CHAPTER NINE
"Are you sure? Ayaw mo talagang ihatid ka namin? Malapit ka lang naman 'di ba?"
"Okay lang ako Steph. Thank you na lang. Tinext ko na rin kasi ang mama ko."
"Oh okay. See you Aggie!"
"Bye-bye."
Pinanuod ko ang pag-alis ng sasakyan nila Steph kasama si Mandy. Unfortunately, umulan ng malakas ngayong hapon kaya naisipan ng school na ihinto muna ang school festival at ituloy na lang bukas. Hindi rin naman kasi namin na maeenjoy ang ilang booth dahil sa labas sila nakapwesto pati ang pagsakay sa ferris wheel ay hindi ko na rin nagawa.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya in-open ko ang message na natanggap ko mula kay mama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang mabasa ko ang message ni mama hindi na raw nya ako masusundo dahil sobrang traffic. Kung nagreply lang sana kagad si mama na hindi nya ako masusundo edi sana tinanggap ko na lang ang alok ni Steph.
Sigh. I don't have a choice but to wait for the rain to stop.
"Yo!" Tiningnan ko ang taong lumapit sakin.
"Akala ko ba may lakad kayo ni Perry ngayon?"
"That bastard ditched me. Kanina ko pa sya hinihintay pero iniwan na pala ako ng gagong 'yon."
"Edi sundan mo."
"Nah, bahala sya sa buhay nya."
Parehas na kaming natahimik ni Porter at pinagmamasadan lang namin ang pagbagsak ng ulan.
"May payong ka ba?" I asked. Gusto ko na talagang makauwi kaya kakapalan ko na ang mukha ko.
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"Ipapakain ko sa 'yo," Pamimilosopa ko sa kanya, "Hihiramin ko malamang. Naging Fourth Aguirre ka lang nawala na common sense mo."
"Aba, aba! How about you? Did you left your common sense in Manga Café? Ano naman ang gagamitin ko kapag pinahiram ko sa 'yo ang payong ko, Aggie Tongco?"
"Mukhang wala ka pa namang balak umuwi kaya hihiramin ko muna 'yung payong mo. Babalik na lang ako dito para isoli sayo 'yung payong mo.."
"Sino naman ang may sabi sayo na ayaw ko pang umuwi?" He shot back. Natahimik na lang ako. I guess there's no helping it. Kailangan ko nga talagang hintayin na huminto ang ulan.
Napatingala na lang ako sa payong na tumapat sa ibabaw ng ulo ko. This umbrella..
"Tara na."
Hindi na ako nag-isip at hinayaan na lang na kusang gumalaw ang mga paa ko sa sinabi nya. We're both walking under the rain with his umbrella covering us as my mind walk down a memory lane. Just like before..
Waves of nostalgia instantly shoot right on me as I remembered our first interaction. Tahimik lang kaming naglalakad papasok sa subdivision namin. I don't know if he's feeling nostalgic at this moment just like me. Who would have thought na mauulit pala ang ganitong senaryo?
I heard him sigh, "This is kinda nostalgic."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Saglit akong sumulyap sa mukha nya at nakita kong diretso lang ang tingin nya sa daan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil katulad ko ay naaalala nya pa rin pala ang ganitong tagpo.
"Yeah, you're right."
"I'm sorry I stood you up before." Ack! I never saw that one coming! Akala ko ba let bygones be bygones? Bakit mo inuungakat ulit 'yan ngayon?
"O-Okay lang. Kasalan ko rin naman." I simply said kahit na sobrang kinakabahan na ako. Halos isang buwan na rin simula noong huli naming napag-usapan ang bagay na ito at hindi na rin ako nagtangkang i-open pa sa kanya. So, why now?
"Yeah."
Ouch.
"Sisipot naman talaga ako noong araw na 'yon kaso pinangunahan ako ng takot. Iniisip ko na baka kapag pumunta ako sa meeting place natin ay wala ka naman doon at baka madisappoint lang ako but then I saw you standing there, waiting for me."
"You did? Tapos hindi ka man lang nagpakita sakin?" I said. He just smiled as if it only happened yesterday.
"How can I possibly approach you when all the words that you said kept on repeating inside my head?"
"Akala ko ba let bygones be bygones? Eh bakit nafi-feel ko pa rin na may sama ka ng loob sakin? Sorry na nga 'di ba? Hindi mo lang alam kung gaano ako nakonsensiya noong araw na iyon. Sinubukan kitang kausapin pero iniiwasan mo ako." Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang bahagyang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Crap, I don't want to cry in front of him!
"I'm so messed up that time. Sorry."
"Sorry din."
Ang akala ko ay magaan na sa pakiramdam ang kinakausap na ako ni Porter noon pero hindi ko alam na mas may igagaan pa pala ito. Hindi ko alam kung masyado lang akong OA pero ako kasi 'yung taong kapag alam kong nakasakit ako ng tao at alam kong ako ang may kasalanan ay sobra sobrang konsensiya ang nararamdaman ko. Kaya malaking bagay para sakin na napagusapan na namin ito ni Porter ngayon. Kahit na in-open ko na ito sa kanya dati at mabilis nya lang na binalewala.
"It's not raining anymore." Porter stated.
Mabuti na lang at saktong huminto ang ulan pagkarating namin sa tapat ng kanto ng street namin. I inhaled deeply. I really love the scent of after rain.
"Aggie, I will let you know my secret before." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Porter.
"Ha?"
"I liked you." Pagtapos nyang sabihin iyon ay tumalikod na sya at nag-umpisa ng maglakad papasok ng street nila pero bago pa sya tuluyang makaalis ay naisip kong kailangan ko rin sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
"Well, you're not the only one who has a secret to tell, Aguirre. Guess what? I liked you, too." Nakangiting sabi ko sa kanya. I think he has the right to know what I feel for him before. Tutal ay sinabi nya rin naman ang kanya sa akin.
"Aren't we weird? Confessing to each other in a past tense form." Natatawang sabi nya. Ngumiti na lang ulit ako sa kanya bago kumaway at tumakbo papasok ng street namin. Mabilis kong pinunasan ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Darn it, I hope he doesn't see me cry.
BINABASA MO ANG
Memory Lane #Wattys2017
Romanzi rosa / ChickLit[HIGHEST RANKING: #60 in ChikLit] Aggie Tongco and Porter Aguirre's simple love story. Started: June 13, 2017 Ended: July 07, 2017