Chapter 12

363 8 4
                                    

para sa'yo tong chapter. thanks for supporting my story :) 

:)))))

(Daniel's POV)

As usual, hinihintay ko nanaman si Anya ngayon dito sa may entrance ng university. Maaga pa, sabi niya kasi sakin kagabi, gusto daw niya pumasok ng maaga para kausapin ang mommy ko pati yung dean. Sana naman pumayag na siyang sumali dun sa pageant.

Saglit lang akong naghintay, dumating naman siya kaagad eh. Naka shades pa siya ngayon at naka pusod yung buhok na parang magulo, ano to, puyat? Siguro ang laki ng eyebags niya ngayon. Hahaha. baka di nakatulog kakaisip kung papayag ba siya o hindi. Pero alam ko maganda pa din siya kahit anong mangyari.

"Bakit ka naka shades? Puyat? HAHAHAHA."- tanong ko

"Kainis ka." - Anya

Bigla niya kong hinampas sa braso.

"Sabi ko kasi sa'yo wag mo na akong isipin eh."- Ako

Hinampas niya nanaman ako. Natutuwa talaga ako sa kanya. Para siyang bata. Pero para siyang lady. 

Kinuha ko na yung mga dala niyang libro at naglakad na kami papasok. Tinanggal niya na din yung yung shades niya, ayun mukha ngang puyat, pero maganda pa din talaga. Tinanggal nya din yung tali ng buhok niya at sinuklay suklay ito gamit ang mga daliri, ang ganda niya tignan habang bumabagsak sa mga balikat niya yung mahaba at kulay brown niyang buhok. Para siyang commercial model ng shampoo. Tama na Daniel...

"Hi Anya."

"Good Morning Anya."

"Ikaw pala yung sasali sa pageant? Naku, panalo na yan."

"Ang ganda mo naman Anya."

Sino naman tong mga to? Feeling close agad ka Anya,at nginingitian niya naman, ang bilis kumalat ng balita ah, di pa sigurado kung payag siya o hindi eh, alam na agad ng buong campus? Siguro ginawa nila yun para hindi na makatanggi si Anya. Nakakainis, mukhang dadami pa yung kaagaw ko ah.

"Daniel... Hoy Daniel..." - may sinasabi pala si Anya, di ko narinig?

"Bakit?" - Ako

"Parang lutang ka? Sabi ko kung nadiyan na ba mommy mo?"- Anya

"Oo, nandun na yun sa office nya." - Ako

"Ah. Edi tara na."- sabi ni Anya na nakasmile at sabay hila sa braso ko para magpatuloy kami sa paglakad. Wow, kadalasan ako ang humihila sa kanya ah.

Naglakad na kami papunta sa building kung saan nadun din yung office ng dean pati office ni mommy. Bago kami pumasok sa pinto, napansin kong bumuntong hininga si Anya. Tinawana ko siya, para siyang baliw, at natawa din siya sa ginawa niya.

Pagpasok namin, tamang tama dahil andun din yung dean, kinakausap si mommy. Parang nagulat pa nga sila dahil ang aga namin eh.

"Yes Daniel? What do you need?"- Mommy

"Ma, Anya here wants to----."- Ako

"Ma'am, I'm accepting it. I'm joining the pageant." - Sabat ni Anya

Nanlaki yung mata naming tatlo. Sa totoo lang, iniisip ko din na baka ayaw talaga ni Anya, pero ngayon sobrang saya ko dahil tinanggap niya. Ang laki ng ngiti ni mommy pati na din nung dean. Eh lalo naman ako. Malaki ang tiwala ko na mananalo si Anya, ano namang binatbat nung iba sa kanya?

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon