Chapter 25

268 3 0
                                    

LEIZ:

Ang bilis talaga ng oras. Parang kelan lang. Isang buwan na kami ni Ferry. Masaya ako at alam kong masaya rin siya.

Habang tumatagal, mas napapamahal na siya sakin. Mas natatakot na akong masaktan.

Minsan pumapasok sa isip ko na paano kaya kung bigla na lang niya akong iwan?

Na bigla na lang siya manlamig sakin? O kaya bigla na lang siyang may makikilalang iba at magugustuhan.

Paano pag kinalimutan na agad niya ako? Ganyan mga lalaki eh. Mabilis magsawa.

Pag may nagustuhang bago, doon na didikit agad. Kinalimutan nang may isang taong nag-iintay sa kanya.

"Leiz, ayan na sila Mommy oh."

Hindi ko man lang namalayan. Kanina pa pala kami dito nag-iintay sa Airport. Kung hindi pa ako siniko ni Kuya Chris.

Kung ano-ano na naman kasi pumapasok sa isip ko. Hay. Paranoia.

Nag wave ako kina Mommy at Daddy habang papalapit sila sa amin. Agad naman sila namin sinalubong ni Kuya.

"I missed you both!", sigaw ni Mommy habang niyayakap kaming dalawa ni Kuya.

"We missed you too, Mom!"

Tapos niyakap ko si Daddy. Namiss ko talaga siya as in!

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papuntang kotse. Mas close ko si Dad kesa kay Mommy. Si Kuya naman mas close kay Mommy.

"Namiss ko ang Pilipinas ah.", sabi ni Dad.

"Namiss ka din po ng polusyon. Hahaha!", natawa kami sa sinabi ni Kuya.

"May good news nga pala kami ng Mommy niyo."

"Ano po yun, Dad?", tanong ko.

"We're staying here for 2 months. So we can spend Christmas and New Year together."

Natuwa ako sa narinig ko. Ilang years rin kasi kaming di nagkasama sa Christmas at New Year.

Nung mga nakaraang taon, kami lang ni Kuya Chris. Minsan, pumupunta kami sa bahay ng relatives namin at dun nagce-celebrate o kaya naman sa family ng gf ni Kuya.

Pagdating namin sa bahay. In-unpack na agad ni Dad yung mga dala nila.

Andami nilang pasalubong! This my favorite part! Teehee!

"May boyfriend ka na daw?", biglang tinanong ako ni Dad.

"Sino may sabi?", tas nagsmirk siya sakin.

Tumingin ako kay Kuya Chris. Tas nagsmile siya sakin kaya tiningnan ko siya ng masama.

Sabi na eh. Siya na naman nagsumbong kay Dad. Tss.

"Eh Dad.."

"Sus. Okay lang mag boyfriend ka as long as hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo. I heard you're doing well sa school. And your Kuya told me about your boyfriend. I want to meet him.", tas nagsmile siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Totoo ba yung narinig ko? Okay lang sa kanya na magboyfriend ako.

Nagsmile lang ako kay Kuya tas nag thumbs up siya sakin sabay kindat. Ibig sabihin, boto pala talaga si Kuya Chris kay Ferry para sakin.

Sabagay, sino ba naman ang hindi magugustuhan si Ferry. Kahit nga mga pinsan ko botong-boto sa kanya. Napaka gentleman kasi at ang lakas pa ng sense of humor.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now