hey guys I'm back! namiss nyo ba ako? Sobrang busy ko lang po kasi sa OJT, abroad pa. Tapos ngayon ko lang nalaman password ng wifi dito sa tinutuluyan namin. Patawarin nyo ako pleaseeee :) Heto na ang isang malupit na update.
:)))))))))))))))))))))))))))))
(Daniel's POV)
HAAAAAY! Ano ba Daniel, bakit mo naman din talaga inivite si Anya sa bahay mamayang dinner? Bakit ba kasi ako nagpa-uto sa mga makukulit na yun eh. Nakakapikon na nga mang-asar si Ate Danica tapos dumating pa to si Ate Marie. Tsk. Anak ka ng tatay mo oh.
**rrriinggg***
Calling...
Ate Danica
Speaking of...
Ako: Hello? Ano nanaman ba? (inis)
Ate Danica: Hey, is that how you greet your sister on the phone?
Ako: Pwede ba ate, patahimikin mo naman yung utak ko kapag nandito ako sa school? What do you need?
Ate Danica: Hmmm... Well, Ate Marie here is asking kung tuloy daw ba yung dinner later? And actually it's not a question, it's a command. So, no choice ka. Bye!
Ako: Hey!
*tooot!*
Aw. binabaan pa ko!
Talaga naman oh. Bakit ba kasi yung mga ate ko hindi na lang naging kuya para may kakampi naman ako kahit papaano. Buti na lang at di ko na sila naabutan dito sa university, baka siguro lagi akong mapapahiya nun. Tingin kasi nila sakin ay "baby brother" pa din.
Pero sa kabilang banda, naisip ko, hindi kaya opportunity na to para makapagtapat kay Anya? Parang di ko na rin kayang itago eh, kaso di ko din naman kayang sabihin. At least, nandiyan sila ate, ngayon ko kailangan ang kadaldalan nila. Lalo na at padami na nang padami ang kalaban ko, tapos malapit na yung pageant, magiging busy na si Anya.
Sa ngayon, uuwi muna ako, at kailangan ko maghanda, di naman pwedeng di ko pag-effortan ang pagpunta ni Anya sa bahay. Naglalakad na ako papunta sa kotse nang biglang...
**BLAAAG!!!!!*
Ano to, may nagrarambulan nanaman dito sa parking lot? Hinanap ko kung nasaan yung gulo. Malay mo tropa ko pala yun, di naman pwedeng hayaan kong mag-isa habang nakikipag suntukan. Nakita ko yung dalawang lalake sa may gilid ng itim na sasakyan, yung isa nakahandusay na malapit sa gulong, di ko kilala eh, pabayaan mo na nga sila magpatayan diyan. Di ko masyadong makita kung sino yung isa eh, nakatalikod kasi.
Aalis na sana ako kaso...
"GAGO ka ANDREW!" - sigaw nung lalakeng nakahandusay kanina, may dugo na yung mukha nya. Tumayo siya na parang gaganti din ng suntok.
*BLAG!*
Saka ko lang napansin na si Andrew Del Moral pala yung isang lalake. Bakit kaya may kasuntukan to? At outsider pa ha.
Nakailang palitan na sila ng suntok, naisip kong umawat na dahil baka kung ano pang mangyari sa kanilang dalawa. At siyempre, para makapagpalakas kay Andrew, kuya ata ni Anya yun, HAHAHA.
Umawat ako sa pagitan nila, medyo natatamaan na din ako ng mga suntok nila, pero ayos lang yun.
"Pre tama na. Awat na"- Ako
Hindi ko sila kayang awatin, parang galit na galit sila sa isa't-isa. Trashtalk, Murahan.
"Tangina mo! pag nakita ko pa ulit yang pagmumukha mo, babasagin ko na yan!"- Andrew
"Kupal ka Andrew!"- sabi naman nung isa
"eh gago pala to eh! Duwag ka! Pag ganito ka lang matapang. Bakit di mo subukang magpakalalake? Ang lakas ng loob mo ngayon, samantalang di mo nga maako yung responsibilidad mo!"- Andrew
Puta. Personal na to ah.
Sa pagkakataong ito, madami nang dumating para umawat. Hawak ko na si Andrew sa dibdib para siguradong di siya makakawala, masyado silang agresibo eh. Yung ibang lalake naman, hawak yung isang lalake.
"Bitawan mo ko! Papatayin ko yang gagong yan!"- Andrew
"Tama na pre"- sabi nung isang taga-awat.
"Pre, kalma lang."- Ako
Ayaw talaga nilang paawat pareho.
"Kahit anong gawin mo, hinding hindi mo ako mabubura sa buhay ng kapatid mo. Tignan mo nga ngayon, panahon na ang gumawa ng paraan para magkita kami ulit. Malay ko bang dito pala nagtatago si Anya. Baka nga di alam ng lahat ang lihim niya eh."- sabi nung lalake
Nawala ako sa konsentrasyon sa narinig ko. Hindi daw siya mabubura sa buhay ni Anya. Bakit? AT ANO YUNG LIHIM NA SINASABI NIYA. Bigla akong napaisip. Marami pa ba kaming di nalalaman tungkol kay Anya?
Dahil dun, nakawala si Andrew sa pagkakahawak ko sa kanya. Hinila niya yung kwelyo ng lalake at wala nang nagawa yung ibang taga-awat.
"Tandaan mo to Luis Franco. LAYUAN MO YUNG KAPATID KO. Sa susunod na makita ko pa kahit anino mo na malapit sa kanya, hindi ko pagsisisihan kung mapapatay man kita."- Andrew
Bigla naman siyang tumingin sa akin.
"Isa ka pa, kung wala kang magandang intensiyon sa kapatid ko, ngayon pa lang, binabalaan na kita." - Andrew
Sinipa niya yung kotse sa tabi, at umalis na.
Ano kayang meron sa lalakeng ito at kay Anya at ganun na lang ang galit ni Andrew? Ganun ba talaga kagrabe ang ginawa niya para pati ako pagbantaan ng kuya ni Anya? Biglang ang daming tanong sa isip ko ngayon.
Tumingin ako dun sa lalake, Luis pala ang pangalan niya.
Iba ang tingin niya sakin, parang may halong pang-aasar.
Nilapitan niya ako.
"Mag-ingat ka. Hindi mo siya kilala."- sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Excess Baggage
أدب المراهقينEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...