I'm back nanaman babies :* OJT is done + sembreak=YEHEY!
:))))))))))
(Anya's POV):
"MANANG BETTY!"
lakad papunta sa kusina...
"MANANG BETTY! nasan po kayo?"
punta sa sala..
"MANANG!"
"Oh, Anya anak, anong problema? May nangyari ba?"- Manang Betty habang humahangos pababa ng hagdan.
"Si kuya po? Nandiyan na po ba siya? Nakauwi na po ba si kuya ha manang?"- Anya
"Teka nga Anya, huminahon ka muna, ano bang nangyari at hinahanap mo si Andrew? Wala pa siya, ang sabi niya kanina, baka dadaan daw siya sa eskwelahan ninyo at may lalakarin."- Manang Betty
Nagpunta sa school si kuya? Baka magkita sila ni Luis dun! Malaking gulo kapag nagkataon. Nasaan na kaya si kuya.... Tatawagan ko nga
**rrriiingggg!
Calling...
Kuya Andrew
Aba, nauna pa ko tawagan ni kuya, tatawagan ko na dapat siya eh.
Anya: Hello kuya......
Andrew: Anya! nasan ka? Kailangan natin mag-usap
Anya: Nandito na ko sa bahay
Andrew: Wag kang aalis jan.
Anya: Bakit kuya? Anong.....
*tooooot*
Shit. Ano kayang nangyari. Nagkita nga siguro sila ni Luis sa school. Bakit galit yung tono ni kuya? Nararamdaman ko may masamang nangyari.
"Ano bang problema niyong magkapatid ha?"- Manang Betty
"Manang, si Luis po...."- Ako
Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko, di ko alam kung bakit ako naiiyak, halo halo ang nararamdaman ko ngayon, lalong lalo na para kay Luis...
"..nagkita po kami sa school kanina. Manang, siya po yung makakapartner ko dun sa pageant na sasalihan ko."- Ako
"Ano?!!"- nabigla si Manang Betty
"Manang, hindi ko po alam ang gagawin ko. Natatakot po ako, nag-aalala po ako para kay Maya. Hindi pa po ako handang harapin ulit si Luis. Tapos, mukhang nagpang-abot pa sila ni kuya Andrew. Kilala ko po si kuya, hindi niya po papalagpasin si Luis."- Ako
Lalo akong naiiyak. Natatakot ako. Nahihiya na din ako kay kuya Andrew, nadadamay siya sa problemang ginawa ko, pati siya nasasaktan ng dahil sakin.
Niyakap ako ni Manang Betty na para akong isang batang umiiyak...
"Wag kang mag-alala Anya. Nandiyan ang kuya mo para protektahan ka at si Maya. Saka, ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Nakaya mo nga dalhin ng problema mo ng matagal na panahon, ngayon ka pa ba susuko."- Manang Betty
"Si kuya po kasi, nahihiya na po ako sa kanya. Pati po siya kailangang maglihim at magtago.. Pati siya limitado ang galaw."- Ako
"Ano ka ba naman Anya. Natural, kapatid ka niya, ipagtatanggol ka niya, alam kong mahal na mahal ka ng kuya mo. Hindi pumapasok sa isip niya ang mga yan. Kaya magpasalamat ka at nandiyan ang kuya mo para sa inyo ng anak mo."- Manang Betty

BINABASA MO ANG
Excess Baggage
Teen FictionEveryone thought she was perfect. Lahat na ng hinihiling mo sa isang babae ay nasa kanya na. Your perfect girlfriend, the one that you've been waiting for all this time... But wait... Tatatanggapin mo pa din ba siya kung nalaman mong mayroon siyang...