CHAPTER EIGHTEEN

1.1K 42 1
                                    

CHAPTER EIGHTEEN


"You have an hour to answer your exam. Anyone caught cheating will automatically have a zero score and failing grades. You may start now." Nag-umpisa na kaming sagutan ang exam namin at halos mapapalakpak ako sa tuwa dahil lahat ng tinuro ni Porter ay nandito sa exam. Sa buong buhay ko ay ngayon lang yata ako natuwa at nag-enjoy mag-exam. Hanggang sa mga sumunod na exams ay madali ko lang na nasasagutan.


"Grabe! Ang hirap ng exams ngayong araw!" Sabi ni Perry habang nagiinat-inat ng katawan pagkalabas namin ng room.


"Oo nga tapos ang sakit pa sa batok." Dagdag pa ni Mandy.


"Ikaw, Aggie, kamusta ang exams mo?" Tanong ni Steph.


"Hmm, okay naman. Ang dali nga ng mga exams ngayon." Sabay na napahinto sila Perry at Mandy at tinitigan akong maigi.


"You're lying." Sabi ni Mandy.


"Pa-bibo naman 'tong si Aggie. Okay lang na sabihin mong mahirap, hindi ka naman namin ijajudge." Sabi ni Perry. Sinimangutan ko silang dalawa at inirapan.


"Ewan ko sa inyo." Umismid ako sa kanila. Pati ba naman sila ganoon katanga ang tingin sakin?


"Ikaw, Porter, kamusta ang exams mo?" Tanong ni Steph kay Porter na nasa tabi nya.


"Sus! Huwag mo ng tanungin ang lalaking 'yan Steph." Sabi ni Perry.


"Oo nga!"


"I'm sure he answered it without breaking a single sweat." Dagdag pa ni Josiah. True enough, Porter Aguirre is the one we're talking about. Panigurado ay hindi man sya nagka-thrill sa pagsasagot ng exams nya.


"No, nahirapan din ako. Lalo na sa number 26 kanina sa Biology. Ano ang sagot nyo doon?" Tanong nya. Hmm, number 26 sa Biology?


"C yata."


"D."


"E yata ang sakin.."


"Nakalimutan ko na 'yung akin basta ang alam ko hinulaan ko lang lahat ng sagot sa Biology." Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Perry.


"Ikaw Aggie?" Tanong ni Porter kaya nalipat ang lahat ng atensyon nila sakin.


"A ang sagot ko." Masyadong tricky ang tanong sa number 26 kaya sobrang nahirapan akong sagutan ito lalo pa at related ang lahat ng choices sa tanong.


"Very good. Parehas tayo." He suddenly stretched out his arm towards my face. Ang akala ko ay pipitikin nya ang noo ko pero nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malaki nyang kamay sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.


"Hey! Not the hair!" Reklamo ko sa kabila ng malakas na tibok ng uso ko. Huli na ng mapansin kong nasa amin pa pala ang atensyon nilang lahat. Nang magtama ang paningin namin ni Steph ay sya mismo ang mabilis na umiwas ng tingin.


"Let's go, last day na ng exam bukas." Nakangiting sabi ni Steph at nauna ng maglakad sa amin.


"Shit 'yan, parang ayoko na tuloy mag-bukas." Reklamo ni Perry.


"Dude, RIP. Major subjects bukas." Tinapik-tapik pa ni Josiah ang balikat ni Perry.


"Ah! Ayoko na!" Natawa na lang kami sa inaasta ni Perry. Para tuloy syang baliw. Nagpaalam na kaming lahat sa isa't isa nang makarating na kami sa school gate.


"Bye!" Paalam ni Mandy nang pasakay na silang dalawa ni Steph sa jeep. Tiningnan ko si Steph pero hindi sya tumitingin sakin. Ni hindi rin sya nagpaalam sakin. Habang naglalakad kami pauwi ni Porter ay hindi maalis sa isip ko si Steph. Nakokonsensya ako. From that moment I forgot her feelings for Porter. Pakiramdam ko ay ang insensitive ko at ang selfish ko.


But how can I avoid Porter when he's so near me? How can I avoid him if he's the one who always come near me? How can I avoid him if whenever I tried creating a wall between us he always finds his way inside? And before I knew it, he already invaded my system. Iniisip ko pa lang na lalayuan ko sya ay parang hindi ko kaya. Masyado akong nasanay sa presensya nya na laging nasa tabi ko.


"Hoy, Tongco? May problema ba? Nakalimutan mo bang lagyan ng pangalan ang test paper mo?" I guess I need to decide then. Kailangan kong makausap si Steph. We need to settle this down. It's all or nothing.


"Wala. Napagod lang ako sa exam ngayong araw. Sana lang ay tama ang mga sinagot ko."


"Really? But I think you did well today."


"Paano mo naman nasabi?"


"I was watching you. Anyway, just review the notes that I gave you." Naglakad na papasok ng street nila si Porter. Tinaas nya pa ang kanang kamay nya at bahagyang kinaway ito kahit na nakatalikod na sya sakin. It's as if he knows that I'm watching him walk away.

Memory Lane #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon