CHAPTER THREE

1.4K 52 5
                                    

CHAPTER THREE

"Dude, I thought you had your latest xbox?"

"Oh, sorry Perry. Hindi pa pala dumating." Kakamot kamot sa ulong sabi ni Porter nang hinanap ni Perry 'yung xbox na sinasabi nya.

"Tss, wala naman palang xbox."

"Why don't we play billiards instead? Aggie, okay lang ba pakuha ng makakain sa kusina?"

"Ha?! Eh hindi ko naman alam kung saan ang kusina nyo."

"Ayon lang oh," Tinuro nya yung isang pinto hindi kalayuan dito sa kanilang sala. Tinitigan ko sya ng masama and he just motioned his hands in a shoo way. Tss, this bastard.

Ang kapal talaga ng mukha ng Porter na 'yon. Ako itong bisita nya pero ako itong pinakukuha nya ng pagkain sa kusina nila. Anong akala nya sakin katulong?! Tss, kung hindi ba naman kasi ako hinila nitong si Perry edi sana nandoon na ako sa bahay namin at nagpapahinga hindi itong inaalipin ako ni Porter.

Binuksan ko ang ref nila Porter at nag-umpisang tumingin ng makakain. Nakakita ako ng mocha cake at cookies kaya iyon na lang ang kinuha ko. May mga canned juice kaya iyon nalang din ang kinuha ko kaysa magtimpla pa ako.

Binitbit ko na ang mga pagkain at bumalik na sa living room nila ng madatnan kong wala sila roon. Tsk, saan naman kaya nagpunta ang mga unggoy na 'yon?

Nilapag ko muna sa coffee table yung mga kinuha kong pagkain at inumin. Hihintayin ko na lang siguro silang bumalik dito. Nakakahiya namang libutin ko ang buong bahay nila Porter para lang hanapin sila. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid ng sala hanggang mapako ang tingin ko sa isang larawan na nakadisplay habang napapalibutan ito ng maraming trophies at medals.

Lumapit ako sa larawan para matitigan ko ito ng mabuti. It was a graduation picture of Porter back when we were in highschool. Sa pagkakatanda ko ay sya ang naging valedictorian ng batch namin. Hindi ko nga lang nakitang bigyan sya ng award dahil pagkabigay ng diploma sakin ay tumulak na kagad kami papuntang airport noong araw din na 'yon.

I lightly touched the frame of his picture and I can't help but to feel nostalgic about it. Who would have thought na mamimiss ko ang ganitong itsura ni Porter. The prim and proper nerd with a pair of eyeglasses. The so called Genius Geek of our batch.

The Porter today is the 360 degree personality of Porter before.

"What are you doing?"

"W-Wala lang," nauutal na sagot ko sa biglang sumulpot na si Porter.

Crap, did he see me looking at his picture? Kanina pa ba sya dumating?

"Kanina pa namin hinihintay 'yung pagkain. Ang akala ko ay umandar ang katakawan mo at naisipan mong iuwi ang ref namin."

"WHAT?! Ang kapal mo naman Aguirre?! Anong akala mo sakin? Patay gutom?!"

"No, just a glutton." He deadpanned which made me more annoyed to him. Ang yabang talaga nya!

"Four eyed." I snorted which is so unlady-like but I don't care.

"Pig."

I gasped, "You don't call woman a pig!"

"Pero hindi ka naman babae." Tatawa tawang sagot nya. Seems like I can't win a verbal fight with him kaya dadaanin ko na lang sya sa dahas.

I was ready to launch an attack on him when Perry suddenly appeared and grab my arm. Again. Bakit ba lagi na lang nya akong hinihila? Ano ba ang akala nya sakin? Aso nya? Ugh!

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon