FERRY:
Matatapos na ang linggong ito pero hindi pa pumapasok si Ralph sa klase. Nung Monday, nagtext siya na wag na daw kami pumasok. Ano na kaya nangyari dun? Ni hindi naman nagrereply sa texts namin. Ilang quizzes na rin yung namiss niya. Paano na yung grades niya nito? Baka mawala na siya sa Honor Students sa buong 4th year. Dahil na naman siguro 'to kay Janelle kaya siya ganito. Hindi rin kami makapunta sa bahay nila kasi masyadong malayo at tsaka hindi namin alam kung may tao ba dun. Palagi naman kasi wala parents niya eh at tsaka mahilig rin umalis si Ralph.
Pumasok na ako ng school nang si puro si Ralph yung pumapasok sa isip ko. Mamaya pagdating ko ng room, tatanungin ko sila Lance kung may balita ba sila sa mokong.
"Pre!", tawag agad sakin ni Jethro pagka pasok ko sa room.
Wala pa si Miss. Pumunta ako sa kinaroroonan nila. Nagtitipon-tipon sila Lance, Kelvin, Jethro, Leiz, Olga pati yung dalawa naming classmates na lalaki. Ano kaya pinag-uusapan nila?
"Ano meron? May balita ba kayo kay Ralph? Tinitext ko mula nung Tuesday hindi nagrereply eh. Pati, tinry ko tawagan nagri-ring lang yung phone niya.", sabi ko agad.
"Yun nga din itatanong namin sayo dapat eh. Kasi kayo ang mas close. Akala pa naman namin ikaw makakasagot ng tanong namin tungkol sa kanya.", sagot ni Jethro.
So ibig sabihin, pati sa kanila hindi rin nagpaparamdam si Ralph? Kinabahan na tuloy ako. Baka ano na nangyari dun. Wag naman sana. Matapang na tao si Ralph eh. Sa pagkakaalam ko, hindi siya nagpapadala sa kalungkutan. Siya pa nga mismo nagsabi nuon kay Lance na wag isipin yung mga malulungkot na bagay kundi mas pagtuunan ng pansin ang mga nakakapagpasaya sayo. Sana talaga okay lang yung kaibigan naming yun.
Napakamot ako ng batok. Hindi ko alam kung ano gagawin namin. Nagkatinginan kaming lahat. Nag-iisip.
"Puntahan na lang natin sa bahay nila.", yaya ni Kelvin.
"Pwede rin. Mamaya pagtapos ng klase.", tas nag agree kaming lahat dun.
Pagtapos ng klase namin nung hapon, lumabas na agad kami ng school at pumunta sa bahay nila Ralph. Pagdating namin sa harap ng gate, magdo-doorbell na sana ako pero napansin ni Lance na bukas yung gate kaya dumiretso na lang kami sa loob. Ganito naman ginagawa namin dati eh.
"Ralph?", sigaw namin.
Walang sumasagot. Kaya akala namin walang tao. Mga ilang minuto pa kami nagtawag sa baba pero wala pa ring sumasagot. Tas umakyat si Jethro, hinayaan lang namin. Maya-maya narinig namin parang may nahulog na bagay kaya tumakbo kami sa taas.
Nadatnan namin si Ralph sa kwarto niya. Mukha siyang lantang gulay. Nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama niya. Tinitingnan lang niya kami. Kinakabahan na ako. Ewan ko kung bakit. Naawa ako nung nakita ko yung itsura ni Ralph. Ang laki ng eyebags niya. Namumutla pati, parang hindi naligo. Amoy alak. Tas nakita din namin yung mga bote ng alak sa kwarto niya.
"Hoy, Ralph! Okay ka lang ba? Ano ba nangyayari sa'yo?!", tanong ni Leiz sa kanya na natataranta.
Hindi siya sumasagot. Tinitingnan niya lang kami. Binuhat siya namin at pinahiga sa kama niya. Mukha siyang zombie. Natataranta na kaming lahat. Ano ba naman yung parents ni Ralph? Lagi na lang siyang iniiwan. Tapos umuwi pa yata ng probinsya yung katulong nila.
Bumaba kami ni Leiz tas bumili ng soup sa labas. Tas niluto namin yun. Habang sila naman dun sa taas, inaasikaso si Ralph. Pagdating namin sa taas dala yung soup, pinakain na agad namin sa kanya habang mainit pa. Hindi pa rin kami mapakali. Napagisipan din namin na dalhin na lang siya ng hospital kasi ang taas na rin ng lagnat niya. Kaya nag tulong-tulong kami ibaba siya pati nagdala na rin kami ng konting gamit niya at agad sinugod namin sa hospital. Pagdating namin ng ER, inasikaso naman agad siya ng Nurses dun.
Tinanong pa kami kung ano daw ba nangyari sa kanya. Hindi naman kami nakasagot kasi hindi naman namin alam kung ano yung pinaggagawa niya buong linggo eh. Sinabi lang namin na nadatnan lang siya namin sa bahay nila na ganyan na yung itsura niya.
"May kamag-anak ba siya dito ngayon sa inyo?", tanong nung Nurse.
"Wala po eh. Mga kaibigan niya lang po kami. At tsaka hindi po namin alam kung nasaan yung parents niya ngayon.", paliwanag ko.
"Wala ba kayong contact number ng kahit na sinong kamag-anak niya?"
"Wala po.", tas tumango na lang yung Nurse.
Lumabas na muna ako sandali ng ER. Nagpaiwan si Lance dun. Dalawa lang kasi ang bantay na pwede makapasok. Nagkatinginan na naman kami tapos bigla ko naisip si Nana. Ex niya kasi yung pinsan ni Ralph kaya tinawagan ko si Nana kung pwedeng macontact yung pinsan ni Ralph. Agad naman kami pinuntahan ni Nana sa hospital at inalam yung nangyari tapos mga ilang minuto lang dumating na yung dalawang pinsan ni Ralph pati yung Tita niya.
Nagpasalamat samin yung Tita niya. Tapos napaalam niya na daw sa parents ni Ralph yung nangyari. Uuwi daw sila agad bukas. Ni-nerbyos na nga daw yung Mama niya sa nalaman.
Bago kami umalis, pinuntahan ulit namin si Ralph sa loob tas nakiusap kami sa Nurse kung pwede kami pumasok lahat kasi magpapaalam lang kami. Buti naman at pinayagan kami.
"Pre, aalis na muna kami ha? Andito naman na sila Tita mo eh.", sabi ko.
"Magpagaling ka, Rap ha?", sabi ni Leiz sa kanya tas hinawakan ni Leiz yung kamay niya.
Ewan ko pero ang weird lang ng naramdaman ko nung nakita kong humigpit rin yung hawak ni Ralph sa kamay ni Leiz. Parang gusto kong paghiwalayin yung kamay nila.
"Wag mo na uulitin 'to ha? Patay ka sakin pag inulit mo 'to. Ako mismo lulunod sayo sa isang banyera ng alak!", biro ni Lance sa kanya.
Nagsmile lang si Ralph tas nag bump yung fists nila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Panay lang ang smile at titig niya sa amin. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakitang ganito si Ralph. Naaawa ako sa kaibigan ko. Grabe yung impact ng paghihiwalay nila ni Janelle sa kanya. Hindi lang yung pag-aaral niya yung naapektuhan, pati na rin ang kalusugan niya. Yung buong buhay niya.
Nagpaalam na rin kami sa Tita niya at sa mga pinsan niya. Nagpasalamat siya samin. Tas nakita namin si Nana nakikipagusap kay Patrick, yung Ex niya na pinsan ni Ralph. Ang alam ko, hindi sila friends eh. Hindi kasi naging maganda yung break up nila kaya pinuntahan ko si Nana. Pero sa nakikita ko, mukhang okay na yata sila.
"Uwi na tayo. Okay na si Ralph. Magpapahinga na lang muna siya sabi ng Nurse.", yaya ko sa kanya.
Tas tiningnan lang nila ako pareho tas nagsmile si Nana sakin tsaka ginulo yung buhok ko. Nagpaalam na rin ako kay Patrick. Tas inakbayan ako ni Nana palabas. Kasama namin sila Kelvin.
Magkasama kaming umuwi ni Leiz at Kelvin kasi kami yung magkakalapit ng bahay.
"Hindi mo ba ipapakilala sakin yung girlfriend mo?", bulong sakin ni Nana habang naglalakad.
Tiningnan ko lang siya tas sumulyap ako kay Leiz. Napatingin rin siya samin tas nagsmile. Siniko ko si Nana.
"Hindi ko nga siya girlfriend, okay?"
"Kahit na. Pakilala mo ako.", pilit niya.
Wala na rin ako magagawa. Tutal, magkakasama na rin lang kami dba.
"Ay, Leiz. Di pa pala kita napapakilala sa Ate ko. Si Nana. Na, si Leiz.", sabi ko.
Medyo nahihiya pa si Leiz pero nagsmile siya tsaka nagshake hands kay Nana.
"Joanna.", sabi niya kay Leiz tas binatukan niya ako. "Pormalin mo naman pagpapakilala sakin!", dagdag niya tas nagtawanan kaming apat.
"Bayaw kamo. Hahaha!", sumabat naman tong si Kelvin.
Napuno ng tawanan yung paglalakad namin pauwi dahil sa kaungasan ni Nana tsaka ni Kelvin. Tawang-tawa naman si Leiz sa mga tuksuhan. Tas hinatid pa muna namin si Leiz sa kanila bago dumiretso sa Village namin.
YOU ARE READING
What's The Name Of The Game? (On hold)
Teen FictionKung kelan ka tumigil sa paglalaro, mukhang ikaw naman ang pinaglaruan ng tadhana.