Chapter 23

316 4 1
                                    

CHESKA:

Ferry Marzan is in a relationship with Leiz Libranza.

Wow. So talagang seryoso si Ferry sa panliligaw kay Leiz. He's been courting her for 3 months. Hindi ako makapaniwalang nakapaghintay siya ng ganun katagal.

Samantala sakin dati, 2 weeks pa nga lang, nagpapakita na siya na parang pagod na siya kakahintay. Kaya sinagot ko siya ng wala pang isang buwan. Psh.

"Cous, andun na sila Lolo. Sabay na daw tayong lahat kumain", yaya ng pinsan kong si Robert.

"Wait lang..susunod na ako."

"Sabay na lang tayo bumaba."

"Ikaw bahala."

I opened Ferry's profile to check out his newly uploaded pictures.

Puro kasama niya si Leiz sa recent albums niya.

Andami nilang pictures. Halos ilang albums, sila-sila ang magkakasama.

Inaamin ko, medyo naiinggit ako.

Hindi naging ganito ka-sweet si Ferry sakin.

"Teka, si Leiz yan ah.", then he pointed his finger sa screen ng laptop.

"You know her?"

"Of course. Ex ko yan eh."

What?! How come di ko alam yun? Sabagay, hindi naman nagki-kwento si Robert tungkol sa love life niya eh. Sa dinami-dami ng gf niya, ni isa wala siyang pinakilala sa amin.

"Seryoso ka?", tanong ko. Just to confirm.

"Oo. At tsaka yan yung boyfriend niya dba? Nakaaway ko na yan dati eh."

"Paano mo nalaman na boyfriend niya eh kaka-on pa lang nila? At bakit kayo nag-away?"

"Ano?! Eh sabi niya dati nung nagkita kami, boyfriend niya yan!"

"Well, you've been fooled. Ex ko yung guy. And the whole school knows he's a player. Ewan ko ba ba't biglang nainlove yan."

"Baka naman pinaglalaruan niya rin si Leiz?"

"Ewan ko. Why don't you find it out? Mukhang affected ka eh."

"Bumaba na nga tayo.."

----FERRY's POV----

 Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sinagot na ako ni Leiz.

"Pre, sampalin mo nga ako.", sabi ko kay Lance.

"Gago. Bakit?"

"Baka nananaginip lang ako eh. Sinagot na ba talaga ako ni Leiz?"

"Arte mo naman! Parang bakla to. Buong school na nakakaalam na sinagot ka niya noh! Tapos ikaw hindi mo pa alam?"

Grabe lang talaga. Sadyang sobra ang saya at tuwa na nararamdaman ko. Hindi ko kasi ini-expect na ngayon yung isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan.

"Aray! Ba't mo ko sinampal?! Gago to!", sigaw ni Lance.

"Naninigurado lang! Baka isa ka rin sa panaginip ko eh. Pero hindi eh. Waaaah! Kami na ni Leiz!", napasigaw ako habang nakatambay sa Study Hall.

"Engot ka talaga!", sabay batok sakin.

"Masama na ba maging masaya ngayon?"

"Swerte naman ni Leiz."

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now