Chapter 3

493 10 0
                                    

:))))

Nagising ako na wala na si Maya sa tabi ko. Siguro kinuha na ni manang Betty kanina, maaga kasing nagigising yun eh. Bumaba na ako para aag breakfast, may pasok pa maya-maya.

Pagbaba ko, nakita ko si Kuya, karga karga si Maya at nilalaro ito, si Maya naman humahagikgik.

"Good Morning Anya, Maya, say good morning to mommy."-Kuya Drew

"Morning kuya, wow naman yung mag-tito, magkasundo."-Ako

"Siyempre naman, para kahit wala siyang daddy, nandito naman ang tito niyang pogi." -kuya

Na-touch naman ako kay Kuya, love na love niya talaga ako pati si Maya ko.

"Anya, kumain ka na ng breakfast at maligo, sabay na tayo papasok."- kuya 

"Sige kuya." -ako

Pagkatapos kong kumain ng breakfast, umakyat na ulit ako sa kwarto at naligo at nagbihis. At dahil tuesday ngayon, corporate attire kami, yung pang flight attendant and uniform namin, mini skirt na above the knee (micro miniskirt na nga ata to eh, hahaha) tapos kulay white na blouse and may blazer. Kailangan din naka high heels. Naglagay na din ako ng kaunting make-up, habang naglilipstick ako naalala ko yung nangyari kahapon ka Daniel, natatawa naman ako.

"Anya, tara na."- narinig kong sabi kuya.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si kuya na nakatayo sa tapat ng pinto, Naka longsleeves naman siya na darkblue at naka neck tie. 

"Ang pogi naman ng kuya ko."- ako

"Eh ang ganda din ng kapatid ko, fresh na fresh."- kuya

Hinampas ko sa braso si kuya.

"Mag-iingat ka sa school, takaw atensiyon ka dun panigurado, sa ganda mong yan."-kuya

"Yes sir."- ako

Bumaba na kami ni kuya at nakita namin sa sala si Manang Betty, pinapatulog si Anya. Tumingin naman si manang sa aming dalawa ni kuya.

"Tignan mo nga naman ang mga alaga ko, kay ganda at kay gwapo na. Dati hinahabol ko pa kayo pag ayaw niy maligo ngayon halos di ko na kayo makilala."- naluluhang sabi ni manang Betty.

"Si manang naman ang drama."- kuya

"sa susunod naman manang, si Maya na ang hahabulin niyo para maligo."- sabi ko

nagtawanan kaming tatlo.

Nagmano na kami at nagpaalam kay manang.

Humalik na din kami kay Maya.

Sumakay na ako sa kotse ni kuya at nag-start na siyang magdrive papunta sa university.

Medyo late na kami nakarating ni kuya sa school, bigla kasing nagtraffic. Sabay kaming bumaba ng sasakyan niya, at nagulat ako dahil yung mga babae nakatingin sa aming dalawa.

"Kapatid ko."- sabi ni kuya sa dalawang babaeng nakatayo sa harap namin at nakatingin.

"Akala siguro nila girlfriend kita, hahaha."-bulong ni kuya sa akin.

Natawa naman ako dun, pagkamalan ba naman kaming mag syota ni kuya. hahahaha. Nagpaalam na ako kay kuya at umakyat sa classroom. Late na ata ako ng 15mins.

(Daniel's POV)

Maaga akong pumasok ngayon, nabadtrip kasi ako kay mommy, nung first day daw ng classes kahapon late ako, sobra ko namang inagahan ngayon. Siya nga pala, nanay ko yung isa naming professor, yung Kendra Espiritu, kainis nga eh, di ako binibigyan ng special treatment.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon