Chapter 8

420 12 3
                                    

this one's dedicated to you. for the votes. highly appreciated! :) 

:)))))))

(Daniel's POV)




"Del Moral! sabay na tayo palabas."
- hingal na hingal pa ko sa paghabol kay Anya

"May pupuntahan pa kami ni Janelle, umuwi ka na lang mag-isa." - sabi niya

"At wag ka nang susunod." at naglakad na siya palayo

Ilang araw na siyang ganyan sa akin, masungit na siya, hindi niya ako nirereplyan, hindi na nakikipag kulitan tsaka sa tingin ko iniiwasan niya ako. Nagsimula yun nung tuesday eh, bigla na lang siyang lumipat ng upuan, at lagi na lang ganun, tuwing may mababakanteng upuan sa room, umaalis siya sa tabi ko at dun umuupo. Aaminin ko, di na ako sanay ng hindi ako inaasar ni Anya. Kulang ang araw ko kapag di ko siya nakikita, eh ngayon naman, nakikita ko nga siya, hindi naman nakikipag-usap.

May nagawa ba akong masama sa kanya? Wala naman diba. Parang nawawalan nanaman tuloy ako ng gana pumasok at magseryoso sa klase. Ayaw niya na din na hinihintay ko siya sa gate. Hay! Di ko na kaya to... Kailangan kausapin ako ulit ni Anya...

KInabukasan, sobrang aga kong pumasok, sinigurado kong mauuna ako kay Anya na makarating sa school, hihintayin ko siya sa may entrance kahit na anong mangyari... Kailangan kausapin niya ako ulit, kahit ayaw niya... gagawa ako ng paraan.

Parami na ng parami ang mga dumarating. Medyo maaga pa naman eh, kaya maya-maya pa siguro dadating si Anya. Naupo lang ako sa bench at nag hintay. Hintay.... Hintay... Sana naman wag siyang umabsent diba. At ayun! Nakita ko na siyang parating...

Alam kong nakita niya ako pero agad naman siyang nag-iba ng tingin. Nang malapit na siya sa akin, tumayo na ako... 

"Anya, ano bang problema mo ha?" - sabi ko nung nasa tapat ko na siya

Tumingin naman siya sa akin. Naka straight face lang

"Problema? Wala.." - sabi niya, at nagdiretso sa paglakad

Wala? Ganun ba ang walang problema?

Hinabol ko siya at hinila ho sa braso at iniharap sa akin

"Wow ang galing... Ano yun, trip mo lang na hindi na mamansin? " - Ako

"Bakit ba ang kulit mo? SInabi ko nang wala diba?" - Anya. Tumalikod nanaman siya para maglakad palayo, pero hinila ko ulit siya paharap sa akin.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon