CHAPTER FIVE
"Steph, gusto mo partner tayo?"
Eh?
Tiningnan ko si Steph na nakatayo sa likod ko na mukhang kanina pa naghahanap ng ka-partner nya. Dahil malapit ako sa kanya ay hindi nakatakas sa paningin ko ang kaunting pagpula ng kanyang pisngi.
"S-Sige."
Sa tabi namin ni Josiah nila naisipang pumwesto. Si Perry naman at Mandy ang magka-partner at sa kabilang gilid naman namin ni Josiah sila pumwesto. Dumating na ang coach namin sa P.E. at binigyan kami ng tig-iisang bola.
Nagumpisa na kaming ipasa ang bola sa mga ka-partner namin. Kada ten minutes ay palaki ng palaki ang distansya ng bawat mag-partner para daw kahit malalayong pasa ng bola ay ma-practice namin.
Crap, mahina pa naman ako sa mga long range na pasahan. Kaya ang ending ay tumama ang bola sa dulo ng daliri ko matapos itong ipasa ni Josiah.
"Ouch! Shit!" Hindi ko napigilang mapamura sa sakit.
"Aggie! Sorry! Okay ka lang? Napalakas ba ang hagis ko?" Nag-aalalang tanong ni Josiah na mabilis na nakalapit sakin.
"Okay lang ako. Maya-maya lang ay mawawala rin ito." Sabi ko sa kanya para hindi na sya mag-alala pero sa totoo lang ay masakit pa rin talaga kahit na bahagya ko na itong hinilot.
"Sigurado ka?" Tanong naman ni Perry. Ni hindi ko namalayang nakalapit na pala sila ni Mandy sa pwesto namin.
"Oo, hindi naman masyadong masakit tsaka medyo okay na sya." Sinarado ko ang palad ko para mapakitang okay na ang daliri ko pero mukhang wrong move yata ang ginawa ko. Mas lalo pang sumakit yung daliri.
Damn it, ilang beses na akong naduduluhan ng bola sa daliri pero ito palang yata ang unang beses na ganito ito sumakit. Mukha namang naniwala sila sakin at bumalik na sila sa pwesto nila at pinagpatuloy ang pagpasa ng bola.
Ganoon rin ang ginawa namin ni Josiah pero siniguro nyang mahina na lang ang bawat paghagis nya ng bola pero kahit na ganoon ay hindi ko na ito magawa pang saluhin dahil kumikirot ang daliri ko.
"Ouch!" Napalingon kami sa sumigaw. Nakita naming nakasalampak sa sahig si Steph habang hawak hawak nya ang kanyang paa.
"Steph! What happened? Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Mandy na mabilis na nakalapit kay Steph.
"Dapat hindi mo na lang pinilit sapuhin 'yung bola. Na-sprain tuloy ang paa mo." Sabi ng ka-partner ni Steph na si Porter. Naupo sya patalikod sa harap ni Steph, "Tara, dadalhin na kita sa clinic."
"H-Huwag na Fourth! Nakakahiya! K-Kaya ko namang maglakad." Umiiling na sabi ni Steph.
"Mas lalo lang sasakit ang paa mo kapag pinilit mong maglakad." Paliwanag ni Porter.
"Sige na Steph, sumakay ka na sa likod ni Aguirre para matingnan na kagad ng nurse 'yang sprain mo." Sabi ng coach namin kaya wala ng nagawa si Steph kundi ang pumasan sa likod ni Porter.
"Sir, Tongco needs to go to the clinic too." Nagulat ako sa sinabi ni Porter sa coach namin.
"Na-sprain ka rin ba Tongco?"
"Hindi po coach." Sagot ko. Biglang lumapit sakin si Porter at hinawakan ang kamay kong natamaan ng bola kanina.
"A-Aray.." mahinang daing ko ng ipakita nya sa coach namin ang kamay ko. Tsaka ko lang natingnan ulit na medyo namamaga na pala ang hintuturong daliri ko na tinamaan ng bola kanina. Tinanong ng coach namin kung ano nangyari sa daliri ko at sinabi kong tinamaan lang ng bola kanina. Sinabi nyang sumama na rin ako kay Aguirre papuntang clinic para magamot na ng nurse.
"Sir, okay lang po bang samahan ko si Aggie sa clinic?" Tanong ni Josiah. Worriness is clearly etched on his face. Nakonsensya tuloy ako bigla baka mamaya ay sisishin nya pa ang sarili nya.
"She can walk Hernandez. Daliri lang ang nasaktan sa kanya at hindi paa." Singit ni Porter at nauna ng umalis ng court at tinahak ang daan papuntang clinic.
"Okay lang ako, Josiah. Thank you sa offer." Nakangiti kong sagot sa kanya bago sumunod sa papalayong Porter na pasan-pasan sa kanyang likod si Steph.
"Grabe namamaga na pala 'yung daliri mo Aggie bakit hindi mo man lang sinabi kay coach para kanina ka pa nakapunta ng clinic." Sabi ni Steph ng maabutan ko sila ni Porter.
"Hindi ko napansin na namamaga na pala e. Akala ko simpleng sakit lang." Sagot ko, "Yung sayo mas grabe nangyari na-sprain mo pa paa mo." Ito nga lang sa daliri ay masakit na paano pa kaya kung paa ang na-sprain. Yikes! Nakakatakot! Kailangan next time mag-ingat na ako.
"Tss, idiot. Kung hindi ko pa sinabi kay coach 'yan wala ka rin balak ipatingin sa clinic." Singit ni Porter sa usapin namin ni Steph.
"Hindi ah, ipapatingin ko rin 'to." Sagot ko, "And don't call me idiot! Genius!" Hindi porke't matalino sya ay malaya na syang tawagin akong 'idiot'.
"Is that supposed to be an insult?" Tanong ni Porter. Tss, ang yabang talaga.
"Ewan ko sayo!" Nauna na ako sa kanilang maglakad papasok ng clinic baka mabaliw ako sa pakikipag-usap kay Porter. Baka sa halip na dahil sa na-sprain kong daliri kung bakit ako pupunta ng clinic ay baka ang pagtaas ng presyon ko ang magiging dahilan.
BINABASA MO ANG
Memory Lane #Wattys2017
ChickLit[HIGHEST RANKING: #60 in ChikLit] Aggie Tongco and Porter Aguirre's simple love story. Started: June 13, 2017 Ended: July 07, 2017