:))))))
(Stacey's POV)
Maaga talaga akong pumapasok kadalasan, kagaya ngayon. Sumasabay na kasi ako sa daddy ko papasok para tipid pamasahe diba, dumadaan din naman siya sa university on his way sa work..
So ayun, as usual, ang aga kong dumating ngayon. May mangilan ngilan na din namang mga students akong nakikita na naglalakad sa loob ng campus. Didiretso na sana ako sa room kaso nakita ko si Anya na tumatakbo tappos may lalakeng nakasunod sa kanya.
Ngayon ko lang nakita dito sa university yung lalakeng yun ah. Taga dito ba siya? Parang hindi. Kasi kung taga dito siya, sa gwapo niyang yun, siguradong sikat dapat siya sa campus.
Chismosa na kung chismosa, pero sinundan ko sila. Maaga pa naman eh, ewan ko din kung bakit gusto ng mga paa ko na sundan sila. Curious din ako kung parang hinahabol nung lalake si Anya.
Dun sa likod ng building dumiretso si Anya, hinahabol pa din siya nung lalake. Tumigil na siya sa pagtakbo at naabutan sa siya nung lalake, hinila siya nito at iniharap sa kanya... Nagtago ako sa gilid ng pader sa tabi ng basurahan.
"Luis, tama na..."- sabi ni Anya
Tama na? Baka ex-boyfriend ito ni Anya na habol pa din ng habol sa kanya.
Kitang-kita ko na umiiyak na si Anya, parang hirap na hirap siya sa nangyayari.
"Anya, hindi ko din to alam. I'm sorry kung nagulat ka."- sabi nung lalake na Luis ang pangalan
Wala akong idea kung ano ang pinag-uusapan nila. Aalis na sa na ako kaso narinig ko yung sinabi nung guy...
"Kung nag-aalala ka tungkol sa bata, walang makakaalam."-
Bata? Nag-aalala sa bata? Walang makakaalam? Teka, lalong hindi ko maintindihan. Sinong bata at bakit walang makakaalam? Pinagpatuloy ko ang pakikinig kahit alam kong hindi dapat.
"Wag ka nang umiyak baka may makakita sa'yo. Magsalita ka, sabihin mo lahat ng gusto mo, gawin mo ang gusto mo, tatanggapin ko."- Luis
*PAK!*
Sinampal ni Anya yung lalake
"Bakit ba bumabalik ka! Di mo ba alam kung gaano kasakit yung ginawa mo sa akin? Tapos sasabihin mong wag akong umiyak? Eh kung wag ka kayang magpakita sa akin para di na ako iiyak!"- yan lang ang nasabi ko.
Saglit silang nanahimik. Di sumagot yung lalake.
Bigla na lang niya hinila si Anya at niyakap. Nagpupumiglas si Anya pero mahigpit ata yung yakap nung lalake, hindi niya kaya.
"Gusto kong makita ang anak natin Anya, please."- sabi nung Luis
.
.
.
.
.
.
Anak? OMG! Totoo ba tong narinig ko? May anak na si Anya.
May tinatago pala siya sa amin... Alam na kaya to ni Janelle at Daniel?
Aalis na sana ako, pero pagtalikod ko.
*BLAG!*
Nasagi ko yung basurahan.
Lumabas ako mula sa pagkakatago ko sa gilid ng wall.
Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Anya..

BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Fiksi RemajaEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...