thanks guys for the comments and votes. Highly Appreciated :D
:)))))
(Andrew's POV)
Tinanghali na ako ng gising. Ikaw ba naman ang mag-OJT ng hanggang madaling araw eh. Buti na lang mamayang hapon pa yung klase ko. Bumangon na ako para mag breakfast... Breakfast pa nga ba? O sige sige... BRUNCH
Pababa na sana ako, pero nakita kong natutulog pa din si Anya, naka half-closed pa din kasi yung pinto niya. Teka, diba dapat kanina pa yung pasok nito? Baka napuyat dahil nag-iiyak kagabi. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya, wala na si Maya sa tabi niya, baka kinuha ni manang...
"Anya.... gising na.." - niyugyog ko siya
"hmmmmm...."- Anya
"Anya tanghali na..." -Ako
Dumilat naman siya ng dahan-dahan, namumugto pa yung mga mata niya.... Bumangon siya at bigla akong niyakap.
"Kuya... ang sakit sakit na..." - sabi niya habang umiiyak..
Niyakap ko din siya, lalo namang humigpit yung yakap niya sa akin. Alam ko kung bakit siya nasasaktan...
"Ssshhh.. Anya, tama lang na iiyak mo lahat yan. Alam ko na nasasaktan ka.. I'm sorry, there's nothing that I can do." - Ako
"No kuya, you've done a lot... Kuya salamat di ka nagsasawang intindihin ako ha... Tsaka sa pagmamahal kay Maya."- Anya
humagulgol na siya ng iyak...
Hinayaan ko lang siya umiyak ng umiyak sa balikat ko...That's the least I can do. Di ko man alam kung gaano kasakit yung nararamdaman niya ngayon, at least I can be the shoulder to cry on... I love my sister so much... I admit, nagulat ako dati nung nalaman kong buntis siya, but, tao lang siya, mahina....Ngayon niya mas kailangan ng iintindi sa kanya.
Nang mahimasmasan na siya, pinunasan ko ang luha niya.
"Anya, be strong... be strong for Maya."- Ako
Tumango naman siya.... at sa wakas, ngumiti na din.
"Bumaba na tayo para kumain. Pumasok ka, kahit ilang subjects na lang."- Ako
"Yes sir!"- sabi niya
Sabay na kaming bumaba at kumain. Umakyat na siya para maligo at magbihis. Maya-maya pa, nagpaalam na siya para pumasok.
(Anya's POV)
Badtrip! Na-late pa ko ng gising! Nagdrama pa kasi ako kagabi eh, buti na lang andiyan si kuya Drew para gisingin ako. Nagmadali akong maligo at magbihis para pumasok sa school. Nagpaalam na ako kay kuya at manang na aalis, humalik na din ako sa aking si Maya...
Naglalakad na ako ngayon papunta sa sakayan ng jeep. Biglang nag-ring yung phone ko..
Calling...
Daniel Espiritu
ano naman kayang kailangan nito? I answered the call...
"Hoy! Del Moral! Anong pumasok sa utak mo at umabsent ka ha?!" - Daniel
"Hoy ka rin Espiritu! Kailangan bang sumigaw? Tsaka ano bang pakialam mo kung di ako pumasok?" - Ako
"Sorry na... Wala kasi akong makausap eh, nakakatamad na tuloy."- Daniel
"Hahaha. Ano ka ba, late lang ako, eto nga papasok na ako oh." - Ako
"Sige, magka-cut ako, hihintayin kita sa bench malapit gate ha, para siguradong papasok ka, kung absent ka edi aabsent na din ako." - Daniel

BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...