Chapter 8.2

376 10 4
                                    

:))))))

(Anya's POV)

Nasa biyahe na kami ngayon pauwi sa bahay namin sa Cavite. Ako, si kuya, si Maya, si Janelle, at si manang Betty. Excited na ako, namimiss ko na si mama, miss ko na yung bahay namin kung saan masaya kaming nakatira dati, alam ko din na gustong gusto nang makita ni mama si Maya, huling kita niya kasi dito 1 month pa lang, eh 8 months na si Maya ngayon.

Di naman masyadong mahaba ang biyahe from Manila to Cavite, tsaka wala namang traffic ngayon. Si Maya, aliw na aliw sa mga nakikita niya, ngayon ko lang kasi siya naibyahe ng malayo.

Dumating na kami sa bahay. Sinalubong naman kami agad ni mama. Pinakilala ko si Janelle at humalik siya kay mama. Nagustuhan naman siya nito.

"ay ang mga anak ko.... ang gwapo at ang ganda" - sabi ni mama, habang niyayakap kaming dalawa ni kuya.

Mas lalong natuwa si mama nang makita niya si Maya. Parang bigla kaming nawala sa eksena, ganun daw talaga ang mga grandparents, mas mahal ang apo kaysa sa anak.

"Maya... halika kay lola... miss na miss na kita. ang laki laki mo na, ang ganda ganda, mana ka talaga sa akin." - Mama

Nagtinginan na lang kami nina kuya at manang Betty. Si Maya naman tuwang tuwa din kay mama. Pero natutuwa akong makita na mahal na mahal ni mama si Maya. 

"Anya, sa kwarto ko matutulog si Maya ha." - biglang sabi sa akin ni mama.

Dun na kaming lahat nagtawanan. Grabe si mama, sabik na sabik sa apo niya... Sana ganun din si papa... Hay, nalulungkot nanaman ako. Masaya ako na nandito ako ngayon sa bahay namin, kasama ko si mama at si kuya, pero sa tuwing nililibot ko ng paningin itong bahay na to, nalulungkot din ako... Naaalala ko yung mga di magagandang nangyari, yung mga bagay na bigla na lang nawala sa akin.

Pumasok na kami ni Janelle sa kwarto para magpahinga muna, at ewan ko ba sa babaeng to, masyadong natuwa sa pagtitingin ng mga pictures ko nung bata, lalo na yung mga picture ko nung sumasali ako sa mga pageants sa dati kong school.

"Hala Anya, di mo sinasabi, ikaw pala yung representative nung school na laging nanalo sa Mr. and Miss University. Yung school natin, laging talo dun eh" - sabi ni Janelle

Tumawa lang ako sa sinabi niya. Mas nagulat siya sa sunod kong ipinakita... picture ni Luis... Oo, may naitatago pa akong picture ni Luis, para naman kahit papaano, paglaki ni Maya, pag nagtanong siya tungkol sa ama niya, kahit sa picture man lang makilala niya ito... Hindi ko naman ipinapagkait sa kanya na malaman ang tungkol sa ama niya eh.

"Grabe Anya! Ang gwapo pala ng tatay ni Maya eh! Kaya ka pala pumayag.. Hahaha. Kamukhang kamukha ni Maya oh..." - Janelle

Hinampas ko siya sa braso.

"Lokaret ka talaga Janelle! Hahahaha." - Ako

Dahil ayaw naman magpahinga ni Janelle, niyaya ko na lang siya mamasyal. Isinama na din namin si Maya... Kapag dito sa lugar namin, nakakalabas ako ng kasama si Maya, hindi ko siya kailangang itago mula sa mga tao, alam naman kasi ng mga tao dito kung anong nangyari sa akin eh, kaya ok lang.

Namamasyal kami ngayon sa paligid ng subdivision, nakakasalubong namin yung mga kababata ko, binabati naman nila ako.

"Uy Anya, nandito ka na pala ulit? Yan na ba ang baby mo? Malaki na ah."

"Kamukha ni Luis."

"Ang tagal mong di nagpakita ah. Maganda ka pa din."

yan yung sinasabi nung ilan sa mga nakasalubong namin. Okay, ipamukha niyo pa na kamukha siya ni Luis. Tuwang tuwa din sila kay Maya at nilaro laro pa nila ito, pinakilala ko din sa kanila si Janelle...

Naglakad lakad pa kami... Hanggang sa makarating kami sa court.. At doon may pamilyar na mukha akong nakita... Hindi ako pwedeng magkamali... Hindi rin naman imposibleng mapadpad siya dito, malapit lang din yung subdivision nila dito at marami siyang kaibigang taga dito sa amin.

Tatalikod na sana ako, dahil mukhang hindi naman niya ako nakita... babalik na lang sana kami sa bahay.. pero mali ata ako.

"Anya!" - narinig kong sigaw niya...

Ngayon, sigurado na talaga akong siya yun, yung boses niya, yung pag sigaw niya ng pangalan ko... Yun yung hinahanap hanap ko dati. yung gusto ko palaging marinig...

"Janelle... mauna na kayong umuwi. Dalhin mo na si Maya... mamaya na ako magpaliwanag basta umuwi na kayo." - sabi ko kay Janelle

Nagtataka naman si Janelle kung bakit. Pero sumunod na lang siya... Iniuwi niya na si Maya..

Naiwan akong nakatayo doon.

Lumapit na sa akin yung lalake... At tama ako....

 .

.

.

.

.

.

.

Si Luis nga yun...

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon