CHAPTER THIRTEEN

1.2K 52 5
                                    


CHAPTER THIRTEEN


"Aggie, nandito na si Fourth."


"Eh?! Alas-onse pa lang ng tanghali ah!" Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan ko na naman si Porter na komportableng nakaupo sa sofa namin. Lumapit ako sa kanya at nagpameywang sa harap nya.


"Hoy, Aguirre! Ang aga pa bakit nandito ka na kagad?"


"Huh? Wala akong magawa samin e."


"Kaya binubulabog mo na naman 'yung bahay namin? Hindi ka ba nahihiya?"


"Pero sabi ng mama mo pwede daw akong bumalik kahit na anong araw ang gusto ko." Sigh, si mama talaga.


"Fourth, kumain ka na ba ng pananghalian?" Tanong ni mama na kagagaling lang sa kusina.


"Hindi pa po Tita." Nakangiting sagot ni Porter.


"Mabuti naman dito ka na lang kumain sa amin."


"Sige po, ano po ba ang ulam nyo?" Tiningnan ko ng masama si Porter. Ang kapal talaga ng mukha ng hinayupak na'to. Ang lakas ng loob magtanong ng ulam gayong makikikain lang naman.


"Kalderetang baka. Kumakain ka ba non?"


"Opo naman Tita. Paborito ko nga po 'yon e. Kaso parang ayaw yata akong pakainin ni Aggie dito sa inyo."


Kung pwede lang sigurong malaglag ang panga ko ay baka nangyari na. Tiningnan ako ni mama na may kakaibang ngiti, "Ayaw mong pakainin si Fourth dito satin?"


"H-Hindi no! Wala naman akong sinabi e."


"Ayon naman pala, iho. Tara na, maghahanda na ako ng pagkain."


I can't say that I enjoyed my food. Daldal ng daldal si mama at kung ano ano ang kinukwento kay Porter. Hindi ko nga alam kung saan nabusog si Porter, sa pagkain na hinanda ni mama or sa mga kwento nya. Pagtapos naming kumain ay tumulong pa si Porter sa pagligpit at paghugas ng mga plato. Hindi ko alam kung magandang bagay ba na masyado syang feel at home dito sa bahay namin.


"Oh my. Hello, iha."


"Hello po, Tita. Nice to meet you po." Nakipagbeso pa sa akin ang nanay ni Porter matapos nya akong ipakilala.


"Napakagandang bata. So, kailan ang kasal nyo?"


Eh?


"P-Po?"


"Don't mind what she said." Seryosong sabi ni Porter, "Where's Stella?"


"She's with her friends. Kumain na muna kayo ni Aggie."

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon