CHAPTER SEVENTEEN

1.2K 43 4
                                    


CHAPTER SEVENTEEN


"GOOD MORNING!" Nakangiting bungad ni Porter matapos kong buksan ang gate namin.


"It's Saturday, Porter. And it's seven freaking a.m. in the morning!" I grumbled.


"Alam ko," He said still with a goofy grin on his face, "Nandito ako para tulungan kang magreview. Hindi mo ba ako papapasukin?"


"Sabi ko naman 'di ba, na wag mo na akong turuan. Binabawi ko na 'yung mga sinabi ko."


"Aggie, sino 'yan?" Crap, gising na si mama. Hindi nya pwedeng makita si Porter kundi–


"Tita! Good morning po!" Napatampal na lang ako sa noo ko nang biglang tawagin ni Porter si Mama at kusang pumasok sa loob ng bahay namin.


"Oh, iho. Ang aga mo naman. Anong ginagawa mo dito sa amin?" Tanong ni Mama, "Nakakahiya naman, kagigising lang namin."


"Okay lang po tita, nagpapatulong po kasi si Aggie na mag-review kaya pumunta ako dito."


"Nako ganoon ba, maupo ka muna at maghahanda ako ng almusal." Tumingin sakin si Mama, "Aggie, pumanik ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Nakakahiya kay Fourth."


"No, it's fine, Tita. Aggie looks cute in her panda pajama." Nakangising sabi ni Porter. Inirapan ko lang sya at nagpunta na ng kwarto ko. That Porter! He's really enjoying teasing me!


***


"Product of two binomials with like terms is very easy. In the equation, (2x + 3y) (4x – 6y) you just need to multiply them with each other to get the answer. For example, 2x multiplied by 4x will be 8x2 then 2x multiplied by -6y will be -12xy. Ganoon lang din ang gagawin mo sa 3y kaya ang magiging sagot mo na ay 8x2-12xy+12xy-18y2. Since there are two 'xy' we still need to simplify it by subtracting -12xy+12xy since they have different signs. So, therefore we can simply cancel it dahil zero naman ang sagot kaya ang magiging final answer ay 8x2-18y2. There, simple as that. Gets mo ba?"


"Y-Yeah, oo naman." Sabi ko nalang kahit sa totoo lang ay halos mahilo ako at labasan ng dugo sa ilong dahil sa haba ng sinabi nya. Tinitigan ko ulit ang solution na ginawa ni Porter sa given equation. Bakit kung titingnan ay napaka-simple lang tingnan ng equation? Lalo na nung sinagutan ito ni Porter, para lang syang nakikipaglaro sa numbers at letters. Edi sila na close!


"Really?" Nakataas ang kilay na tanong ni Porter.


"Oo naman!"


"Okay, then I'll give you a sample equation just to make sure. Baka mamaya ay niloloko mo lang ako." Tinitigan ko ng masama si Porter.


"Aba! Anong akala mo sakin? Tanga? Syempre naiintindihan ko 'yan!" Hindi porke't matalino itong si Porter ay pwede na nya akong apihin. Aba, may alam naman ako kahit paano. I can still pass my subjects after all. Maghintay ka lang Aguirre, ipapakita ko sayo kung gaano ako katalino.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon