Chapter 2

557 13 2
                                        

Daniel Espiritu on the right ===>

:))))

Pagkatapos ng klase, umuwi na ako agad. isang sakay lang naman ng jeep yung apartment na inuupahan namin ni kuya. Malapit lang dito sa school. Niyaya pa ako nina Janelle at Stacey na tumambay muna, pero sabi ko next time na lang. 

Pagdating ko sa bahay...

"Manang! Nandito na po ako?" - sigaw ko

"Oh Anya anak, nagugutom ka na ba? Gusto mo ba ng makakain?"- tanong ni Manang Betty

"Mamaya na ho ako kakain pag dating ni kuya, para sabay na po kami. Manang nasaan na po si Maya?' -Ako

"Nandoon sa kwarto mo, natutulog."- Manang Betty

"SIge ho, aakyat muna ako."- Ako

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko si Maya natutulog na parang anghel. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo. Tinitigan ko ang mukha niya. Parang gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang pagod.

"Baby, nandito na si Mommy... Sorry kung naiwan kita ng matagal ha. Inantok ka ba kakahintay sa akin?" - sabi ko,habang nakatingin sa natutulog na si Maya

"Wag ka sana magtatampo pag lagi akong wala ha, aalagaan ka ni naman ni Manang Betty eh. Kailangan lang mag-aral ni Mommy, para sa future nating dalawa."

Oo tama ang nabasa ninyo, meron na akong baby, si Maya... seven months na siya turning eight. SIya ang dahilan kung bakit maraming tao ang nadisappoint sa akin, pero hindi ko siya tinuturing na isang pagkakamali, para sa akin, siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kahit hindi siya kayang tanggapin ng ama niya at ng papa ko.

*Flashback*

Sikat na sikat ako sa university, parang ako yung IT girl doon. Marami din akong admirers, pero may boyfriend ako, si Luis Franco. Sikat din siya sa campus, lagi kaming pinagpapares, we're a perfect couple daw....

May practice kami ngayon ng pagrampa at ng talent na gagawin namin, kami kasi ang representatives ng university sa inter-school pageant, kalaban namin ang different universities sa buong Luzon, and pag nanalo kami, ilalaban namin kami sa Visayas and Mindanao. Malaki ang tiwala ng mga administrators ng school na ako ang mananalo.

 "Anya! ano ba yan. Bakit ang lamya mo maglakad?"- sabi ni Sir Pete, yung baklang mentor namin

"Sorry sir, medyo masama lang po ang pakiramdam ko."-sabi ko

"Diba I told you na magpahinga ka ng magpahinga, wag ka munang gagawa ng stressful activities, one month na lang pageant na, baka magkasakit ka pa."- sir Pete

Iba talaga yung pakiramdam ko ngayon, actually nung isang araw pa to eh, pero napipilit ko pa ,ngayon parang di ko na talaga kaya. Sanay naman akong nagsusuot ng sobrang taas na mga heels pero ngayon parang nanginginig yung tuhod ko. Nahihilo talaga ako tsaka parang sinisikmura. Nanlalamig din ako. 

"Are you okay"- tanong sakin ni Luis

"Oo, I'm okay, don't worry, sobrang pagod lang siguro."- Ako

Nagsimula na ulit kaming rumampa, maraming professors ag nanonood sa amin ngayon, lahat sila mga nakangiti. At pumapalakpak.

Habang naglalakad ako sa catwalk na ginawa nila, hindi ko na talaga alam yung nararamdaman ko, nahihilo talaga ako. I think I need to throw up.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon