CHAPTER SIX

1.3K 53 1
                                    


CHAPTER SIX


"Sure ka ba na okay na 'yang daliri mo Aggie?" Tanong ni Perry na katabi kong kumakain. Lunch time na at isa ito sa mga araw na sumasabay sila Porter at Perry na mag-lunch samin.


Wala si Steph dahil nasa clinic pa rin sya ngayon kaya dinalhan na lang sya ni Mandy ng pagkain. Kaya in the end ay kasabay kong maglunch sila Josiah, Perry at Porter. Kung ako ang tatanungin ay mas okay pa sakin na kami na lang ni Josiah ang sabay maglunch kaysa kasama ang dalawang magulo na 'to. Well, I can handle Perry but not Porter. Sinusukuan talaga ng sistema ko ang ugali ni Porter.


"Yup, okay na sya. Hindi na ganoon kasakit." Sagot ko habang abala sa paghimay ng ulam ko. Kung bakit ba kasi fried chicken pa ang naisipan kong order-in. Nawala sa isip ko na medyo hirap akong igalaw ang kanang hintuturo ko kaya medyo apektado pati ang kanang kamay ko.


"Sorry talaga ulit, Aggie." Nakayukong sabi ni Josiah. Ni hindi ko na mabilang kung ilang sorry na ba ang nasabi nya sakin.


"Okay lang talaga ako Josiah at isa pa hindi mo naman sinasadya." Nakangiti kong sabi sa kanya.


"Palibhasa kasi lampa ka lang talaga." Epal na sagot ni Porter kaya tinitigan ko sya ng masama. Wala bang magandang salita ang pwedeng lumabas sa bibig nya? Nasaktan na nga ako iinsultuhin nya pa ako.


"Hoy akin 'yan!" Sigaw ko nang bigla nyang kunin 'yung pagkain ko. Walang sabi sabing pinagpalit nya ang pagkain ko sa pagkain nya. Parehas na fried chicken lang rin naman ang ulam namin pero nakahimay na 'yung ulam nya na pinalit sakin. In short, ready to eat na at hindi ko na kailangang magpakahirap sa paghimay.


"Eat, pig."


Magpapasalamat na sana ako dahil sa ginawa nya pero dahil sinabihan na naman nya akong pig ay ang pagte-thank you ko ay nauwi sa pag-irap sa kanya. Inabutan ako ni Josiah ng bottled water na binuksan na nya para sakin. I smiled at him and said my thank you.


"Aggie gusto mong subuan na lang kita?" Birong offer ni Perry.


"Masakit lang ang daliri ko pero hindi ako naputulan ng kamay." Sagot ko sa kanya na ikinatawa nya lang. Pagtapos kumain ay sabay sabay na kaming umalis ng cafeteria at dumaan sa clinis para puntahan si Steph.


"Pwede ka ng pumasok sa mga klase mo pero iwasan mong mapwersa 'yang na-sprain mong paa." Sabi ng nurse sa clinic kay Steph. Nakaupo sya sa isang kama at may nakabalot na bandage sa nasprain nyang paa. Medyo nabawasan ang pamamaaga nito hindi tulad kanina.


"You can borrow one of this for the meantime." Inabot ng nurse ang saklay kay Steph. Lumabas na kaming lahat sa clinic at sinasabayan namin sa mabagal na paglakad si Steph.


"Guys, pwede na kayong mauna. Hindi nyo na ako kailangang sabayan pa." Natatawang sabi ni Steph habang nakaalalay kami ni Mandy sa kanya.


"Magbuhat ka na lang kaya sa kanila para mabilis tayo. Tutal tatlo naman silang mga lalaki e." Sabi ni Mandy na agad rin tinanggihan ni Steph.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon