CHAPTER FOURTEEN

1.1K 48 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN



"Good morning Aggie!"

"Morning, Mandy."

"You guys still at it?" Puna nya, "Seriously, gaano kagrabe ba 'yung away nyo at hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkakaayos?"

"You guys really need to talk." Dagdag pa ni Josiah.

"Oo nga, para tuloy may kulang kapag hindi kayo naguusap ni Fourth." Steph said. I'm surprise that Steph is not grabbing this opportunity to comfort Aguirre. Kung ibang babae lang siguro ito baka ginamit na nya ang pagkakataong ito para mapalapit sa lalaking 'yon. Well, katulad na lang ni Kristy na napapadalas ang paglapit kay Aguirre nitong mga nakaraang araw.

"We feel like any minute a war between you guys will break out." Perry said. I can't blame them. Pati sila ay naiipit sa away namin ni Porter. Halos magiisang lingo na rin kaming hindi naguusap ni Porter. Kung magkakasalubong kami sa daan ay parang hangin lang kami na lalagpasan ang isa't isa. 

One time nag-aya si Perry na mag-KTV kami pero hindi rin natuloy dahil sa aming dalawa ni Porter. Kung minsan nga kung pwede lang siguro magkaroon ng laser beam ang mga tingin namin baka matagal na naming napatay ang isa't isa.

"I don't want to talk to someone so smart and yet so idiot like him." Hindi ako ang magsosorry sa kanya. Naniniwala akong wala akong ginawang masama. All I did was to talk some basic knowledge on him on how to respect their parents that even a one year old kid knows.

Pasalamat nga sya at iyon lang ang mga sinabi ko sa kanya paano pa kaya kung ang mama ko ang nagsermon sa kanya. Aba, baka maging banal sya ng wala sa oras. Knowing my mother, she won't stop talking some sense in you unless it's embedded inside your thick skull.

Kahit na anong pangungumbinsing ginawa nila ay hindi umepekto sakin. Bahala sila kung gusto nilang kampihan si Porter edi magsama sila. Tss, I don't care.

"Fourth~ let's have lunch together?" Halos maibato ko ang upuan ko sa pagmumukha ni Kristy sa sobrang inis lalo na ng marinig ko ang malaimpyerno nyang boses. Seriously? Is she trying to seduce that Genius Geek using that flirty tone?

"Get lost." Porter coldly said. Pfft, burnnnn! I inwardly did a victory clapped with a smug look on my face. Ha! Take that Kristy!

"Kyaa~ you're so cold and I'm so hot. Bagay na bagay talaga tayo!"

Oo, bagay nga kayo tapos ang magiging anak nyo kulog. Tss, 'yung totoo naiwan ba sa placenta ng nanay nya ang common sense ng babaeng 'to o kasamang pumutok ng panubigan ng nanay nya 'yung utak nya?

"Aggie, ikaw daw ang magbalik ng mga bola ng basketball sa storage since ikaw daw ang pinakamababa ang score na nakuha!" Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng class rep namin. Hindi dahil sa ako ang magbabalik ng mga bola kundi talagang pinagsigawan nya na ako ang may pinakamababa ang score na nakuha.

"Aggie sunod ka na lang sa cafeteria!"

"Sige." Matamlay na sagot ko. Feeling ko sobrang kawawa ko ngayon. Kasalanan ko ba na hindi ako sporty na tao at malas ako pagdating sa mga bola? Ugh, mabuti na lang at nasa sampong bola lang ang kailangan kong ibalik.

I sighed. Sa wakas natapos ko ng mailagay ang lahat ng bola sa storage. Sa pagod ko ay naupo muna ako sa monobloc chair na nakatambak rin dito sa sulok ng storage. Feeling ko tuloy ang baho ko na.

"Perry!" Huh? Boses ni Porter 'yon ah.

"PERRY!" Wait, bakit parang palapit ng palapit 'yung boses nya? Crap, don't tell me dito sya pupunta? Wala dito si Perry! Gusto ko sanang isigaw kaso baka isipin nya na kinakausap ko na ulit sya.

"PERRY!" Mabilis kagad akong nagtago nang makita ko ang anino nya. Pero teka, bakit ba ako nagtatago? Bakit ako mahihiyang makaharap sya? Sya dapat ang mahiya sa akin!

"Hoy, Perry! Lumabas ka na dyan! Alam kong nagtatago ka dyan. Bakit mo ba ako pinapun– SEVEN HELLS!"

"Tigilan mo ko sa seven hells mo na 'yan hindi ka si Jon Snow at lalong hindi ka character ng GOT." Mataray na sabi ko sa kanya nang bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"What are you doing here, Tongco?"

"I should be the one asking you that, Aguirre." 

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon