Chapter 4

447 3 0
                                    

LEIZ:

I woke up early for my first day of school. Nauna pa ako sa alarm clock ko. Excited? Naaah. More like kabado. Kasi transferee ako from another school so hindi ko alam kung magugustuhan ko magstay dun for the whole school year. Di ko rin alam kung anong klaseng mga tao makakasalamuha ko dun and sana hindi ako ma-culture shock. Haha. Though private school din siya pero sabi ng mga friends ko eh mga pasaway daw estudyante dun. Sana wag ako madamay. So bumangon na ako at nag-prepare for school. Di pa muna ko mag uniform since di pa nade-deliver ng pinagawan ko yung uniform and the fact na first day pa lang. Baka mamaya, ako lang mag-isa naka-uniform dun tas transferee pa ako. Baka pagtawanan pa ako.

There, I'm all prepped up. I just need to grab my breakfast then I'm ready for my new school. Bakit kasi nag-transfer pa ako? Kinakabahan tuloy ako. Pero sabagay okay na'to. One way to forget about Robert and his bitch sa school. Hindi ko na sila makikita so hindi na rin ako maaasar. Kahit na may mga nagtetext at tumatawag pa rin sakin na mga friends ko about him, mas okay na lang kesa makita ko siya ng harapan at tsaka, kung hindi ako lumipat ng school, classmates pa din kami kasi kung anong section mo nung 1st year, yun pa rin yun until 4th year so yeah. I'm so lucky! :3

Pagkababa ko, I saw my brother eating so I kissed him good morning and sinamahan ko na siya sa table. Umupo ako sa harap niya then he looked at me and smiled.

"What? Makapal ba make up ko?", I asked him tas tumawa ako. Hindi naman kasi ako nagma-make up at alam ni Kuya yun.

"Haha. Nope. Are you ready for your new school?"

"Kinda. I mean, yeah pero kinakabahan lang ako. It's like going back to first year again. Walang kakilala, loner, ano pa ba?", tas tumawa kaming dalawa.

"Okay lang. Just make friends and wag paandarin ang pagiging mataray dun, okay?", then tumaas yung isang kilay ko sa kanya.

"Kakasabi ko lang na wag magtaray eh. Ikaw talaga.", he added tas tumawa siya.

"Haha. Ano ka ba. Oo naman. Pinipili ko lang ang dapat tarayan. And no, not on my first day of school. Baka magkaroon na naman ako haters gaya ng dati.", I smirked.

"Osya, antayin na kita sa kotse. Papahatid ako kay Manong Jun. Idadaan ka na namin sa school mo.", tas nagsmile siya at lumabas na ng bahay.

Si Kuya Chris, 7 years agwat namin. Isa siyang Post Graduate Intern sa isang hospital. Yeah, doctor wanna be kasi yan mula nung bata pa siya sabi ng parents namin. Kahit pagod at puyat yan galing hospital, he never failed to bring some pasalubong pag-uwi lalo na yung favorite kong chicken skin inasal. Madami kasing ganyan sa labas ng hospital kung saan siya nagwo-work. Tas yung girlfriend niya, classmate din niya dati and pareho sila na dun nagwo-work. Magkaiba nga lang sila ng sched pero minsan naaabutan din naman nila ang isa't-isa. Almost 16 hours yung duty niya. Hindi ako natutulog hangga't di pa siya nakakauwi. Kasi ayokong sayangin yung effort na sa pagdala ng pagkain sakin kaya minsan, sinasadya kong konti ang kainin ko sa dinner. Mga 11pm mostly nasa bahay na siya nun. Bale, 7am-11pm yung work niya.

After kong kumain, niligpit ko na yung pinagkainan ko then tumungo na ng kotse. Andun na si Kuya tas pagkakita ni Manong Jun sakin eh pumasok na rin siya at pinaandar na yung kotse.

"Wag kang kabahan ah? Tsaka be friendly, okay?", sabi sakin ni Kuya tas tinap niya ko sa ulo ng super hina.

"Oo naman!", tas nagsmile ako sa kanya.

Mga ilang minuto lang, huminto na sa labas ng gate yung kotse so bumaba na ako. Nagpaalam na ako kay Kuya at nagkiss. Nasa labas pa lang ako ng gate, parang kita ko na yung buong school. Sobrang laki pala nitong school na ito. Sana di ako malito kung saan ako pupunta. Medyo nahihiya pa naman ako kasi hindi ko talaga ugali ang magtanong-tanong lalo na pag di ko kilala yung tao. Pero wala naman ako magagawa kundi kapalan ang mukha ko. Pumasok na ako ng gate tas nakita ko yung ibang students naka-uniform na. Mga old students siguro sila. Pagdating ko ng guard house, tinanong pa muna ko kung ba't di ako naka-uniform so sinabi ko na transferee ako kaya hinayaan niya na ako pumasok. Kinuha ko yung paper kung saan ko sinulat yung schedule ko tas binabasa ko habang naglalakad.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now