas lalaki na naman ulo ng mokong na to. Ang hilig pa man din ipagsabi-sabi samin na gwapo siya.
"Kahit wala kong shades, pogi pa din ako noh.", sabi na eh. -_-
Kaya napatawa na lang kami pareho. Tas may nakita rin ako nung katulad sa kanya. Brown. Mas maganda. Harhar. Kaya binili na namin yung dalawa tas sinuot na namin agad. Kasi masilaw naman talaga. Mag-10 na kaya ng umaga. Lumabas na si Mr. Sun.
Malayo pa lang, nakita ko si Cheska. May kasama siyang guy. Baka boyfriend niya. Pero kunwari di ko siya nakita. I just don't feel like talking to her kahit nice siya sakin. I don't know why. Pero..
"Hi!", bati niya samin.
Ugh. Talaga sinalubong niya kami at binati. Pero wala na ako magagawa so I flashed a smile at her at nagtanong na rin.
"Hi, nagsimba rin kayo?", tanong ko sa kanila.
"Ah, oo. Kayo rin ba?", balik tanong niya.
"Oo, nagpasama lang ako kay Ferry.", sagot ko.
"Wow naman, Ferry. Nagsisimba ka na pala ngayon? Ibang klase ka na pala ha..", sabi niya habang nakatitig kay Ferry.
"Alam mo ba, Leiz. Nung kami nyan, di nagsisimba yan eh. Kahit pinipilit ko dati, ayaw pa rin. Sabagay, hindi naman nagseseryoso yan kahit kanino eh. Haha!", tas tumawa siya.
Hindi na ako sumabat. I mean, ba't ako sasabat? Eh iba naman siya pati, iba naman ako dba? Malay ko ba baka naman hindi maganda ugali niya kaya ayaw siya samahan ni Ferry nuon at tsaka ba't parang kilalang kilala niya si Ferry? At tsaka why would I care? Hindi naman kami ni Ferry para maapektuhan ako. Geez. 'Hindi naman nagseseryoso yan kahit kanino eh'. So? OMG! Teka. So ibig sabihin, Ex siya ni Ferry? Ang bobo ko naman to not figure it out. Kaya pala parang ang bitter niya. Ba't ngayon lang nagsink-in sakin yun.
Tiningnan ko lang si Ferry tas nagsmile sa kanya and he smiled back.
"Osya sige. Mauna na kami ah. Ingat kayo!", paalam niya.
Thank God. Then I realized, hindi niya pinakilala yung kasama niyang lalaki. Sino ba yun. Baka naman Kuya niya. Ewan. Bahala nga siya. Nagsimula ulit kami maglakad tas umupo sa isa sa mga upuan dun at tinabihan naman niya ako.
"Ex mo pala si Cheska?", tanong ko.
"Ah, oo."
"Nagugutom ka ba?", tanong niya sakin
"Uhm, di naman."
"San mo gusto pumunta?", tanong niya ulit.
"Ewan ko. Ikaw?"
"Dun na lang sa bahay niyo tas yayain natin si Kelvin. Magkalapit lang tayo nun.", yaya niya sakin.
Nagnod lang ako tas tumayo at naglakad ulit. Nasa may likuran ko lang siya. Ewan ko ba ba't nabo-bother na naman ako sa sinabi ni Cheska? Bakit naman kasi ako mabo-bother dba? OMG. Like ko na ba si Ferry?!
Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa lalaking nakasalubong ko.
"Leiz..Kamusta na?"
Kamusta? Gago ka ba? Pagkatapos mo kong lokohin, tatanong-tanong ka sakin kung kamusta na ako? Malamang kinamumuhian ka! Sabi ko sa isip ko.
"Eto, okay lang."
Tas napatingin ako sa likuran niya. Wow, kasama pala niya si Janelle. Yung schoolmate din namin na nakikipag flirt kay Robert nun nung kami pa.
"Ikaw lang mag-isa?", tanong niya.
Ayoko naman magmukhang kawawa sa harap nila noh. Baka sabihin niya loner ako at malungkot ako dahil nawala siya sakin at iniwan niya ako. Kaya lumingon ako kay Ferry. Pinagisipan ko pa muna kung gagawin ko ba talaga to.
"Hindi kasama ko..." Pero hinila ko na siya at ni-lock yung kamay ko sa kamay niya. "Boyfriend ko, si Ferry."
Nakita kong gulat si Ferry pero hindi ko na pinansin. I smiled at him instead. Papaliwanag ko na lang sa kanya mamaya pag nagtanong siya. Nagkatinganan pa muna sila ni Robert bago siya nagsalita.
"Ah. Girlfriend ko pala. Si Janelle.", tas hinila niya si Janelle.
I know her, you ass. Di mo na kelangan ipakilala sakin yang babaeng yan noh. The whole school knows she's a flirt kahit may boyfriend na siya. I haven't seen her boyfriend though.
"Hi.", then I smiled at her. Kunwari di ako galit sa kanya.
At tsaka, ba't ang lagkit ng tingin ni Janelle kay Ferry? Excuse me? Baka gusto mo rin agawin ang 'boyfriend' ko? Nasayo na nga si Robert pati ba naman si Ferry pagiinteresahan mo?
"Nga pala, Ferry. Si Robert.", pinakilala ko silang dalawa.
Tas tumingin ako kay Ferry. Tumango lang siya. Wow, angas naman ng boyfriend ko. Haha.
"Masaya ka ba ngayon, Leiz?", tanong ni Robert.
Bakit? Mukha ba akong malungkot? Actually, hindi naman na talaga affected eh. Yun lang, talagang may galit pa rin talaga. Pero IDK kung may feelings pa ako sa kanya. Ang alam ko lang, ayoko na sa kanya. Period.
Tas humawak ako sa braso ni Ferry tas nagsmile sa kanya.
"Oo, sobra."
Grabe di ko ma explain yung nararamdaman ko. Parang kinilig ako dun sa moment na nagkatinginan kami ni Ferry at nagsmile siya sakin nung nagsmile din ako sa kanya while nakahawak ako sa braso niya. Haaay.
Tas nakita ko parang nag fake ng smile si Robert. Oh, ano ka ngayon?
"Ah, sige. Mauna na kami. Nice meeting you, Pre.", sabi niya kay Ferry.
Tas nakita ko naman si Janelle tumingin kay Ferry, Hay nako babae ka, pwede bang bawasan mo yang kati mo? Makuntento ka kay Robert ha. Wag mo na pakialaman si Ferry ko. Hihi.
Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad. Medyo nakakabadtrip ang araw na to. Biglang nagsusulputan ang mga Ex. Una si Cheska. Ngayon si Robert. Tss.
Umuwi na rin kami sa bahay. Nanuod kami ng movie tas foodtrip kasama si Kelvin na sobrang ingay. Parang di mo na kelangan panuorin yung movie kasi sa kwento pa lang niya parang nanunuod ka na rin. Haha.
YOU ARE READING
What's The Name Of The Game? (On hold)
Novela JuvenilKung kelan ka tumigil sa paglalaro, mukhang ikaw naman ang pinaglaruan ng tadhana.