CHAPTER FOUR

1.2K 47 4
                                    

CHAPTER FOUR


"Ma, alis na ko."


"Sige na, bilisan mo na at baka ma-late ka pa." Pagkasarado ko ng gate namin ay mabilis na kagad akong tumakbo paalis. Crap, ten minutes bago mag-start ang klase. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong i-set yung alarm clock ko kagabi.


Hay, kung hindi ba naman kasi nagpauli-ulit sa utak ko yung mga napagusapan namin ni Porter ay baka sakaling maaga ako nakatulog at nagising kahit walang tulong ng alarm clock. Argh, let bygones be bygones sabi nga ni Porter. At least nagawa ko ng masabi ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.


"WAAAH!"


"SHIT!"


Muntik pa akong masagasaan ng biglang sulpot na bisikleta pagkalabas ko ng kanto ng street namin. Mabuti na lang at nakapagpreno yung sakay ng bisikleta. Langya, kapag minamalas ka nga naman oh!


"Porter!"


"Aggie!"


Nagkagulatan pa kami ni Porter ng makilala namin ang isa't isa. Pero mas ikinagulat ko ang itsura nya ngayon. He's wearing his eyeglasses though he still maintains his unkept uniform, messy hair and his black earring.


"What happened to you? And why are you wearing that?" Hindi ko napigilang maitanong sa kanya, "Tsaka bakit doon ka galing?" Tinuro ko ang street na napapagitnaan ng street namin at ng street nila Porter. Wala kasi akong nakitang nagba-bike kanina nung matingin ako sa street nila kaya imposible namang doon sya galing.


"Bumili kasi ako ng tinapay dyan sa bakery. Hindi na ako nakapag-agahan sa amin and as for this eyeglasses, nalaglag 'yung contacts ko kanina sa banyo dahil sa sobrang pagmamadali ko dahil male-late na ako."


Pagkarinig ko sa word na 'late' ay tsaka ko lang naalala na male-late na nga pala ako. Mukhang pati sya ay tsaka nya lang ulit na-realize kung bakit sya nagmamadali. Tiningnan ko ang orasan ko at limang minuto na lang bago magsimula ang klase.


"Crap! Sumakay ka na! Bilis!"


Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay na kagad sa upuan sa likod ng bisikleta nya. Mabuti na lang at pwedeng angkasan ang bike na dala nya kundi ay baka tumatakbo ako ngayon papasok ng school. 


Naiimagine ko na ang magiging senaryo ko non. Imposibleng i-alok sakin ni Porter ang bike nya para ako ang mauna sa school at magpapakabayani sya at tatanggapin na male-late sya. Mas nai-imagine ko pa na iiwan nya ako at mauuna na sya papasok sa school.


"Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya habang nakakapit sa uniform nya.


"Ito na nga diba! Teka nga! Wag kang masyadong kumapit sa uniform ko baka malukot!"


"Eh ang bilis mo kayang magpatakbo no! Baka malaglag ako!"

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon