Chapter 15.2

329 9 4
                                    

:))))))))))))

(Daniel's POV)

"Daniel! Go Downstairs!"

Naalimpungatan ako sa sigaw ni ate Danica, ang sarap sarap na ng tulog ko eh. Sino ba namang di magigising, sumisigaw na nga, kinakalampag pa yung pinto. Bumangon ako at pagtingin ko sa bintana, madilim na pala. Nagbihis muna ako at saka bumaba. Pagbaba ko sa may sala, may nakita akong pamilyar na mukha. 

"Ate Marie?"- Ako

Nakalimutan ko na ngayon pala ang dating ng panganay kong ate. Halos di ko siya nakilala dahil lalo siyang gumanda at ang elegante niyang tignan. 

"Hey Danny, is that how you greet your long lost sister? Come here, give me a hug."- Ate Marie

Long lost sister? Hindi naman, matagal lang talaga kaming hindi nagkita kasi simula nung nag-asawa siya 7 years ago, ngayon na lang siya ulit umuwi dito sa pinas.

Nilapitan ko si ate at niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit naman papaano, namiss ko tong ate ko. Total opposite sila ni Ate Danica, si Ate Marie medyo softspoken at seryoso. Pero as close ako kay Ate Danica kasi kami ang magkasamang lumaki, si Ate Marie kasi, gaya ng sabi ko, half-sister lang namin siya.

"Look at you, ang laki na ng pinagbago mo, nung umalis ako dito, magha-highschool ka pa lang ata eh."- Ate Marie

"In love na nga yan ate eh!"- sabat naman ni Ate Danica

"Hey!"- Ako

"Talaga? Have you met her already?"- tanong naman ni ate na tumingin kay Ate Danica tapos kay mommy.

Ngumiti naman yung dalawa.

"I've seen her kanina, ang maganda siya."- Ate Danica

"She's my student."- sagot naman ni mommy na todo ngiti ^_^

At nakita kong nagningning ang mga mata nilang tatlo, sa tinginan lang, nagkakaintindihan na sila.

Ayan, diyan sila nagkakapare-pareho, ang pagkaisahan ako. Wala akong magawa kapag ang mga babae na ng pamilya namin ang nagsama sama. Wala pa naman si daddy kaya wala akong kakampi.

"So... Masyado na pala akong nahuhuli sa mga balita? I want to meet her too."- Ate Marie

"Anong you want to meet her too. Di ko siya girlfriend, classmate ko lang siya."- Ako

"Edi tama nga ako!"- sabat nanaman ni Ate Danica

Nakita kong tumatawa si mommy at Ate Danica, tinignan ko na lang sila ng masama, wala na, naipit na ako.

"And so? Malay mo matulungan ka namin. Diba sis?"- Ate Marie

Tumango tango naman si Ate Danica with matching palakpak pa ng kamay na parang excited.

"Bahala nga kayo diyan."- yan na lang ang tanging nasabi ko.

And with that, nagtawanan nanaman silang tatlo. Nagkwentuhan pa ulit kami at buti naman naiba na yung topic, mas marami pang importanteng pagkwentuhan kaysa sa buhay pag-ibig ko. Nagdinner na din kami, di na namin nahintay si daddy kasi gutom na kaming lahat. Haha.

Pagkatapos kumain, kwentuhan ulit sa may sala, di na ata matatapos to, binigay na din ni ate yung mga pasalubong niya sa amin, sobrang dami.

Maya-maya pa, dumating na si daddy. Pagpasok niya sa pinto, sumigaw siya agad.

"Marie! How's my daughter?"- Daddy

Tumakbo naman si Ate Marie papalapit sa kanya na parang bata. Niyakap niya ito.

"Daddy, I missed you."- sabi ni ate na nakayakap pa din sa kanya

"Im good, it's nice to see you again."- daddy

"I'm more happy to see you dad."- Ate Marie

Lagi akong natutuwa na tignan ang scene na ganito. Nakikita ko na kabila ng lahat, mahal na mahal ni daddy  si Ate Marie. Si Ate Danica naman, nakangiti din. 

Biglang napansin kong nagpupunas ng luha ang mommy ko. Lagi siyang ganyan tuwing makikita silang dalawa. 

"Okay ka lang?"- tanong ko

"Yes. Excuse me."- Mommy, at saka siya tumayo at umakyat sa taas, kitang kita ko pa din na naiiyak siya.

Tumango naman sa akin si Ate Danica na parang sinasabi na "hayaan mo lang siya".

Alam ko naman kung bakit nagkakaganun ang mommy sa tuwing nakikita niya si Ate Marie at daddy na magkasama. Naiintindihan ko ang mommy ko. Pero higit sa lahat, ang laki ng respeto at paghanga ko sa daddy ko.

Umakyat na ako sa taas para matulog na sana pero si Anya nanaman ang naisip ko. Okay na kaya siya? Sa tuwing wala akong ginagawa o kaya kinakausap, siya ang laging pumapasok sa isip ko. Pag naaalala ko yung pag-iyak niya kanina na takot na takot, parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at wag na ilayo sa tabi ko.

*rrrriingg*rrriinnggg*

Biglang nag-ring yung cellphone ko. 

Pagtingin ko..

Calling...

Anya Del Moral

Agad agad kong sinagot ito.

Ako: Bakit, may problema ba?

Anya: Grabe naman to. Wala man lang hello? 

Ako: Eh kasi baka tatanga tanga ka nanaman at napahamak ka ulit.

Anya: Hay naku. Di noh. Gusto ko lang mag thank you dun sa kanina.

Ako: Thank you lang? May kapalit dapat yun

Anya: Hoy ang kapal ng mukha mo ha. Di na nga ako hihingi ng tulong sa'yo.

Ako: Joke lang. ito naman. Ano, okay ka na ba talaga?

Anya: Oo, okay na ko. Thank you talaga.

Ako: Sus, wala yun basta ikaw.

Anya: Wow, sige bye.

*toot*

Medyo gumaan ang loob ko na malamang okay na siya. Kahit papaano di na ko mag-aalala sa kalagayan niya pagkatapos nung nangyari kanina. 

At higit sa lahat, masaya akong malaman na na-appreciate niya yung ginawa ko. Nag-effort pa siya sa tawagan ako, first time yun ah.

Natulog ako ng masaya dahil nakita ko ulit si Ate Marie, kumpletong pamilya kami ngayon dito sa bahay, and most of all, dahil kay Anya.

Excess BaggageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon