CHAPTER EIGHT

1.2K 47 1
                                    

CHAPTER EIGHT


Sulit na sulit ang naging second day ng school festival dahil nalibot namin ang lahat ng booth sa school pero mas nagtagal ako or rather kami ni Josiah sa booth ng third year dahil ang section C nila ay nagtayo ng Manga Café. Iba't ibang klaseng manga ang naroon kaya sobrang nageenjoy talaga kami ni Josiah.


"You guys still here?" Sabi ni Mandy. Mukhang pati sila ay nasulit rin ang second day nila. Kanina pa sila Mandy, Steph, Porter at Perry na naglilibot sa bawat booth.


"Wala kayo kanina hindi nyo nakita si Steph na kinulong sa Jail Booth." Natatawang sabi ni Perry na sinabayan pa ni Mandy. Agad namang ppinamulahan ng mukha si Steph marahil ay sa sobrang kahihiyan.


"Really? Hindi man lang nya nakita 'yung malalaking jail sign sa sahig?" Josiah asked. May mga words na 'jail' kasi ang nakadikit sa sahig at kapag naapakan ito ay automatic na huhulihin ka nila at ikukulong. That booth was made by freshmens.


"H-Hindi ko napansin kanina nung naglalakad kami." Nakangusong sabi Steph habag nakayuko.


"Palibhasa kasi kung saan-saan nakatingin~" Mandy teasingly said with a knowing smile on her lips. Kinindatan pa ako ni Mandy at mukhang tuwang-tuwa sa panunuksong ginagawa nya kay Steph. Tipid akong ngumiti at muli na lang na tinuon ang atensyon sa binabasa kong manga.


I bet Steph was unconsciously looking at Porter that's why she accidentaly stepped on the jail trap. I wonder what will Porter's reaction when he learned Steph's secret.


"Hey, Aggie wanna ride the mini ferris wheel?" Tanong ni Porter at naupo sa arm rest ng upuan na inuupuan ko. Argh! Wag kang masyadong malapit sakin! Gusto ko sanang sabihin sa kanya lalo na nung nakita kong napatingin si Steph sa gawi namin.


Anyway, the student council of this school never fails to surprise me. Hindi ko alam kung anong klaseng milagro ang ginawa nila at nakapagpasok sila ng ferris wheel dito sa loob ng school.


"Mamaya na lang tatapusin ko muna a'tong binabasa ko." Sabi ko sa kanya.


"Mamaya mo na basahin 'yan."


"Ayoko nga."


"Hindi pwede. Marami ng tao mamaya nyan!"


"Saglit na lang 'to!"


"Edi mamaya mo nalang ituloy 'yan!"


"Ayoko!"


"Hindi naman tatakbo 'yan e."


"Hindi rin naman tatakbo 'yung ferris wheel."


"Sige naaaaa~"


Niyugyog nya pa ang braso ko na parang bata kaya mas lalong hindi ko naintindihan ang binabasa ko.


"Ano ba Porter!"


"It's Fourth!"


"Er, guys. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao." Bulong ni Josiah. Bigla naman akong nahiya dahil halos lahat nga sila ay nakatingin sa amin. Crap, kasalanan ni Porter 'to!


"Ganito na lang Fourth, tutal ayaw naman ni Aggie sumakay sa ferris wheel itong si Steph nalang ang isama mo dahil tulad mo ay kanina nya pa gustong sumakay ng ferris wheel." Singit ni Mandy. I can't help but to mentally glared on her. When did I say that I don't want to ride the Ferris wheel? Ang sabi ko ay mamaya!


"Yeah, si Steph na lang ang isama mo." Sabi ko na lang kaysa ako ang bwisitin nitong si Porter. Mas lalo kong hindi matatapos at maiintindihan itong binabasa ko kung nandyan sya at ginugulo ako at mukhang mas pabor rin it okay Steph.


"Tss, mas mabuti pa nga. Tara na Steph." Bahagya pang nagulat si Steph sa biglang pagtawag ni Porter sa pangalan nya.


"Balik na lang kayo dito pagtapos nyo." Sabi ni Perry at kumuha rin ng manga at sinipat ang cover nito.


"You're coming with us." Ikinulong ni Porter sa kaliwang braso nya ang leeg ni Perry at hinila ito paalis.


"You bastard! Bitawan mo ko!" Sigaw ni Perry pero parang walang naririnig si Porter at patuloy lang sya sa paghila kay Perry.


"Darn it! Hindi pwedeng sumama si Perry." Narinig kong sabi ni Mandy bago nya sinundan sila Porter, Perry at Steph. And now even the peaceful ambiance is back I can't seem to concentrate. Parang nawalan tuloy ako ng ganang magbasa. Binalik ko na 'yung manga sa shelf at inubos na lang ang frappe na binili ko kanina.


"Tapos ka na kagad?" Tanong ni Josiah na hindi man lang inaalis ang tingin sa manga na hawak nya.


"Nah, tinamad na ako."


"Do you like Aguirre?" Para akong nahipan ng hangin sa biglaang tanong ni Josiah. Hindi kagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.


"And Steph likes Porter too." He added. I didn't know that he can be this sharp or are we that obvious? Impossible. Hangga't maaari ay normal lang ang pakikitungo ko kay Porter tulad lang rin ng trato ko sa kanila. Mas madalas pa nga yata na mag-away kami at isa pa hindi babae ang trato sakin ng hinayupak na 'yon.


"Mabuti na lang at nandyan si Mandy para kay Steph.." Mahinang sabi nya na ipinagtaka ko habang pinupunasan ang lente ng kanyang salamin.


"What?"


"It's lunch time. Nagugutom na ako.." Tinabi na rin nya ang manga na binabasa nya at tumayo na. Ganoon rin ang ginawa ko.


Josiah Hernandez. He's weird sometimes. Madalas ay tahimik lang sya at may sariling mundo. Kahit na nakasuot sya ng salamin ay hindi ko makitaan sa kanya ang pagiging nerd. Para syang pinaghalong version ng old Porter at new Porter in a way na hindi naka-tuck in ang uniform nya at loose rin ang neck tie nya. Neatly waxed in a fashionable way ang buhok nya and well, he's cute.


"About what you asked earlier.."


"Wag kang mag-alala Aggie, I'm not the type of person to stick my nose in somebody else's business." Nakangiting sabi nya, "Tara na, puntahan na natin sila." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Josiah. I know I can trust him after all we're manga buddies. 

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon