CHAPTER NINETEEN
Today is the last day of our midterm examination. Kahit na maraming gumugulo sa isip ko kagabi ay pinilit ko pa rinmag-review. I don't want to waste Porter's effort in helping me. Of speaking of which, today is the day where I will treat him to some nearby sweet shop. Hindi ko pa rin alam kung saan magandang ilibre si Porter. I guess I'll have to ask him later.
Lumabas na ako ng room dahil katatapos ko lang ng sagutan ang huling exam namin ngayong araw. May mga kaklase ako na hanggang ngayon ay nagsasagot pa rin katulad na lang nila Perry, Mandy, at Josiah. Nakita ko rin na tapos ng magsagot si Porter pero hindi nya pa ito pinapasa at nakadukdok lang sa kanyang lamesa.
"Aggie!" Katulad ko ay tapos na rin itong si Steph. Nauna lang sya sakin ng ilang minuto bago natapos, "Buti ay madali lang ang exam natin sa Physics ngayon. Ang akala ko ay pahihirapan tayo ni Ma'am Minda sa pagsasagot." Nakangiting sabi ni Steph. Good thing she's back to her normal self.
"Oo nga e," Sagot ko lang. Should I talk about it with her right now? Paano kung magalit sya sakin? Pati si Mandy? Bahala na. "Steph, pwede ba tayong mag-usap?" I don't know if she was expecting it or she's just good enough remain her face neutral.
"Sure." Inaya ko syang magpunta sa CR. Tutal naman ay kakaonti pa lang ang mga estudyanteng nakatapos na sa kanilang exams. I want to talk about it with her nice and smoothly.
"Ano..Steph–"
"Is it about Fourth?" Putol nya sa pagsasalita ko. I bit my lower lip and nodded my head. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya kaya nanatili na lang akong nakatingin sa sahig. I know I'm guilty. It's not that I stole Porter from her.
Sa pagkakatanda ko ay wala naman ng gusto sakin si Porter. We already confess our highscool feelings to each other. Katulad nga ng sabi ni Porter 'let bygones be bygones.' Matagal ng nilimot ng nakaraan ang feelings nya para sakin. Ako lang naman itong hindi maka-move on sa kanya.
"What about him?" Tanong nya. Tiningnan ko si Steph na may ngiti sa kanyang labi. Bakit sya nakangiti? Imposible namang hindi pa rin nya gets kung bakit si Porter ang paguusapan namin.
"I-I know you like him and yet.." I trailed off.
"And yet what, Aggie?" She asked. Crap, she really wants me to tell it to her. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Sinalubong ko ang mga tingin nya.
"I like him, too. S-Since we were in highschool."
"Bakit mo sinasabi sakin ang bagay na 'to?"
"Gusto ko lang malaman mo. Ayoko lang magalit ka sakin. I know I'm horrible. Sinabi ko sayong wala akong gusto sa kanya but I lied. Well, it's not my intention to lie in the first place. Ang akala ko kasi ay wala na akong gusto sa kanya.." I kept denying it to myself before. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko ay hindi ko magugustuhan ang bagong Porter Aguirre ngayon but I was wrong. Definitely wrong.
BINABASA MO ANG
Memory Lane #Wattys2017
ChickLit[HIGHEST RANKING: #60 in ChikLit] Aggie Tongco and Porter Aguirre's simple love story. Started: June 13, 2017 Ended: July 07, 2017