EPILOGUE

1.9K 78 14
                                    

EPILOGUE


"CONGRATULATIONS TO ALL THE GRADUATES IN SURVIVING COLLEGE! NOW, ANOTHER CHAPTER OF YOUR LIFE IS ABOUT TO BEGIN! ONCE AGAIN, CONGRATULATIONS!"


Sabay sabay kaming nagpalakpakan sa tuwa dahil sa wakas ay graduate na kami. Hindi ko maiwasang matawa dahil nagiiyakan na ang ilan sa mga studyante at magulang.


"Aggie! Congratulations, my baby!" Niyakap ako ng mahigpit ni mama pagkatapos nyang iabot sakin ang isang bouquet ng bulaklak sakin. Pati itong si mama ay nakikiiyak rin.


"Ang drama naman ni mama." Natatawang sabi ko.


"Bakit ba? Sa masaya ako e!"


"Oo nga, Aggie. Masaya lang si Tita." Sabi ni Mandy. Natawa nalang sa amin si Steph.


"Girls, magtabi kayo. Pi-picture-an ko kayo." Sinunod namin ang sinabi ni mama at nagtabi kaming tatlo. Naka-tatlong shots yata kami ng picture bago dumating sila Perry, Josiah at Porter.

 

"CONGRTAULATIONS GIRLS!" Masayang sigaw ni Perry at niyakap kaming tatlo nila Mandy at Steph. Katulad kanina ay inutusan kami ni mama na magtabi-tabi para makuhanan nya kami ng picture. 


Katabi ko si Porter na masayang nakangiti sa camera habang magkatabi naman si Steph at Josiah na nakaakbay sa kanya. Si Perry naman ay nakakapit sa braso ni Mandy habang nakasandal ang ulo sa balikat nito.


Who would have thought that in the past two years we'd become this close. Laking pasasalamat namin dahil simula noong second year hanggang fourth year college ay kami pa rin ang magkakaklase. Kaya parang magkakapatid na rin ang turing namin sa isa't-isa. Well, except Josiah and Steph. 


Nagulat na lang kami nang malaman naming nanliligaw na pala itong si Josiah kay Steph noong third year kami. Halos kalahating taon rin ang tinagal na panliligaw ni Josiah kay Steph but now they're officially a couple.


Kung gaano kaganda ang love story nila Josiah at Steph ay kabaligtaran naman ang kanila Perry at Mandy. Minsan okay sila sa isa't isa pero madalas ay hindi. Ang alam ko ay MU sila. Hindi ko lang alam kung ano ang definition nila ng MU. It's either mutual understanding or malabong usapan. 


But one time, nang magkayayaan kaming mag-beach ay naghalikan silang dalawa sa harap namin. Well, it's not that they intentionally did that. Natalo kasi si Perry sa dare and Porter dared him to kiss whoever was sitting beside him. It's either Josiah who's sitting on his right side or Mandy on his left side.


But we know that he can't do that with Josiah pero nagulat pa rin kami ng hilahin nya si Mandy at halikan ito saglit sa kanyang labi. Natawa na lang kami nang biglang sapakin ni Mandy si Perry. We're all laughing and having fun that time. Mas lalo lang kaming natawa nang sabihin ni Porter na sa noo lang daw dapat sana ang dare na kiss. Kaya sobrang kahihiyan at sapak mula kay Mandy ang nakuha ni Perry.


"Come on, Fourth! Akbayan mo naman ang anak ko!" Utos ni mama. Wala ng nagawa si Porter kundi ang ilagay ang braso nya sa balikat ko.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon