:)))))))))
(Anya's POV)
Monday nanaman. Sana naman good vibes lang para buong week eh masaya. Nagkaklase kami ngayon kay Prof. Espiritu, ang boring nya talaga magturo, sobrang seryoso.. Samantalang tong anak niya, masyadong hyper, simula nang dumating ako kanina wala nang ginawa kundi mangulit. Paano kaya sila sa bahay? Siguro formal formalan.
"Anya, Anya, Anya..." -ayan nanaman siya
"Ssshhh. Makinig ka nga sa nanay mo."- Ako
"Hayaan mo siya, sawa na ko sa bibig niya."- Daniel
Ewan ko ba sa taong to, parang di natatakot sa nanay niya, eh nakakatakot kaya talaga si ma'am. Di nga ako makagawa ng masama sa klase niya eh, mukha kasi siyang masungit eh.
*rrrrriinggg!!!*
At last tumunog na yung bell....
"Ms. Del Moral?"- sabi ni prof
Shi*t! Kakasabi ko lang eh. May nagawa ba akong mali?
"Yes ma'am?"- Ako
"Proceed to my office after this, we need to talk to you?"- Prof
Halaaaaaa! we need to talk to you daw? baka bibigyan ako ng sanction? di naman siguro. Sa natatandaan ko, naging mabuti naman akong estudyante sa loob ng klase niya. Help me!
"And Daniel, you accompany her."- Prof
"yes ma!"- Daniel
At kasama pa si Daniel! di kaya dahil lagi niya akong kinukulit pag may klase? Badtrip ka Daniel, pag ako napa bring parent with plastic cover lagot ka saken!
Lumabas na yung prof. Tinignan ko si Daniel ng masama na parang nagsasabing, "anong meron?", nagkibit-balikat lang siya na parang di din alam kung anong meron. Naku Daniel, malilintikan ka talaga sakin pag nagkataon.
"Tara na. Baka pag matagal tayong dumating lalong magalit yun." - sabi niya nang may nakakalokong ngiti.
Galit? so ibig sabihin galit ang nanay niya? Ano bang nagawa ko? Pfft :|
"Ano ba kasing meron?"- Ako
"Ewan." - Daniel
Hinila nanaman niya ako para maglakad. Lagi niyang ginagawa yun... Ano ako, aso?
Nandito na kami sa may pintuan ng office ni Ma'am Espiritu. Parang ayokong pumasok, feeling ko may dragon sa loob. Huminga ako ng malalim... Nakikita ko namang natatawa si Daniel. Badtrip talaga to, tinatawanan pa ko, porket nanay niya yun ang yabang niya.
Pumasok na kami... Lahat sila nakangiti :D
Andun yung dean ng hospitality management, si Ma'am Espiritu, yung event coordinator ng university, may baklang ewan, at dalawa pang prof.
Umupo na kami ni Daniel sa sofa.
"Ah, so ikaw pala si Miss Del Moral."- sabi nung dean
"Opo." - Ako
"Nagtanong kasi kami kay Daniel kung may kilala siyang pwedeng maging representative natin sa pageant, at ikaw ang ni-refer niya." - dean
"Ako po?"- Ako
Tinignan ko si Daniel, alam niya pala lahat to ha, kunyare pa siya kanina na magagalita daw ang mommy niya. At itong si loko, kunyare nakatingin lang sa may kisame, painosente. Lagot ka talaga sakin.
"Tama si Daniel ha, maganda ka, ang matangkad, beauty queen material. May experience ka na ba sa mga pageants?"- dean
"Ah opo, representative po ako dati ng *too* University sa Cavite po."- Ako
O.O => ganyan yung mga mukha nila, nagulat ba?
"yabang"- sabi ni Daniel
Siniko ko naman siya.
"So ibig mong sabihin ikaw yung representative nung university na 2 years nang title holder nung pageant?" - Ma'am Espiritu
"Ah opo. Pero nagtransfer na po ako dito." - Ako
Nakita kong napangiti sila.
Sa totoo lang, ayoko nang sumali sa pageant, hindi na ako yung dating ako eh... At isa pa, baka lumabas yung sikreto ko at may mangyari nanamang masama.
"Ma'am, thank you po for choosing me, pero sa totoo lang po ayoko na po sanang-----." -Ako
"Please Ms. Del Moral, malaking asset ka dito sa school na to, matagal na panahon na simula nung huling naging title holder itong university na to."- Dean
Naku naman. Ayokong nakakarinig ng mga please eh, kasi mabilis akong mapapayag. Pahamak kasi to si Daniel eh. Badtrip.
"Pag-iisipan ko po." -Ako
"Sana tanggapin mo Ms. Del Moral."- dean
Namimiss ko na din naman yung dati kong ginagawa eh. Kaso parang hindi na talaga pwede eh, paano kung manalo nga ako tapos biglang lumabas yung baho ko? Ayoko na kasing mag-expect nanaman sila sa akin at ma-disappoint sa huli.
Naglalakad kami ngayon ni Daniel pabalik sa classroom. Tahimik lang siya, siguro nakaramdam na naiinis ako.
"Alam mo, pahamak ka eh. Nakakainis ka, ang dami dami diyan,bakit ako?" -tanong ko sa kanya
"Eh bakit naman hindi ikaw?"- sabi niya
Hay naku Daniel, kung alam mo lang, kung pwede ko lang sabihin sa'yo na hindi pwede kasi may tinatago akong lihim. Na kaya ako umalis sa dati kong school ay dahil sa hindi ko nagampanan yung pagiging Miss University ko... Di na lang ako nagsalita, hindi rin naman kami magkakaintindihan.
"Pag-isipan mong mabuti Anya, umaasa sila sa'yo.Alam mo malaki ang tiwala ko na mananalo ka kung sakali kasi alam mo, unang kita ko pa lang sa'yo eh, alam kong iba ka sa kanilang lahat."- Daniel
Ayan nanaman yang "umaasa" na yan eh. Marami na akong taong nasaktan dahil diyan sa "umaasa" na yan. Sana naging kagaya na lang ako nilang lahat, sana di na lang ako naiba.
"Just give it a shot, kung hindi edi hindi." - pahabol niya
Oo nga naman, why don't I just give a try. Maybe it could help me patch things up. Baka makatulong ito to build the old me. Pero may part ng utak ko na nagsasabing, "No Anya, things aren't the way they were before.".... Bahala na.
(Stacey's POV)
Lagi na lang silang magkasama...
Si Daniel at si Anya...
At kahit anong gawin ko, nasasaktan talaga ako.
Sinabi sa akin ni Anya noon na iiwasan niya si Daniel dahil ayaw niya akong masaktan, nakita ko namang sinubukan niyang gawin yun eh...
Pero after a couple of days balik nanaman sila sa dati, di ko naman masisisi si Anya kasi mali nga naman sa iwasan nya na lang basta basta si Daniel kahit wala naman itong ginagawang masama..
Nahihirapan pa din akong kausapin si Anya, di ko alam pero parang may nararamdaman akong galit sa kanya... bakit kasi si Daniel pa ang naging close niya eh...
Tapos ngayon feeling ko pati si Janelle lumalayo na sa akin, lagi nang si Anya ang kasama niya. Minsan may pinag-uusapan sila tapos pag lalapit ako bigla silang tumitigil.
Feeling ko inagaw na sa akin ni Anya ang lahat, unintentionally.... Sino ba namang aayaw kay Anya eh sobrang ganda niya, mabait, matalino.... Almost perfect.
Pero isa lang ang alam ko ngayon, kailangan kong makuha ulit ang mga bestfriends ko... Si Daniel at Janelle... Masama na kung masama but I'm desperate..
I need to find a way para bumalik sila sa akin. Marami pa namang pwedeng magmahal kay Anya eh.
I'm sorry Anya, but I have to do it. you've been a good friend but I gotta do it.

BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...