CHAPTER SEVEN
"Yay! Sa wakas natapos rin natin!" Masayang bigkas ni Mandy na may kasamang palakpak pa. Tiningnan ko ang kabuuan ng natapos namin ngayong araw. Tomorrow will be the first day of School Festival and we just finished designing our booth for tomorrow.
Haunted house ang napili ng section namin kaya todo effort talaga kami sa pagde-design ng room namin para mas magmukhang nakakatakot dahil ang may pinakamalaking kita ay magkakaroon ng premyo.
Naramdaman kong may nagpatong ng braso sa aking ulo and I don't need to know who it was, "Finally." Porter said. Halatang pagod na rin sya dahil kanina ko pa sya nakikitang nagaassist sa pagaayos ng booth namin. I tried shaking my head to remove his arm on top of my head but he just moved it down to my shoulder. Kaya ngayon ay nakapatong naman ang siko nya sa balikat ko. Gawin daw ba akong patungan ng siko? Tss, this guy.
Halos mag-iisang buwan na rin simula noong malaman kong may gusto si Steph kay Porter. Magaling na rin ang paa ni Steph kaya maayos na ulit syang nakakapaglakad ngayon. I always caught her stealing glances on Porter but seems like the latter is too oblivious about it. Naging close na rin silang dalawa ngayon. May mga oras na nakikita ko silang dalawa na magkausap. Katulad ngayon..
"Anong costume ang susuotin mo bukas, Fourth?"
"I don't know, I can't decide. Any idea?"
"Hmm, tingin ko bagay sayo maging Dracula."
"Really? Pero parang gusto kong maging si Freddy Krueger. What do you think Aggie?" Baling naman ni Porter sakin. Aba, buong akala ko ay kinalimutan na nilang nageexist ako at ang tanging silbi ko lang ay ang maging patungan ng siko. Tss.
"Plankton will do." Sagot ko. Tinanggal ko na ang siko nya sa balikat ko at iniwan silang dalawa ni Steph na mag-usap tungkol sa costume para bukas. Mabuti na lang at sa front desk ako napunta, meaning wala akong ibang gagawin kundi ang magbenta ng ticket.
Mas pabor sakin dahil hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng costume na susuotin at isa pa parang ayokong maging multo or whatsoever para manakot. Iniisip ko kasi na baka sa sobrang takot or gulat ng tatakutin ko ay bigla akong masapak. Jusko, ayokong mangyari 'yon.
Dumating na nga ang kinabukasan at first day palang ng School Festival ay sobrang dami ng tao. May mga tiga ibang school kasi na pwedeng pumasok tuwing school festival para makadagadag na rin sa benta.
"Yo! Any luck?" Bati ni Perry. Fortunately he's my partner in selling our tickets.
"None. Mukhang napasobra yata ang pagdedesign na ginawa natin kaya wala ng gustong pumasok sa loob ng booth natin." I sighed.
BINABASA MO ANG
Memory Lane #Wattys2017
ChickLit[HIGHEST RANKING: #60 in ChikLit] Aggie Tongco and Porter Aguirre's simple love story. Started: June 13, 2017 Ended: July 07, 2017