PRELUDE

3.9K 78 2
                                    



PRELUDE

I really love the rain that pitter-patters on our roof, how the sound of it can calm me every night and how it can bring nostalgia in me which always haunts me.

I shook my head as I smiled bitterly at the sudden thought.

It is one of those rainy days when I was a senior highschool where I forgot to bring my umbrella. Sinubukan kong maghintay ng ilang minuto para patilain ang ulan ngunit halos kalahating oras na yata akong naghihintay sa waiting shed dito sa tapat ng school namin pero mukhang walang balak huminto sa pagbuhos ang ulan. I was contemplating whether to run and be soaked by the heavy rain. Tutal naman ay pauwi na ako sa bahay namin kaya okay lang kung mabasa ako. Ang tanging iniisip ko lang ay ang mga gamit sa loob ng bag ko..

"Hay, bahala na." I muttered to myself as I prep myself to run under the rain. Tatakbo na sana ako nang may biglang humila sa braso.

"Sandali," isang tinig mula sa isang lalaki. Tiningnan ko kung sino ito at laking patataka ko ng makilala ko ang lalaking pumigil sakin.

"Aguirre? Bakit?" Takang tanong ko sa kanya. In-adjust nya muna ang salamin nya sa mata bago ako sagutin.

"Gusto mo bang sumabay?" Nahihiyang alok nya habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko, "K-Kung gusto mo lang naman, since we live on the same subdivision." Dagdag nya pa habang kinakamot ang kanyang batok. Cute.

"Sure." Mukhang hindi pa sya makapaniwala na pumayag ako sa alok nya kaya bahagya akong natawa sa kanya. Sabay kaming naglakad sa ilalim ng ulan habang hawak hawak nya ang payong nya na nagsisilbing pananggalan namin sa ulan.

"Baka nababasa ka na ha," sabi ko sa kanya dahil halos sakin mapunta ang buong espasyo ng kanyang payong.

"Hindi," simpleng sagot nya lang kaya hindi na ako nagsalita. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papasok sa loob ng aming subdivision. Ngayon ko lang nalaman na parehas pala kami ng subdivision na tinitirhan.

Si Porter Aguirre ay nakabilang sa unang section sa senior high habang ako naman ay nasa ikatlo. This is the first time that we ever talked to each other. I just know him by his name and his achievements. On how he always won the first place in every contest he joined. He is the so called Genius Geek in senior high. Prim and proper, eyeglasses, neatly combed hair, and a bookworm. Though, hindi naman sya nabubully dahil sa itusra nya.

Pasimple akong sumilip sa gawi nya at nakita kong nababasa na rin ang kanyang salamin pati na rin ang kanan nyang braso. Crap, nakakahiya. Mas basang basa sya kumpara sakin na nakikisilong lang sa payong nya.

"Ano, Aguirre, okay na ko dito. Malapit na lang naman 'yung bahay namin dito." Sabi ko sa kanya nang makarating kami sa street namin. Tiningnan nya ang street na tinuro ko bago nya ilipat ang tingin sakin, "Maraming salamat pala sa pagsabay sakin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Kung hindi nya ako inalok na sumabay sa kanya ay baka mukha na akong basang sisiw na naglalakad papasok sa village namin.

"Wala 'yon. Ito oh, gamitin mo na." Bigla nyang pinahawak sakin 'yung payong nya at tumakbo palayo papunta sa kabilang direksyon na sobrang ikinagulat ko.

"Hoy! Aguirre! Teka!" Sigaw ko sa kanya pero sobrang layo na nya. Basang basa na sya ng ulan at ginawa na nyang pantakip sa ulo nya ang kanyang bag habang tumatakbo ng mabilis. Napatingin ako sa papalayong si Aguirre at sa kanyang payong na iniwan sakin.

I don't know if it's because of the rain for me to be in a happy state as I felt my heart melted in sudden warmth that I'm feeling.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapag-ayos at makapasok sa school. The morning breeze soothes me as I inhaled the fresh air. I can almost smell the morning dew of after rain as I walk my way towards my school.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon