Chapter 11.2

340 10 3
                                    

Sorry ngayon lang nakapag update guys, nagjinuman kasi kahapon, ayun plakda! haha

:))))))

(Anya's POV)

Di ko pa din sure kung tatanggapin ko na ba yung offer nila na sumali ako dun sa pageant, kahit alam ko namang hindi rin ako makakatanggi. Hindi naman dahil sa kinakabahan ako, kabisado ko na rin yung pageant na yun eh. Kaso nga lang, kagaya ng lagi kong sinasabi, iba na ngayon, may mga bagay nang nawala sa akin na hindi na pwedeng ibalik pa...

"Alam mo Anya, pwede naman eh. Malay mo, it's a way to start all over again." - Kuya Andrew

Kumakain kami ngayon ng dinner. Naikwento ko na sa kanila yung tungkol sa gusto nilang pagpapasali sakin dun sa pageant, gusto ko lang din naman kasi malaman yung opinion nila.

"Anong ibig mong sabihin kuya?"- Ako

"Alam ko naman na it's really your passion, and when you really love doing something, babalikan at babalikan mo yun." - kuya

Tama si kuya, passion ko talaga na sumali sa mga pageants, ever since elementary hanggang highschool hanggang college, suki na ako ng mga school pageants. Dati nga ayaw ko pa eh, pinipilit lang ako ng teachers ko.

"Tsaka anak, kinalakihan mo na yun, nasanay ka na sa ganung buhay. Iba na naman ang mundo mo ngayon eh, wala namang mawawala kung susubukan."- sabi naman ni manang Betty

"Sana nga po manang, walang mawala..."- Ako

"Anya naman kasi, wag kang negative mag isip. Akala ko ba gusto mong maging normal ulit yung buhay mo? Yun yung normal life mo eh, yun yung mga dati mong ginagawa, then you should go back to it." - kuya Andrew

Tama nanaman si kuya, gusto kong bumalik sa normal life ko, at parte yun ng normal life ko. I think I should give it a try. Naranasan ko na din naman na mawalan ng lahat ng bagay na importante sa akin eh, kaya kung mangyayari siguro ulit yun, di na din ganun kasakit. Sana...

Di ako nakatulog buong gabi, pinag-isipan ko talaga lahat, kung ano ang magiging desisyon ko, kung tatanggapin ko ba yung offer nilang yun...Hay Anya... bakit lagi na lang ang hirap ng buhay para sa'yo, ano bang malaking kasalanan ang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito?

Sana pag gising ko mawala na lang lahat ng alalahanin ko sa buhay. Sana tahimik na lang yung mundo ko, walang problema, si Maya na lang iintindihin ko at wala nang iba.

(Janelle's POV)

Nakakatuwa naman at pinapasali nila sa pageant si Anya. Sabi na eh, imposible talagang hindi mapansin ang beauty niya dun sa university, kasi kahit maraming maganda dun na kagaya ko, iba pa din si Anya, alam niyo yung effortless? Paano pa kaya pag nag-effort? edi diyosa na? Hahahaha.

Pero I'm so proud of her. Tsaka eto ang chika, di nyo ba napapansin si Daniel, parang may gusto kay Anya, ewan ko kung ako lang nakakapansin ha, siguro si Stacey din kaya nahuhurt ang lokaret, kilala niya kasi si Daniel eh, alam na niya siguro gusto nito ang isang tao o hindi... Tapos si Daniel pa ang nagrecommend na si Anya ang gawing representative sa pageant. Tinamaan nga ata si loverboy.

*ring*ring*ring*

and speaking of Stacey, eto siya tumatawag

Janelle: Hello Stace?

Stacey: Janelle? Don't leave me ha. You're my bestfriend right?

Ang drama ha, naka druga ba to?

Janelle: Anong bang sinasabi mo Stace? Nakainom ka ba?

Stacey: Please Janelle. Tell me you won't leave me

Janelle: What in the world made you think na I will leave you?

Stacey: Ano bang meron si Anya na wala ako?

Ano kayang problema nito ni Stacey at ganun ang tanong niya? Nagagalit ba siya kay Anya?

Janelle: Stacey stop it!

Stacey: Lahat na lang kukunin niya sa akin. Akala niya papayag ako?

Janelle: Stace!

toot toot toot.

she hung up.

Kinakabahan naman ako dito kay Stacey, she's acting really weird these past few days. Nahahalata ko naman na nagseselos siya kay Daniel at Anya eh, kahit ano pang explain ko sa kanya na friends lang yung dalawa, ewan ko ba sa babaeng yun. Si Daniel din naman kasi eh, halata talagang may gusto kay Anya.

Napapraning na ata to si Stacey eh, masyado kasing in love kay Daniel. Dati nga pag may mga babaeng lumalapit sa Daniel niya, kulang na lang eh patayin niya. Lalo tuloy naiinis sa kanya si Daniel. Wala tayong magagawa, pag-ibig eh. Kaya ako eto pa fling fling lang, ayoko ma inlove. Mahirap na.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon