CHAPTER ELEVEN

1.1K 45 2
                                    

CHAPTER ELEVEN


"Here's your order ma'am and sir.."


Nilapag ng waitress sa lamesa namin ang frappe at waffles na inorder namin ni Porter. Syempre libre nya dahil tinulungan ko syang makabili ng pangregalo.


"Aggie? Porter?" Nahinto ang pagkain ko sana ng waffles sa dalawang babaeng tumawag sa amin. Pag-angat ko ng tingin ko ay laking gulat ko na sila Mandy at Steph pala ito.


"Yo!" Bati Porter.


"Mandy! Steph! Anong ginagawa nyo dito sa mall?" Tanong ko sa kanila.


"Wala lang. Boring kasi sa bahay kaya naisipan namin ni Steph na gumala at kumain then we saw you guys here." Mandy said, "Is it okay to join you guys?"


"Yeah sure, no problem." Mabilis na kinuha ni Mandy ang bakanteng upuan sa tabi ko kaya no choice si Steph kundi ang maupo sa tabi ni Porter.


"So, how are you guys? Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Mandy. Si Steph na ang tumawag ng waitress at umorder ng pagkain para sa kanilang dalawa. Si Porter naman ay parang may sariling mundo at masyadong seryoso sa pagkain.


"Nagpasama kasi 'tong si Porter na mamili ng regalo para sa kapatid nya."


"Oh, talaga?" Bumaling ng tingin si Mandy kay Porter, "Magbe-birthday ba ang kapatid mo Fourth?"


"Yeah, tomorrow." Nakangiting sagot nya. Tss, kita mo 'tong lalaking 'to. Napakabait sa ibang babae tapos pagdating sakin kung lait-laitin ako at asarin akala mo hindi ako babae.


Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano may mga time na sila Steph at Porter lang ang nagkukwentuhan kaya sobrang tuwang-tuwa si Mandy. Feeling nya ay sa simpleng ganoon lang ay magkakatulyan na 'yung dalawa.


"Wait lang guys, CR lang kami ni Aggie."


"Huh?" CR? May sinabi ba akong gusto kong magbanyo? Kinindatan ako ni Mandy at dahil doon ay na-gets ko na kagad ang gusto nyang iparating. Gusto nyang iwan namin sila Steph at Porter.


"A-Ah, oo nga. CR lang kami." Sabi ko. Tumayo na kami ni Mandy at paalis na sana kami ng may pahabol na sinabi si Porter.


"Oy, Tongco bumalik ka kagad pagtapos mo." Darn, 'yun lang naman ang sinabi nya pero sobrang lakas na kagad ng kalabog ng puso ko. Wait, are we too obvious? Baka mamaya ay nakakahalata na si Porter sa pinaggagawa ni Mandy.


"Hihihi, mamaya na tayo bumalik. Ang galing ko talaga!" Kinikilig na sabi ni Mandy at parang sobrag proud pa sa naisip nyang plano.


"Hindi kaya magtaka iyong si Porter kapag sobrang tagal natin?"


"Hindi 'yan! As long as naguusap sila ni Steph hindi nila mapapansin na sobrang tagal nating nawala."


Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon