CHAPTER TWENTY

1.1K 44 1
                                    

**Hi! I dedicated this for you dahil sobrang naappreciate ko ang comment mo sa last update. Super thank youuu!

---


CHAPTER TWENTY


"Let's go." Sabi ni Porter at nauna ng maglakad sa kabilang direksyon. Tiningnan ko pa muna ulit ang papalayong sila Perry at Josiah bago sumunod kay Porter.


Today, is Friday. Ibig sabihin ay ngayon na lalabas ang resulta n gaming exams. Kinakabahan ako but at the same time excited. Gusto ko ng malaman ang resulta ng ilang araw at gabi kong pagrereview.


"I just want to congratulate those who passed the exams and also, Porter Aguirre, to have the highest scores." My classmates applauded in awe while looking at Porter. Maski ako ay nakipalakpak rin. 


What do you expect from the Genius Geek of our batch? Isa-isa ng pinamigay ng prof namin ang mga test papers namin at halos magtatalon ako sa tuwa nang makita ko na ang mga scores ko.


"Oh my freak! I did it, Josiah!" Pinakita ko kay Josiah ang mga test papers ko at inirapan nya lang ako.


"Yeah, yeah, good for you." Masungit na sabi nya.


"Tss, palibhasa bagsak ka siguro." I smugly said while waving my test papers in front of his face.


"Oh, yeah? You saying something?" Nilapag nya sa table ko ang mga test papers nya. Sinilip ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong mas mataas ang scores nya kumpara sakin.


"Tss, yabang. Eh bakit parang hindi ka pa kuntento sa score na nakuha mo?" Mukha kasing hindi sya masaya. Kung ako siguro ang nakakuha ng ganyang score ay baka nanlibre na ako.


Tinanggal nya ang kanyang salamin sa mata at inumpisahang linisin ito, "I didn't beat, Aguirre. My goal is to have the highest score. Ang akala ko ay kinalawang na ang utak ni Aguirre kaya sya napunta dito sa last section." Hindi ko alam na may pagka-obsess pala si Josiah na mataasan si Porter sa exams.


"Well, may finals pa naman." Sabi ko na lang at humarap kila Mandy at Steph para ipakita ang nakuha kong scores. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong scores kaya walang masama kung ipagyayabang ko 'to! Haha!


"Wow! Ang galing mo, Aggie!" Sabi ni Steph.


"Hindi naman masyado. Hehe~"


"Hehh. Nagkamali lang siguro ng check si Ma'am." Sabi ni Mandy.


"Grabe ka! Hindi kaya 'no. Nag-aral kaya ako." Sagot ko. Ah! Oo nga pala, kailangan koi tong ipakita kay Porter. Tumayo ako at nagpunta sa pwesto ni Porter na nakasalungbaba at mukha bored na bored sa buhay.


"Porter! Tingnan mo, pasado ako!" Masayang sabi ko at pinakita sa kanya ang test papers ko. Kinuha nya ito sakin at parang tamad na tamad na tiningnan ito isa-isa.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon