CHAPTER SIXTEEN

1.2K 47 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN


Ang akala ko ay ang hindi nila pag-lock mula sa labas ng storage room ang plot twist sa cliché na paraan nila para pagbatiin kami ni Porter. Mas may major plot twist pa pala doon.


"Tigilan mo ako Perry. Wag ka ng magsinungaling, bistado ka na namin." I said while intensely glaring at him.


"What? Seriously! Hindi ko talaga alam 'yang binibintang nyo sakin! Promise!" Tinaas nya pa ang kanang kamay nya para mapaniwala kami.


"Kung ganon bakit mo sinabi kay Porter na magkita kayo sa storage kanina?"


"Balak sana ni coach na ipalinis 'yung mga bola ng basketball sa akin at magpapatulong sana ako kay Fourth pero bigla rin nagbago isip ni coach at sinabing next week na lang daw kaya tinext ko si Fourth na wag na syang pumunta ng storage at sa cafeteria na lang dumiretso."


Tiningnan ko ng diretso sa mata si Perry. I'm still not convince!


"Any proof?"


"What? Gahd! You're like a prosecutor Aggie." Komento nya bago bumaling sa katabi ko, "Dude, check your phone. I texted you earlier."


Tumayo si Porter at kinuha saglit sa bag nya ang phone nya bago bumalik sa pwesto nya sa tabi ko, "Yeah, mayroon nga." He said.


"See!" Nakangising sabi ni Perry. Pinanliitian ko sya ng mata. I was planning to intimidate him so he can give up and just spill the beans, "You're being creepy, Aggie. Ano ba kasi talaga ang nangyari?"


"Wala!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko magawang mainterrogate sila Mandy at Steph dahil sabi rin nila ay wala silang kinalaman. Ang sabi nila ay nasa cafeteria lang daw sila the whole time at hinihintay nila ako.


"Chill, Aggie. Pero seryoso, wala talaga kaming kinalaman. Magkakasama kaming lahat sa cafeteria. You can even check the CCTVs." Sabi ni Mandy. May mga CCTVs kasi na nakakabit sa cafeteria namin. Well, I think nagsasabi naman ng totoo sila Mandy. I think they wouldn't want me and Porter to be locked up together knowing that Steph likes him.


"Kung hindi kayo edi sino?"


"Baka naman coincidence lang talaga ang lahat." Steph said.


"I think mas mataas ang chance na coincidence lang talaga. Baka dahil lang sa hangin kaya sumara ang pinto kaya inakala nyo na kami na ang nagsara. If we or someone really planned it I think he or she is not dumb enough to lock it from the outside because that's the most important part in the plan. So I think it's a pure coincidence, gaya nga ng sabi nyo ay hindi naman ito nakalock. You guys just instantly jump into conclusion that we lock you in that storage room." Mahabang lintanya ni Josiah. He's like a detective that deducing a mystery crime scene in front of us.


Okay, I think I can't argue to that. In the end ay sumuko na lang ako sa pangiinterrogate at nanahimik na lang. I think it's not important anymore whether it was pure coincidence or it was planned. Ang mahalaga ay nagkaayos na rin kami ni Porter and I think the gap between us lessened. Feeling ko ay mas nakilala ko na si Porter ngayon.


"Class, mag-aral kayo ng mabuti lalo na 'yung may mga mababa ang grades. Pasensyahan tayo kapag bumagsak kayo. Remember, mga college na kayo." Paalala ng prof namin.


Napabuntong hininga ako. Kailangan kong mag-aral ng mabuti ngayon. Puro pasang-awa lang ang mga grades na nakuha ko nitong prelims. Kailangan kong bumawi kung hindi ay maghahabol ako ngayong finals.


"Don't sweat it, Aggie. Ang mahalaga pasado ang mga grades mo." Sabi ni Josiah na hindi ko malaman kung para ba pagaanin ang loob ko o ano.


"Yeah, yeah but I still need to study ayokong maghabol ngayong finals."


Besides, panigurado ay papagalitan ako ni mama kapag nagkaroon ako ng grades na bagsak. I don't want to fell her wrath. Nakakatakot pa namang magalit si mama at bukod doon ay baka bawasan nya pa ang allowance ko or baka maging grounded pa ako.


"Bakit hindi ka magpaturo kay Aguirre? You know, his techniques or something." As much as I hate to admit it but the only thing that did not change in Porter is his brain. Matalino pa rin sya tulad ng dati kaya nga hindi na ako magtataka kung sa susunod na taon ay mapabilang na sya sa unang section.


"Kaya kong mag-aral ng ako lang."


"Yeah, I know that. Sure you can have passing grades but don't you want to have a higher grades? Sayo na mismo nanggaling kanina, ayaw mong maghabol ngayong finals." I sighed. I really hate it when Josiah always had a point in our every argument.


"Fourth~ can you tutor me?" Napatingin ako sa may-ari ng boses. Si Kristy.


"Sorry pero ayoko." Sagot ni Porter na hindi man lang tinapunan ng tingin si Kristy. Mukhang wala sa bokabularyo ni Kristy ang mga salitang sinabi ni Porter dahil kumapit pa ito sa braso nya at nagpa-cute.


"Sige na~ please~" Napataas ang kilay ko nang mas lalong gawing maarte ni Kristy ang boses nya at nga-pout pa ito, "Ayaw mo naman sigurong bumagsak ako 'di ba?"


Maski si Porter ay hindi rin napigilang mapataas ang kangyang kilay, "I don't really mind if you'll have failing grades." Halos matawa ako sa naging sagot ni Porter. 


Seryoso nya itong sinabi sa harap ni Kristy. Ang akala ko ay titigilan na sya ni Kristy pero mukhang matindi yata ang sapak sa utak ng babaeng ito. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Kristy. Nilapit nya ang sarili nya sa katawan ni Porter at halos nakadikit na ang kanyang dibdib sa braso ni Porter.


Mahinang napapito si Josiah sa kanyang, "That was a bold move." Komento nya. Hindi ko na napigilan ang mapatayo at lumapit sa kanilang dalawa.


"Aguirre, whether you like it or not you will tutor me this weekends." Pinal na sabi ko sa kanya na ikinagulat at ikinalaki ng mga mata nya. Maski si Kristy ay nagulat din sa biglang paglapit ko sa kanila pero wala akong pakialam. Hindi ko lang matiis ang nakakainis na boses ni Kristy kaya nasabi ko ang mga iyon. 


Muli ko na namang narinig ang mahinang pito ni Josiah, "That was a more bolder move." Komento nya ng bumalik na ako sa upuan ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at dinampot ang bag ko.


"Gusto ko lang inisin si Kristy. That's all." I coolly said bago lumabas ng room namin. Pagkalabas ko ng room namin ay mabilis kagad akong tumakbo papuntang banyo. Halos maiuntog ko ang ulo ko sa sink ng banyo. Shit, shit, shit! Anong ginawa ko? Bakit ko sinabi 'yon?


Aguirre, whether you like it or not you will tutor me this weekends. 


Ack! Nababaliw na yata ako! Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang ginawa ko. No, hindi pwede. I still need to act cool na parang wala lang sakin ang mga sinabi ko. Ang kailangan ko lang gawin ay bawiin ang mga sinabi ko. Sasabihin ko na lang na nagbago na pala ang isip at hindi na nya ako kailangang turuan. Crap! Now he probably thinks that I'm a fool! 

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon