Chapter 8

388 3 2
                                    

Isang buwan na pala nakalipas. Isang buwan na ako sa 4th year. Isang buwan na rin kaming magkaibigan ni Leiz. Sa isang buwan na yun, parang sobrang close na namin. Para bang..matagal na kami magkakilala. Kahit na lagi ko siya inaasar, hindi na siya napipikon. Sinasakyan niya na rin lahat ang pagka-kupal ko. Isang buwan. Isang buwan na akong kinukulit nila Lance about sa deal.

"Tol, asan ka? Damayan niyo naman ako.", maagang text ni Ralph.

'Ano kaya nangyari dun?' tanong ko sa sarili ko. Hindi naman pala-text sila Ralph eh tsaka hindi siya naga-aya tumambay. Inaantay lang niya na kami ang magyaya sa kanya. Kaya napabangon ako nung nabasa ko ang text niyang yun. Napatingin ako sa wall clock, alas dose na pala ng tanghali. Ganito talaga ko oras nagigising tuwing Sabado at Linggo.

"Damayan saan?", reply ko.

"Kita na lang tayo mamaya. Mga 4pm, sa tambayan."

"Sige, text ko na rin sila Jet."

"Natext ko na sila, punta sila mamaya."

Kaya bumaba na ako tas naligo. Nag-lunch na rin ako since nadatnan ko na ring kumakain si Nana. Pagkatapos nag-internet muna. Inopen ko yung Facebook ko.  Andaming friend requests, di ko naman kilala. Yung mga familiar lang na mukha at schoolmates ko yung in-approve ko, the rest, ni-hide ko yung requests. Pagkapunta ko sa Newsfeed, madami na naman akong nakitang kadramahan na status. Tapos patuloy ako sa pagscroll nung bigla ko nakita..

Leiz Libranza became friends with Cheska Dela Cruz and 5 others.

Ralph Peñaranda went from being in a relationship to being single.

Nagulat ako sa mga nabasa ko. In-add ba ni Cheska si Leiz? Eh hindi naman sila magkakilala. Ni hindi nga sila nagkakausap sa school eh. Tapos si Ralph?! Anyareh sa kanila ni Janelle? Pambihira. Kaya siguro napatext si mokong. Ang alam ko, mahal na mahal nila isa't-isa eh tas ganun? Pinuntahan ko yung profile ko. Nakita ko nagpost si Leiz sa Wall ko.

"Hoy! Di mo pa rin na-upload yung pics nung Outreach!"

Natawa na lang ako sa nabasa ko. Haha. Oo nga pala. Ako yung photographer nung Outreach at sa akin nakasalalay ang mga gagawin nilang Display Photo. Kaya kinuha ko yung cam ko tsaka tinanggal yung memcard saka sinaksak sa memcard reader. Medyo madami-dami rin yun pero matatapos ko i-upload lahat bago mag 4 kaya okay lang.

Alas tres na nung natapos kong i-upload lahat. Psh. Hinati ko sa tatlong albums yung lahat ng pics dahil sa sobrang dami. 4 days din yung pikchuran noh. Pagkatapos ay tinag ko na sila lahat. Tas nakita ko ni-like ni Leiz yung isang album. Online pala ang ungas. Tas may ni-like rin siyang isang picture. Nung tiningnan ko, picture pala naming dalawa. Haha. Nakakatuwa kasi mukha kaming mga bata. Nasa may likuran ko siya tas nilalagay niya yung dalawa niyang daliri sa magkabilang pisngi ko para kunyari daw may dimples ako. Inggit kasi ako sa dimples niya. Huhu. Tas pagka-refresh ko sa Newsfeed. Nakita ko na pinalitan niya yung DP niya. Yung picture namin. Napangiti naman ako tsaka nagcomment ako sa pic.

"Pogi naman ng kasama mo."

"Pag daw kasi maganda yung katabi mo sa pic, nagiging pogi ang panget. Hahaha."

"Sus. Baliktad yata? Tsaka wag ka. Baka mainlove ka sakin. Ayiiiieee!"

Pagka-refresh ko sa pic, andami na naglike sa picture namin tsaka syempre yung mga classmates at schoolmates namin nakiki-comment na rin.

"Naks. Bagay!"

"Sweeeeeeet!"

"Kayo na ba?"

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now