Mga darling, dahil medyo kinakalawang ang utak ko ngayon, ang dami ko kasing ginagawang paperworks so hindi ako makapag focus ng buo dito sa story, I would like to ask for you opinions kung anong gusto niyong idagdag ko dito sa story. PM me na lang po, your ideas will be fully appreciated. Credits will be acknowledged. Thanks :)
:)))))))
(Anya's POV)
Okay, another normal day. maaga akong nagising kasi nag-iiyak nanaman si Maya. Kinarga ko na siya at lumabas na kami sa kwarto, tumigil naman siya kaagad sa pag-iyak. Sa tingin ko na bobored na din siya dito sa loob ng bahay, di ko naman kasi siya laging nilalabas eh, alam niyo naman.
Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa gilid ng hagdan, ilang araw na lang din pala at pageant na. Sa totoo lang, kahit sanay na ako sa mga pageants, kinakabahan talaga ako, paano kung makita ako ng mga kakilala ko? Kaso huli na, hindi na ako pwedeng mag back-out, nakakahiya kay Daniel, sa mommy niya at sa buong university.
Bumaba na ako para mag-almusal, karga ko pa din si Maya. Sa tingin ko tulog pa si kuya, may OJT kasi yun mamaya kaya siguro nagpapahinga muna.
"Good Morning manang!"- bati ko kay manang na nagwawalis sa sala.
"Oh, Anya anak, ayos ka na ba?"- tanong niya
"Ay opo manang, wag na po kayo mag-alala, wag niyo na po isipin yun."- Ako
"Mabuti naman. Akin na si Maya at mag-almusal ka na dun."- Manang Betty
Kinuha niya naman si Maya mula sa pagkaka karga ko, tuwang tuwa naman yung bata nung si manang na ang nagbuhat sa kanya, sobrang malapit na siya dito eh.
Pumunta na ako sa lamesa para kumain. Biglang tumunog yung cellphone ko.
From: Ms. Madelaine (siya yung events facilitator ng school)
Ms. Del Moral, please come early and visit me in my office, you'll meet you pageant partner today.
Ay may partner pala ako sa pageant? Akala ko solo lang, Mr. and Ms. University pala to. At dahil luzon and irerepresent ko, siguro from other school ang makakapartner ko kasi kung taga dun lang din yun sa university na pinapasukan ko edi sana matagal ko nang nakilala yun. Sana naman maganda siyang katrabaho para manalo kami.
Pagkatapos kumain, umakyat na ulit ako para maligo at magbihis. Konting paganda lang at shoot, ready to go. Kagigising lang ni kuya,di kodaw siya ginising eh maaga daw pasok niya ngayon, nagmamadali na din siya maghanda, di na ko sasabay sa kanya magcocommute na lang ako, kawawa naman yun eh, lagi na lang naiistorbo dahil sa akin.
Sumakay na ako ng jeep papasok sa school. May katabi akong dalawang estudyante din ng school ko, mga member ata ng photography club, kasi puro photography ang pinag-uusapan eh, may mga dala pang tripod.
"May bago na daw tayong adviser sa club ah. Nag resign na daw si Sir Rodelas."-sabi nung isa
Rodelas? Diba yun yung apelyido nung manyak na photographer kahapon? Buti naman at nag-resign na siya.
"Oh talaga? Bakit naman daw?"- tanong naman nung isa
"Ewan ko, basta sabi, binugbog daw siya eh."- sabi ulit nung isa
"Baka nang-gago nanaman, buti nga sa kanya."- sagot nung isa
Binugbog? Di kaya dahil sa ginawa niya sa akin? Napaka assuming ko naman. Eh kung totoo nga, sino namang bubugbog dun, si Kuya Andrew? Hindi naman siguro, buong gabi nasa bahay si kuya kahapon... Hmm.. Si Daniel kaya? hindi rin siguro, kausap ko pa yun kagabi eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/1252546-288-k295535.jpg)
BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...