CHAPTER TWO

1.6K 55 3
                                    

CHAPTER TWO

"EHH?! Bakit natin sya naging kaklase?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ko kay Mandy matapos kong itanong sa kanya kung bakit nandito sa room namin si Aguirre. Sya? Kaklase namin?! Imposible! Paanong nangyari 'yon?

"Ano namang masama kung kaklase natin si Fourth?" Tanong ni Steph na nakaupo sa bakanteng upuan sa harap ko samantalang si Mandy naman ay nasa kaliwa ko. Mula dito sa kinauupuan ko ay may apat na upuan ang layo ko sa pwesto ni Aguirre.

"I mean, di ba matalino sya? How come he's not in the first section like he always was when we're in highschool?" Porter Aguirre? Ang valedictorian noong highschool kami ay nasa ikahuling section ngayon ng second year college? Sa pagkakaalam ko ay hindi block section dito at by average ang basehan kung saang section ka mapupunta kaya paanong napunta dito ang isang Porter Aguirre? Though I'm not saying that we're airheads for us to be here on the last section.

"Ewan, basta ganyan na 'yang si Fourth simula noong nagkolehiyo na tayo." Mandy said.

Fourth, Fourth, Fourth! Why the hell they are calling him Fourth? Pati pangalan nya binago nya. Buong pagkatao nya ang nagbago. It was like a new Porter Aguirre was reborn and I don't like it one bit. Kahit na alam kong wala akong karapatan na pakialaman ang buhay nya pero hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.

What made him changed into this? Ang feelingera ko naman kung iisipin kong dahil sa mga binitawan kong salita noon kaya sya nagbago ng ganito.

"Excuse me, is this seat taken?" Biglang tanong ng isang lalaking nakasalamin. Hindi ko alam kung bakit pero imahe ni Porter ang nakita ko noong higschool pa kami sa lalaking ito sa harap ko.

"Hindi pa."

"Okay lang ba na dito na lang ako maupo."

"Yeah sure, why not." Casual na sagot ko at naupo na sya bakanteng upuan sa gawing kanan ko at tahimik nyang kinuha ang isang libro sa bag nya at inumpisahang basahin ito. Iisipin ko na sanang nerd sya kung hindi ko lang nakita na manga pala ang binabasa nya. I want one too.

Mahilig rin kasi akong magbasa ng manga at manuod ng anime. Hindi ko tuloy namalayan na nakasilip na rin pala ako sa manga na binabasa nya.

"A-Ano, gusto mo ikaw muna magbasa?" Tanong nya. Seryoso ka ba? Hindi ko tatanggihan 'yang alok mo.

"Ay nako, hindi huwag na. Sorry kung naabala kita mahilig din kasi akong magbasa ng manga e.."

"Hoy, akala ko ba ayaw mo eh bakit hawak hawak mo na 'yang manga nya." Bigla namang sabi ni Steph.

"Sorry!" Agad kong binalik sa kanya yung manga nya pero binalik nya lang ulit ito sakin.

"Sige na sayo muna. Nabasa ko na rin naman 'yan e."

"Okay, thank you. Babasahin ko na lang ng mabilis para maibalik ko kagad sayo."

"Okay lang. Just take your time."

"You. You're Josiah Hernandez of 1-B right?" Biglang tanong ni Mandy sa lalaking katabi ko.

"Oo ako nga." Sagot naman nya. Hmm, so his name is Josiah Hernandez.

"Bakit ka napunta dito sa C?" Dagdag na tanong naman ni Steph. Nagkibit balikat naman si Josiah at naglabas na naman ng panibagong manga. Wow, just how many manga he has? Now I think I could live inside his bag.

"Hindi ko gusto ang attitude ng mga kaklase ko doon kaya naisipan kong pababain ang mga grades ko para malipat ng section."

"Tss, liar. Ang sabihin mo bagsak mga grades mo." Napatingin ako kay Porter na sumingit sa usapan namin. I can't help but to glare on him.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon