CHAPTER TEN

1.1K 48 2
                                    

CHAPTER TEN


"AGGIE! Tumayo ka na dyan!"


"Mamaya na, Ma. Wala namang pasok ngayon e.." I sleepily said.


"Anong mamaya na?! Nandito 'yung kaklase mo! Tumayo ka na dyan nakakahiya ka!"


Bigla akong napadilat ng marinig ko ang sinabi ni Mama. Kaklase? Sino? Tumayo kagad ako at wala sa isip na napatakbo palabas ng kwarto ko. Pagdating ko sa sala namin ay naabutan ko si Porter na komportableng umiinom ng juice habang nanunuod ng TV sa sala namin. May pagpalo palo pa sya sa kanyang hita habang tumatawa sakanyang pinapanuod.


Bigla syang nasamid nang makita nya akong nakatayo at pinapanuod syang komportableng umiinom ng juice.


"You look hideous." The very first words he said upon seeing me. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to laitin ako sa loob mismo ng pamamahay ko.


"What a nice way to say good morning." I sarcastically said, "Anong ginagawa mo dito?"


"Uh, bago mo ako tanungin nyan baka gusto mong maghilamos at mag-tooothbrush muna?"


"Para saan pa? Palalayasin rin naman kita kagad."


"Tita look at Aggie. She's being rude to me!" Parang batang sigaw nya. Sunod ko na lang naramdaman ay ang pagkurot ni Mama sa aking tagiliran.


"Ikaw bata ka, tinuruan ba kita ng ganyang asal ha?"


"Aray, aray. Masakit ma!"


"Hala sige, maliago ka na doon at may pupuntahan daw kayo ni Fourth."


"It's Porter, ma. Not Fourth." Pagtatama ko. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto ko at maligo. Ever since that day we confessed to each other nothing's change between us. Well, pwera na lang pala sa mas naging pala asar at makulit si Porter. May time pa nga ginagamit nya pang pang-asar sakin 'yung nagkagusto ako sa kanya.


Shit 'yan. Paano pa kaya kung malaman nyang may gusto pa rin ako sa kanya? Baka mamaya nyan ay lumaki ang ulo nya at baka ipamukha nya pa sakin na patay na patay ako sa kanya. Well, nakapagdesisyon na rin naman ako. Itatago ko na lang itong nararamdaman ko para sa kanya at hahayaang kusa na lang itong mawala.


Besides, I don't want one-sided love. Ako lang ang magiging kawawa and I know for a fact that falling in love with someone who's not willing to catch you is like falling from a hundred feet skyscraper, it's suicide.


"Saan ba tayo pupunta?"


"Sa Mall. Magpapatulong ako sayong pumili ng regalo para kay Stella."


Napasimangot ako sa sinabi ni Porter. Walangya, ginising nya ako ngayong weekends para lang don?

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon